^

PSN Showbiz

Rosanna Roces, itinanggi

-
Tahasang itinanggi ni Ramon Tulfo na siya ang hardhitting tv host/columnist na sumusuporta ngayon kay Rosanna Roces. Ayon kay Tulfo, wala silang relasyon ni Osang.

Ayon sa balita, ang hardhitting tv host/columnist daw ang nagbibigay ng lakas ng loob sa dating sexy star upang harapin ang mga kalaban nito, partikular na ang dating manager nitong si Lolit Solis at ang kanyang dating bestfriend na si Dra. Vicki Belo. Bukod dito ay sustentado rin daw ng tv host-columnist si Osang sa mga pangangailangan nito mula sa gastusin sa bahay hanggang sa mga personal na pangangailangan.

"Hindi totoo ‘yon," ang matipid at matigas na tanggi ni Tulfo.

Samantala, aminado si Tulfo na minsan ay nadalaw sa kanyang opisina si Osang, ngunit hindi sa kung anupaman kung hindi, upang magtanong lamang ng identity ng isang babaeng nilukuban ng masamang espiritu na kanilang na-feature sa kanilang television program.

"Minsan lang kami nagkita ni Osang dito sa aking opisina dahil nga gusto niyang malaman ang pangalan at kung saan maku-kontak ang isang na-feature naming tao sa aking tv program."

Pagkatapos umano ng unang pagkikita nila sa kanyang opisina at makuha ang identity ng babae ay hindi na rin daw sila nagkausap pang muli kaya’t sigurado si Tulfo na hindi siya ang sinasabing hardhitting tv host/columnist na nauugnay dito. – Tonton Villamor

vuukle comment

AYON

BUKOD

LOLIT SOLIS

OSANG

RAMON TULFO

ROSANNA ROCES

TONTON VILLAMOR

TULFO

VICKI BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with