Relasyong Aiko at Jonard, sa simbahan ang tuloy
August 29, 2005 | 12:00am
Nakakapanibagong Aiko Melendez ang konsehalang nasa session hall ng Lungsod Quezon. Halata sa mga ikinikilos nito ang pagka-in love.
"Hindi mo naman maitatago sa panlabas na anyo kung in love ka o heartache ka kasi public figure ka. Lahat ng mata ng tao nakatuon sa panlabas na anyo gayundin sa mga ipinapakita mong trabaho," bungad ng sumeseksing konsehal.
"Kami ni Jonard Yanson, nagkakilala sa Virgin Cafe about nine months na. Since then, almost everyday we do communicate through texting," kwento pa niya.
Ayaw na rin ni Aiko na pag-usapan ang past life nito na may kinalaman kay Jomari Yllana, ang annulment nila, pati na rin ang mga dahilan.
"All of them are deleted already in my life. Pag-usapan na lang natin ang future, mga projects ko, si Andrei. Ayoko ko kasing may nadadawit, may nasasagasaan, o kaya may nasasaktan dahil lang sa mga binibitiwan kong pananalita.
"Ang mahalaga, masaya kaming pare-pareho. May privelege tayong lumigaya palagi.
"In nine months na naging mag-on kami ni Jonard, okey naman siya, close sila ni Andrei. According to him, minahal daw niya si Andrei dahil galing siya sa akin.
"Sometimes we go out like a family. At least meron pa kaming time for Andrei at hindi na rin siya kinakalimutan."
Dati palang member ng disbanded na 17:28 itong si Jonard Yanson, graduate sa UST, ng Conservatory of Music na pumalaot din sa teatro sa Ateneo sapul ng elementary at high school na umabot din sa Repertory Philippines. Meron din itong Janes Flower Shop sa Kapitolyo, Pasig. Kasali rin siya sa pagtatanghal ng Footloose ng Stages Productions bilang ka-alternate ni JayR.
"Aiko is very nice. I have peace in my heart with her. Ibang klaseng kaligayahan na ang nadarama ko na sa palagay ko ay mauuwi sa simbahan. Shes a perfect girl to me," sabi pa ni Jonard.
Sey naman ni Aiko, "Sana si Jonard na nga ang perfect match ko!" BONI A. CASIANO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended