Mga puna sa Pinoy Big Brother
September 1, 2005 | 12:00am
Isa ako sa mga nakisaya sa birthday celebration ni Pokwang na ginanap sa Music Box (along Timog Avenue) noong Sunday. Bukod sa party, mayroon siyang show kaugnay ng isang taon niya sa showbiz. Sa Music Box nagsimula si Pokwang.
Masaya si Pokwang dahil hindi siya nawawalan ng projects. Unang movie niya ang Bcuz of U, na sinundan ng D Anothers at ngayon ay kasama naman siya sa Dubai nina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Claudine Barretto.
"Ito na ang pinakamasayang birthday ko," sabi nito.
Ilan sa mga naging bisita ni Pokwang ay sina Chokoleit, Kitkat, Beverly Salviejo, Ya Chang, Beau Canlas at mga direktor na sina Wenn Deramas, Erick Salud, Mae Cruz at Nuel Naval. Nakisaya rin ang mga kasamahan ni Pokwang sa Star Cinema, Star Magic at mga taga-Quizon Ave.
Masuwerte si Pokwang dahil kasama siya ng cast ng Dubai na magkakaroon ng premiere sa ibat ibang bansa. Ipapalabas ang Dubai sa September 28.
Marami na ang excited na mapanood ang Symphony of the Heart concert ni Gary Valenciano bukas, Biyernes, September 2 sa Araneta Coliseum. Malaki at bongga ang naging paghahanda ni Gary at ng Star Records sa concert na ito. Sinabi nga ni Gary na posibleng ito ang pinaka-memorable concert niya.
Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Gary ang San Miguel Philharmonic Orchestra. Si Ryan Cayabyab ang musical direktor nito. Kasama rin si Mon Faustino. Special guests sa concert sina Erik Santos, Sheryn Regis, Paolo at Gabriel Valenciano. Si Gary ang kumanta ng "Ikaw Lamang", ang theme song ng pelikulang Dubai. Kasama rin ito sa "Pure Heart" album ni Gary under Star Records.
Hindi affected ang ABS-CBN sa mga paninira sa Pinoy Big Brother. Very obvious na may mga taong gustong wasakin ang nagsisimulang show. Understandable naman dahil talagang pinag-uusapan ito ngayon. Hindi rin matatawaran ang lalo pang tumataas na rating ng show.
"We welcome constructive criticisms," sabi ng isang TV head na nakausap ko. "Pero yung siraan ang show just to malign it, ibang usapan na yon."
When asked kung ano ang reaksyon ng ABS-CBN sa mga puna sa show.
"Its a concept na ginagamit ng mga lahat ng bansa na may "Big Brother" hindi namin pwedeng baguhin yon. May rules ang show," sabi ng kausap ko.
Wala palang way ang ABS-CBN na kausapin ang 12 housemates para i-warn ito na masyadong daring sa kanilang mga movements.
"Confined na sila sa bahay e. Hindi sila pwedeng kausapin. Kaya nagagawa nila ang mga gusto nilang gawin. Minsan talagang, daring sila. You really cant help it."
For the meantine, sa TV na lang ako kumukuha ng updates sa mga housemate. Kahit sa www.pinoy big brother.com ay mayroon ding regular updates.
Masaya si Pokwang dahil hindi siya nawawalan ng projects. Unang movie niya ang Bcuz of U, na sinundan ng D Anothers at ngayon ay kasama naman siya sa Dubai nina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Claudine Barretto.
"Ito na ang pinakamasayang birthday ko," sabi nito.
Ilan sa mga naging bisita ni Pokwang ay sina Chokoleit, Kitkat, Beverly Salviejo, Ya Chang, Beau Canlas at mga direktor na sina Wenn Deramas, Erick Salud, Mae Cruz at Nuel Naval. Nakisaya rin ang mga kasamahan ni Pokwang sa Star Cinema, Star Magic at mga taga-Quizon Ave.
Masuwerte si Pokwang dahil kasama siya ng cast ng Dubai na magkakaroon ng premiere sa ibat ibang bansa. Ipapalabas ang Dubai sa September 28.
Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Gary ang San Miguel Philharmonic Orchestra. Si Ryan Cayabyab ang musical direktor nito. Kasama rin si Mon Faustino. Special guests sa concert sina Erik Santos, Sheryn Regis, Paolo at Gabriel Valenciano. Si Gary ang kumanta ng "Ikaw Lamang", ang theme song ng pelikulang Dubai. Kasama rin ito sa "Pure Heart" album ni Gary under Star Records.
"We welcome constructive criticisms," sabi ng isang TV head na nakausap ko. "Pero yung siraan ang show just to malign it, ibang usapan na yon."
When asked kung ano ang reaksyon ng ABS-CBN sa mga puna sa show.
"Its a concept na ginagamit ng mga lahat ng bansa na may "Big Brother" hindi namin pwedeng baguhin yon. May rules ang show," sabi ng kausap ko.
Wala palang way ang ABS-CBN na kausapin ang 12 housemates para i-warn ito na masyadong daring sa kanilang mga movements.
"Confined na sila sa bahay e. Hindi sila pwedeng kausapin. Kaya nagagawa nila ang mga gusto nilang gawin. Minsan talagang, daring sila. You really cant help it."
For the meantine, sa TV na lang ako kumukuha ng updates sa mga housemate. Kahit sa www.pinoy big brother.com ay mayroon ding regular updates.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended