Angelica Panganiban, nag-deny sa issue ng pagiging pasaway
August 30, 2005 | 12:00am
Sinagot ni Angelica Panganiban ang naglabasang kwento na naging pasaway siya sa eroplano galing Davao nang mag-guest siya sa ASAP kamakailan para sa promo ng Vietnam Rose. Nagsimula ang kwento sa blind item hanggang lumutang ang pangalan niya.
Last Sunday, nauna ang pasaway issue sa eroplano sa mga sinagot na intriga ng young actress sa The Buzz. Nag-deny siya at wala raw issue sa cellphone dahil sa sobrang pagod, natulog lang siya sa eroplano. Sinabi pa niya sa interview ni Ms. Kris Aquino na pinalalabas raw siya na walang breeding dahil hindi nga niya sinunod ang instruction sa airplane na bawal ang cellphone habang nasa ere.
Naka I-Pod lang daw siya the whole time.
Nag-dare pa si Ms. Kris na itanong sa stewardess ng PAL ang insidente.
Ok fine.
Pero hindi siguro naalala ni Angelica na may dalawang witness na katabi niya sa airplane sa pagti-text niya nang malapit nang mag-landing ang airplane. Habang nagri-remind na bawal ang kahit anong electronic devices, nagti-text siya.
Oh baka nga naman hindi niya narinig ang pakiusap na standard operating procedure sa airplane dahil nga naka-I-Pod siya na kung hindi pa siya sinabihan ng stewardess ay di rin niya io-off.
Naku dear, pwede namang sabihin na nakalimutan mong i-off ang cellphone sa sobrang pagod at nakatulog ka bago mag-take off ang airplane. Or puwede ring sabihin na importante ang tini-text kaya walang siyang choice that time at baka na-forgive ka pa ng witness sa loob ng airplane.
Wala ring masamang umamin kung may nagawa kang mistake. Mas masama yung nag-deny ka kahit alam mong mali ka.
Saka dear, hindi pwedeng intriga yun dahil mahirap mag-isip ng hindi totoong kwento. At walang rason para intrigahin ka.
Speaking of Vietnam Rose, bago naman pala mag-air ang Vietnam Rose starring Maricel Soriano, ang new teleserye ng ABS-CBN, matatapos na ang Green Rose, ang Koreanovela na nagra-run ngayon sa ABS-CBN din.
Pareho kasing may rose kaya nang makausap namin si Ms. Charo Santos-Concio sa Davao, asked namin kung intentional ba ang nasabing title ng show ni Marya para may recall agad or co-incidental lang.
"Co-incidence lang. Wala pang Green Rose, may Vietnam Rose na kami," she said.
Very soon na mapapanood ang Vietnam Rose. Aside from Maricel kasama rin sina John Estrada, Angelica, Jason Abalos, AJ Dee among others.
Marami silang eksenang kinunan sa Vietnam.
Wala pa sa plano nina Mylene Dizon and Paolo Paraiso na magpakasal. As in, hindi pa nila pinag-uusapan. In fact, ngayon theyre not living in the same roof. Kasama pa rin ni Paolo ang family niya at si Mylene naman ay nakatira sa kanyang sariling condo.
Pero sure naman si Paolo na kung may pakakasalan siya, si Mylene na yun.
To date hindi raw nila pinag-uusapan ang kasal say ni Paolo when we bumped into him sa ASAP sa Davao kamakailan kung saan guest performer ang grupong Barako Boys.
Anyway, pag nasa taping si Mylene, nasa kanila ang bata. Lately daw kasi ay busy si Mylene sa taping ng Mga Angel Na Walang Langit.
Busy din ngayon si Paolo sa Barako Boys na katatapos lang maglabas ng album under BMG Records Pilipinas.
At hindi siniseryoso ng grupo nila ang issue na may ghost singers sila kaya pag live na ang kanta nila, hindi na sila nakakasunod. "Wala. Nag-voice lesson kaming lahat kaya hindi namin kailangan ng ghost singer," katwiran ni Paolo.
Nag-swear si Jomari Yllana na pahinga muna ang puso niya ngayon. Wala siyang lovelife at priority niya muna ang career niya.
Regular si Jomari sa Kampanerang Kuba at kasama siya sa mga dumayong artista ng ABS-CBN sa Davao.
Walang katapusang thank you ang sinasabi ni Sarah Geronimo sa pagpayag ng Asias Songbird na si Regine Velasquez na mag-guest sa kanyang first solo concert sa Araneta Coliseum sa Sept. 30, Sarah Geronimo: The Other Side.
"Excited na ako. Sana nga hindi ako kabahan pag magkasama na kami sa stage.
"Nong bata po ako, pinapanood ko lang siya. Kinakanta ko lang ang mga kanta niya. Pero ngayon, maggi-guest siya sa concert ko. Minsan nga po, gusto ko pa ring kurutin ang sarili ko at tanungin kong totoo ba ang mga nangyayari sa akin ngayon," tatawa-tawang sabi ni Sarah.
Oo nga naman. Imagine, si Regine ang host ng show kung saan nanalo si Sarah, Star For A Night. Ang naging daan para sumikat si Sarah.
"Nagpapasalamat po ako sa kanya dahil pumayag siyang mag-appear sa concert ko. Hindi ko ito malilimutan forever," dagdag ni Sarah na nakakatapos lang ng 17th birthday.
Dream ng lahat ng mga batang singer ang makasama si Regine sa concert na madaling natupad ni Sarah.
Kung sabagay very open naman ang teen princess na bata pa lang siya, ang songbird na ang tinitingala niya.
Aside from Regine, guest din sa Sarah Geronimo: The Other Side sina Piolo Pascual, Mark Bautista and taekwondo expert na si Japoy Lizardo.
Salve V. Asis e-mail: [email protected]
Last Sunday, nauna ang pasaway issue sa eroplano sa mga sinagot na intriga ng young actress sa The Buzz. Nag-deny siya at wala raw issue sa cellphone dahil sa sobrang pagod, natulog lang siya sa eroplano. Sinabi pa niya sa interview ni Ms. Kris Aquino na pinalalabas raw siya na walang breeding dahil hindi nga niya sinunod ang instruction sa airplane na bawal ang cellphone habang nasa ere.
Naka I-Pod lang daw siya the whole time.
Nag-dare pa si Ms. Kris na itanong sa stewardess ng PAL ang insidente.
Ok fine.
Pero hindi siguro naalala ni Angelica na may dalawang witness na katabi niya sa airplane sa pagti-text niya nang malapit nang mag-landing ang airplane. Habang nagri-remind na bawal ang kahit anong electronic devices, nagti-text siya.
Oh baka nga naman hindi niya narinig ang pakiusap na standard operating procedure sa airplane dahil nga naka-I-Pod siya na kung hindi pa siya sinabihan ng stewardess ay di rin niya io-off.
Naku dear, pwede namang sabihin na nakalimutan mong i-off ang cellphone sa sobrang pagod at nakatulog ka bago mag-take off ang airplane. Or puwede ring sabihin na importante ang tini-text kaya walang siyang choice that time at baka na-forgive ka pa ng witness sa loob ng airplane.
Wala ring masamang umamin kung may nagawa kang mistake. Mas masama yung nag-deny ka kahit alam mong mali ka.
Saka dear, hindi pwedeng intriga yun dahil mahirap mag-isip ng hindi totoong kwento. At walang rason para intrigahin ka.
Pareho kasing may rose kaya nang makausap namin si Ms. Charo Santos-Concio sa Davao, asked namin kung intentional ba ang nasabing title ng show ni Marya para may recall agad or co-incidental lang.
"Co-incidence lang. Wala pang Green Rose, may Vietnam Rose na kami," she said.
Very soon na mapapanood ang Vietnam Rose. Aside from Maricel kasama rin sina John Estrada, Angelica, Jason Abalos, AJ Dee among others.
Marami silang eksenang kinunan sa Vietnam.
Pero sure naman si Paolo na kung may pakakasalan siya, si Mylene na yun.
To date hindi raw nila pinag-uusapan ang kasal say ni Paolo when we bumped into him sa ASAP sa Davao kamakailan kung saan guest performer ang grupong Barako Boys.
Anyway, pag nasa taping si Mylene, nasa kanila ang bata. Lately daw kasi ay busy si Mylene sa taping ng Mga Angel Na Walang Langit.
Busy din ngayon si Paolo sa Barako Boys na katatapos lang maglabas ng album under BMG Records Pilipinas.
At hindi siniseryoso ng grupo nila ang issue na may ghost singers sila kaya pag live na ang kanta nila, hindi na sila nakakasunod. "Wala. Nag-voice lesson kaming lahat kaya hindi namin kailangan ng ghost singer," katwiran ni Paolo.
Regular si Jomari sa Kampanerang Kuba at kasama siya sa mga dumayong artista ng ABS-CBN sa Davao.
"Excited na ako. Sana nga hindi ako kabahan pag magkasama na kami sa stage.
"Nong bata po ako, pinapanood ko lang siya. Kinakanta ko lang ang mga kanta niya. Pero ngayon, maggi-guest siya sa concert ko. Minsan nga po, gusto ko pa ring kurutin ang sarili ko at tanungin kong totoo ba ang mga nangyayari sa akin ngayon," tatawa-tawang sabi ni Sarah.
Oo nga naman. Imagine, si Regine ang host ng show kung saan nanalo si Sarah, Star For A Night. Ang naging daan para sumikat si Sarah.
"Nagpapasalamat po ako sa kanya dahil pumayag siyang mag-appear sa concert ko. Hindi ko ito malilimutan forever," dagdag ni Sarah na nakakatapos lang ng 17th birthday.
Dream ng lahat ng mga batang singer ang makasama si Regine sa concert na madaling natupad ni Sarah.
Kung sabagay very open naman ang teen princess na bata pa lang siya, ang songbird na ang tinitingala niya.
Aside from Regine, guest din sa Sarah Geronimo: The Other Side sina Piolo Pascual, Mark Bautista and taekwondo expert na si Japoy Lizardo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended