^

PSN Showbiz

CJ, Ryza, nag-on din nun!

-
Nagkaroon pala ng relasyon sina CJ Muere at Ryza Cenon?

Kwento sa amin ng taong malapit sa dalawa na nangyari raw ito nu’ng pakontes ng StarStruck 2.

"Hindi ko lang alam kung ilang buwan sila, basta naging mag-on sina CJ at Ryza, remember na parati nilang sinasabi na ‘soulmates’ sila? ‘Yun na ‘yun, hindi nga lang nabulgar kasi hindi sila halata that time.

"At ‘yun din ang reason kaya ibinalik si CJ dahil nga nakitaan sila ng chemistry at that time at tiyak na magkakatulungan sila as loveteam, nagtataka lang kami kung bakit naging aloof na sila sa isa’t isa," pagtatapat sa amin.

Kaya naisip namin na kaya siguro sila nag-iiwasan ay dahil pareho pa silang may nararamdaman sa isa’t isa at pinipigil lang nilang manumbalik ito kaya sila hirap kumilos kapag magkasama na?

Naalala tuloy namin ang binitiwang salita sa amin ni Ryza during the presscon of Love to Love Season 8 na ‘hindi po makatingin sa akin ng diretso si CJ’. Sa madaling salita, si CJ ba ang may kasalanan ng paghihiwalay nila ni Ryza?

Pero ang paliwanag naman sa amin ng taong kausap namin ay, "Si Ryza ang may problema, selosa kasi."
* * *
Dahil disente na ang image ngayon ng Sex Guru na si Asia Agcaoili bilang TV host ng Pinoy Big Brother at Breakfast sa Studio 23, plus DJ din siya sa radio program na Magic 89.9, columnist ng FHM at artista naman siya sa teleseryeng Vietnam Rose ay hindi na raw siya gagawa pa ng sex video. Ayon sa sexiest babe ng grupong Viva Hot Babes, huling sex video na niya ang Erotica dahil gusto na niyang mag-switch ng image, "Itinodo ko na kasi lahat sa Erotica, kaya feeling ko, wala na akong ipapakita pa o ilalabas pa on my next sexy video.

"Since, may iba naman akong ginagawa na, so bakit ko pa kailangang gumawa uli ng sex video? Although sa ganitong paraan ako nakilala, kailangan ko rin namang mag-move on, di ba?" magandang paliwanag ni Asia.

Naikwento rin niya na grabe ang Erotica dahil iminuwestra niya ang mga kakaiba at panibagong posisyon sa pagtatalik para hindi magkasawaan ang magkatalik. – Reggee Bonoan

ASIA AGCAOILI

LOVE SEASON

PINOY BIG BROTHER

REGGEE BONOAN

RYZA

RYZA CENON

SEX GURU

SI RYZA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with