Natatandaan nyo pa ba si Ernie Garcia?
September 3, 2005 | 12:00am
Marami-rami na rin sa ating mga kilalang artista noon ang hindi gaanong aktibo ngayon dahil na rin marahil sa kakulangan ng trabaho o proyekto sa larangan ng pelikula at telebisyon.
May isang lugar sa Quezon City sa may Panay Avenue at Scout Borromeo na malapit sa Tropical Supermarket ang ginagawang tambayan ng mga artista, director, production people at mga taga-industriya na walang trabaho. Nalipat sa lugar na ito magmula nang magsara ang Magna Tech na matatagpuan din sa may Scout Borromeo.
Mula nung taong 1997 ay hindi pa nakakabawi ang industriya ng pelikulang Pilipino kaya mas maraming taga-industriya ang walang trabaho. Marami ring mga sikat na artista noon ang walang-wala ngayon dahil hindi nila napaghandaan ang kanilang kinabukasan, pero meron din namang nakapag-ipon at asenso na sa buhay.
Sa grand opening ng bagong tayong building ng mag-asawang Bobby Valle at Chieko Kimura sa may Malate area kamakailan lamang ay aksidente naming nakita ang singer-actor na si Ernie Garcia na kahit matagal nawala ay hindi pa rin nagbabago ang hitsura. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ernie at bihirang-bihira na lamang siya makita sa pelikula at maging sa telebisyon? Huli siyang napanood sa pelikulang Sa Bingit ng Kamatayan nung taong 1996 at magmula noon ay halos wala nang balita sa kanya.
Nang humina ang industriya, nag-shift si Ernie sa kanyang singing career at nag-concentrate siya sa pagtatanghal sa ibang bansa. May mga panahon na gusto na sana niyang mamirmihan sa Amerika pero dalawang beses niyang ginib-ap ang kanyang greencard dahil mas gusto pa rin niya ang buhay sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang singing career, nagtatag din si Ernie ng sarili siyang produksiyon na nagpu-produce ng mga educational stage plays tulad ng Noli Me Tangere at iba pa at dinadala niya sa ibat ibang lugar ng Pilipinas at lately, ginamit na rin niya ang isa sa kanyang mga talents, ang pagpipinta. Kapag may oras din lamang si Ernie ay naglalaan siya ng oras para magpinta at balak niyang magkaroon ng one-man exhibit balang araw. Nagtayo rin si Ernie ng promotions business na nagpapadala ng talents sa Japan. Nang itatag ang Cine Filipino, naging resident build-up actor si Ernie. Nakasama niya si Vilma Santos sa Takbo Vilma, Dali, Lipad Darna Lipad, Hatinggabi na Vilma at iba pa hanggang sa maging perennial screen partner niya si Chanda Romero sa ilang Cebuano films tulad ng Alma Bonita na serialized sa isang radio sa Cebu.
Mula sa Visayan films ay balik si Ernie sa paggawa ng pelikula sa Maynila sa tulong noon nina Douglas Quijano at Alfie Lorenzo at dito nagsimula ang paggawa niya ng mga sexy films na kanyang sinimulan sa Uhaw na Bulaklak kung saan din niya kasama si Chanda Romero, Boots Anson-Roa, Liza Lorena at Marissa Delgado, Virgin People ni Celso Ad Castillo kung saan niya kasama si Janet Bordon, Hubad sa Mundo kung saan niya nakabituin sina Trixia Gomez, Charito Solis at Liza Lorena, Uhaw na Bulaklak II na muli nilang pinagtambalan ni Trixia kasama sina Alona Alegre at Atoy Co, ang Snake Sisters na isang experimental movie na dinirek ni Celso Ad Castillo at ipinalabas sa Manila Film Center.
Nanalo siyang Best Supporting Actor sa Bukas Sisikat Din Ang Araw kapareha si Alma Moreno. Nanalo rin siyang best actor sa Aliw Awards para sa stage play na Hamlet at nominated naman siya sa Star Awards for TV sa TV series noon ni Judy Ann Santos na Ula (Ang Batang Yagit). Na-nominate din siyang best actor para sa pelikulang Pagmamahal Mo, Buhay Ko sa FAMAS, isang May-December affair movie na pinagsamahan nila nina Amalia Fuentes, Pilar Pilapil at Rio Locsin.
Nang mauso ang mga pene movies nung 80s ay tumigil si Ernie at umalis siya patungong Amerika at binalikan niya ang kanyang singing career.
[email protected]
May isang lugar sa Quezon City sa may Panay Avenue at Scout Borromeo na malapit sa Tropical Supermarket ang ginagawang tambayan ng mga artista, director, production people at mga taga-industriya na walang trabaho. Nalipat sa lugar na ito magmula nang magsara ang Magna Tech na matatagpuan din sa may Scout Borromeo.
Mula nung taong 1997 ay hindi pa nakakabawi ang industriya ng pelikulang Pilipino kaya mas maraming taga-industriya ang walang trabaho. Marami ring mga sikat na artista noon ang walang-wala ngayon dahil hindi nila napaghandaan ang kanilang kinabukasan, pero meron din namang nakapag-ipon at asenso na sa buhay.
Nang humina ang industriya, nag-shift si Ernie sa kanyang singing career at nag-concentrate siya sa pagtatanghal sa ibang bansa. May mga panahon na gusto na sana niyang mamirmihan sa Amerika pero dalawang beses niyang ginib-ap ang kanyang greencard dahil mas gusto pa rin niya ang buhay sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang singing career, nagtatag din si Ernie ng sarili siyang produksiyon na nagpu-produce ng mga educational stage plays tulad ng Noli Me Tangere at iba pa at dinadala niya sa ibat ibang lugar ng Pilipinas at lately, ginamit na rin niya ang isa sa kanyang mga talents, ang pagpipinta. Kapag may oras din lamang si Ernie ay naglalaan siya ng oras para magpinta at balak niyang magkaroon ng one-man exhibit balang araw. Nagtayo rin si Ernie ng promotions business na nagpapadala ng talents sa Japan. Nang itatag ang Cine Filipino, naging resident build-up actor si Ernie. Nakasama niya si Vilma Santos sa Takbo Vilma, Dali, Lipad Darna Lipad, Hatinggabi na Vilma at iba pa hanggang sa maging perennial screen partner niya si Chanda Romero sa ilang Cebuano films tulad ng Alma Bonita na serialized sa isang radio sa Cebu.
Mula sa Visayan films ay balik si Ernie sa paggawa ng pelikula sa Maynila sa tulong noon nina Douglas Quijano at Alfie Lorenzo at dito nagsimula ang paggawa niya ng mga sexy films na kanyang sinimulan sa Uhaw na Bulaklak kung saan din niya kasama si Chanda Romero, Boots Anson-Roa, Liza Lorena at Marissa Delgado, Virgin People ni Celso Ad Castillo kung saan niya kasama si Janet Bordon, Hubad sa Mundo kung saan niya nakabituin sina Trixia Gomez, Charito Solis at Liza Lorena, Uhaw na Bulaklak II na muli nilang pinagtambalan ni Trixia kasama sina Alona Alegre at Atoy Co, ang Snake Sisters na isang experimental movie na dinirek ni Celso Ad Castillo at ipinalabas sa Manila Film Center.
Nanalo siyang Best Supporting Actor sa Bukas Sisikat Din Ang Araw kapareha si Alma Moreno. Nanalo rin siyang best actor sa Aliw Awards para sa stage play na Hamlet at nominated naman siya sa Star Awards for TV sa TV series noon ni Judy Ann Santos na Ula (Ang Batang Yagit). Na-nominate din siyang best actor para sa pelikulang Pagmamahal Mo, Buhay Ko sa FAMAS, isang May-December affair movie na pinagsamahan nila nina Amalia Fuentes, Pilar Pilapil at Rio Locsin.
Nang mauso ang mga pene movies nung 80s ay tumigil si Ernie at umalis siya patungong Amerika at binalikan niya ang kanyang singing career.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am