^

PSN Showbiz

Ang No. 1 show sa GMA Pinoy TV

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Aminado si Kuya Germs, sa ngayon nga ang mas malakas na medium ay ang telebisyon. Dahil mas mahusay talaga ang napapanood sa telebisyon, nasa kanila ang mas malalaki at sikat na artista, gumagamit sila ng makabagong teknolohiya, talagang nailampaso na ng telebisyon ang pelikula. Isipin mo nga naman, bukod sa lahat ng yan ay libre pa ang tv, tapos tumataas pa ang bayad sa sine.

Pero sinasabi ng Master showman na natatakot din siya sa nakikitang advancement ng tv. Matapos na may character na lumilipad, sumisisid, nakakagawa ng kung anu-anong mahika sa tulong ng computer graphics, ano pa nga raw ba ang susunod na maipakikita sa tv? Kasi sa bilis ng advancement, masasabing bunga rin ng pag-uunahan ng mga networks hindi lamang sa ratings kundi sa teknolohiyang maipakikita, oras na wala na silang mailabas na bago, baka biglang bagsak din sila.

Inaamin ni Kuya Germs na ang pinakamalaking peligrong hinaharap ngayon ng tv ay iyong maubusan sila ng mga bagong ideyang mailalabas. At oras na mangyari yon, tapos na rin ang kanilang supremacy.

Kaya ang sabi nga ni Kuya Germs, ang ginagawa niya ay kung ano pa rin ang traditional sa telebisyon. Afterall napatunayan niyang epektibo pa rin iyon. Isipin ninyo, iyong kanyang Mastershowman Presents ang lumalabas na number one show ngayon sa GMA Pinoy TV saUS, at tinalo noon ang lahat ng kanilang mga musical variety shows na inilalabas doon. ‘Yong Mastershowman Presents ay napapanood ng umaga sa US. Eh dito kasi sa atin halos madaling araw na yan kung magsimula. Siguro kung nasa magandang timedin yan dito sa atin isa rin yan sa mga topraters sa local tv.
* * *
May ginawa na namang bagong video ang Viva Hot babe na si Asia Agcaoili, iyong Erotica. Kung titingnan lamang ang sinasabi sa cover ng DVD na iyon, mas matindi raw iyon kaysa sa kanyang naunang video, yong Sex Guru.

Napanood namin yung nauna niyang video, at nagulat na kami roon dahil nagtuturo siya ng erotic massage at nag-demo pa siya, gamit ang mga sex toys. Hinaluan pa nila iyon ng dalawang lalaking nagme-make love din. Kung doon sa unang na-shock na kami, aywan kung ano nga ba ang mangyayari riyan sa kanyang second video.

Pero kung iisipin mo, mas grabe pa nga riyan ang iba pang mga ibinebentang sex video ng mga video pirates na hindi naman mapigil ng mga inutil na ahensiya ng gobyerno na siyang dapat pumigil doon, eh di hayaan na lang natin si Asia Agcaoili, legal pa iyan at nagbabayad pa ng tax.
* * *
Galit na galit ang isang male star dahil sa mga tsismis na ipinagkakalat ng dati niyang girlfriend tungkol sa kanya. Lahat ng paninira ay ginagawa sa kanya ng dati niyang girlfriend dahil nagalit siya nang sa halip na aminin na noon ang kanilang relasyon ay nakipag-split pa sa kanya. Feeling tuloy niya ay naging palipasan lang siya ng oras ng dati niyang boyfriend. Eh ang tanong naman ng male star, matinong babae daw ba naman ang dati niyang girlfriend para seryosohin?
* * *
Nagkukuwento ang isang matinee idol na minsan daw naiisip niyang nabigla lamang siya kaya niya naging syota ang kanyang ka-loveteam ngayon. Kasi noong ginawa silang love team, halos ang babae na raw ang talagang nanligaw sa matinee idol, at nang lumaon nga, bigla na lang silang naging mag-on. Minsan nga raw parang nawawala sa sarili ang matinee idol at naiisip niyang mukha ngang mali siyang pinatulan ang kanyang ka-loveteam.

ASIA AGCAOILI

ISIPIN

KASI

KUNG

KUYA GERMS

MASTERSHOWMAN PRESENTS

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with