^

PSN Showbiz

Toni, gustong maging mayor!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Bata pa pala ay hyperactive na si Toni Gonzaga. Gusto ng ama, lagi itong naka-rubber shoes at nakasuot palagi ng medyas kaya naging maganda ang mga paa nang lumaki.

Ten years old pa lang ang TV host ay nagtuturo na ito ng Bible study sa mga bata sa kanilang lugar at laging emcee noong konsehal pa ang kanyang daddy. Nang ayaw na nitong (ama) tumakbong muli ay pinakiusapan si Toni ng barangay captain para tumakbong kagawad dahil kasalukuyan nang gumagawa ng pangalan si Toni noon sa Eat Bulaga.

"Gusto niyang maging mayor balang araw dahil ang lolo ng daddy niya ay naging mayor ng Taytay gayundin ang kapatid ng lolo nito kaya may dugo kami ng pulitiko," anang mommy.

Thirteen years old lang siya nang maging pinakabatang finalist sa first Metro Pop Star Search at kauna-unahang talent ng GMA Artist Center sa edad na 14. Twenty one years old ito nang makuhang commercial model ng Sprite hanggang kunin ng Eat Bulaga.

Isa sa mga dahilan kung bakit marami itong manliligaw ay dahil maganda ang kanyang imahe at di mahilig sa nighlife. Ilan sa mga na-link sa kanya ay sina JC Cuadrado, Carlos Agassi, Vhong Navarro at Lucky Manzano. Pero ayaw pa nitong magkaroon ng nobyo dahil naka-concentrate siya sa career kung saan kabilang siya sa ETK, My One and Only, Wazzup sa Channel 23, ASAP at Pinoy Big Brother.
Nora, Tinanggihan Ang Abogado Ng Gobyerno
Gustung-gusto ni First Gentleman Mike Arroyo na tulungan si Nora Aunor lalo na sa kanyang kaso sa US pero nag-alala ito na bigyan na naman ito ng kulay-pulitika. Sa halip tumutulong ang gobyerno natin na ma-monitor ang kaso ng aktres para makakuha ng tamang due process sa pakikipag-ugnayan sa Consulate General sa Los Angeles.

Kahit si Pangulong Arroyo ay nangako ng tulong na ginagawa naman ng Department of Foreign Affairs. Nag-offer ng additional lawyers sa aktres pero nagdesisyon itong kumuha ng sariling abogado, si Atty. Claire Espina ng Encino, California.

Sa kasalukuyan ay on bail na ang superstar at hihintayin na lang kung aapela sila sa Superior Court, balitang di makukulong si Nora dahil may magba-vouch sa kanyang karakter.
Ronaldo, Hindi Kunsintidor
Wala namang ibang pakahulugan si Ronaldo Valdez nang sabihing sana’y di na lang naging maintriga ang hiwalayan ng kanyang anak na si Janno Gibbs at Bing Loyzaga. Sinabi pa rin na sana’y pinabayaan na lang ng huli ang pambabae ng kanyang asawa dahil sa dakong huli ay sa kanya pa rin ito babalik.
Blind Item: Inaanakan Lang Ang Gf
Tatlo na ang anak ng sikat na aktor sa kanyang girlfriend. Recently lang bininyagan ang bunso nila.

Marami pa rin ang nagtataka kung bakit di pa nito pakasalan ang girlfriend gayung tatlo na ang anak nila. Parang wala pa sa plano nito na humarap na sila sa dambana. Hinala tuloy ng press ay gusto lang ng aktor na anakan ang nobya at wala nang kasalan?

Ang aktor ay magaling umarte at ilang beses nang tumanggap ng acting award.

ARTIST CENTER

BING LOYZAGA

BLIND ITEM

CARLOS AGASSI

CENTER

CLAIRE ESPINA

EAT BULAGA

LANG

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with