Pwedeng di matanggal ang paborito nyong houseguest sa PBB kung tutulungan nyo!
September 2, 2005 | 12:00am
Patuloy na naiintriga ang bagong reality program ng ABS CBN, ang Pinoy Big Brother, na maraming beses ay nalalagay sa alanganin sa MTRCB dahilan sa mga pinag-uusapan ng mga houseguest at ang mga salita na binibitawan nila in the course of their conversation at ang kaayusan ng mga houseguest.
Bagaman at may mga rules na sinusunod ang programa at maging ang mga tauhan na gumaganap sa show, partikular na yung 12 tauhan na magsasama-sama sa loob ng 100 araw sa isang bahay nang wala ni anumang outside communication, may mga nasasabi sila na hindi man masasabing objectionable o mahalay ay nabibigyan ng malisya.
At para hindi sila malagay sa alanganin, mahigpit ang pagsubaybay ng mga nasa likod ng Pinoy Big Brother sa gawain ng mga houseguests, ang mga topic na pinag-uusapan nila at mga salitang ginagamit nila.
Toned down na ang mga topic ng houseguests. Wala na ring makikitang naglalakad sa bahay ang naka-panty lamang.
Bukas, magkakaron na ng nominasyon sa kung sino ang unang mapapaalis sa bahay ni "Kuya".
Bagaman at marami ang pumupusta na si Rico ang unang matatanggal dahilan sa maraming pagkakamali o kapalpakan na ginawa niya , maaari nyo pa rin siyang mailigtas sa pamamagitan ng pagpapadala ng inyong mga text.
Naapektuhan ang ina ni Rico nang makitang umiyak sa TV ang kanyang anak sa ginawa nitong pagtatapon at kung paano ito na-devirginized sa edad na walong taon ng kanilang household help. Bagaman at naging objectionable ito sa MTRCB, marami sa mga manonood ang nabigyan ng babala at aral na mag-ingat sa pag-iwan sa kanilang mga anak kung kanino lamang. Pinadalhan ng ina ng sulat ang kanyang anak na ibinigay naman ng programa dito para makabawas sa bigat ng dalahin ni Rico sa ginawa niyang pagsisiwalat ng isang madilim na bahagi ng kanyang buhay.
Marami ang nagtatanong kung ano raw ba ang mangyayari kapag may mga umatras na houseguest.
Sinabi ng mga nasa likod ng programa na may mga stand-ins sila, mga pwedeng pumalit sakaling may biglang mawala for some reason or another.
Yung mga matatanggal ay tatanggap ng consolation prizes ng isang TV set mula sa Promac, karaoke at electric fan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended