Ruffa, bigtime na sa Turkey
August 29, 2005 | 12:00am
Ibinalita sa amin ni Ruffa Gutierrez na naging malaking tagumpay ang grand launch ng Fashion TV Turkey nung nakaraang Agosto 21 sa Istanbul kung saan halos mahigit 3,000 katao ang dumalo. Ang nasabing okasyon ay naka-beam sa mahigit 200 bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng Fashion TV International.
Sa nasabing okasyon ay ipinakilala si Ruffa bilang pinakabagong presidente ng FTV-Turkey ni Demet Sener, ang 1995 Miss Turkey na kamakailan lamang nagpakasal sa NBA basketball player na si Ibrahim Kutluay.
Ang launch ay dinaluhan ng mga fashion luminaries ng Turkey tulad ni Tuvana ng A46 at ang New York-based Turkish jewelry designer na si Tansa Mermerci, mga supermodels at maraming iba pa. Naroon din ang presidente ng Fashion TV international na si Michel Adam.
Ang top fashion make-up artist ng Turkey na si Ahmet Yildirim ang nag-ayos kay Ruffa sa nasabing okasyon.
Kung dito sa Pilipinas ay kilalang-kilala si Ruffa, ganoon din sa Turkey at sa ibang bansa ng Europe dahil sa Fashion TV. Pagkatapos ng launch ay agad itong naging laman ng mga diyaryo at babasahin sa Turkey. Hindi ikinakaila ni Ruffa na nagi-enjoy umano siya sa kanyang bagong trabaho bilang presidente ng Fashion TV Turkey.
Samantala, nakatakdang dumating ng Maynila si Ruffa kasama ang dalawa niyang mga anak na sina Lorin at Venice sa unang linggo ng September para sa isang buwang bakasyon.
Isang simultaneous premiere showing ang nakatakdang maganap sa September 4 para sa pelikulang Lisensyadong Kamao na pinagbibidahan ng boxing champ na si Manny Pacquiao na tinatampukan din nina Eddie Garcia, Aubrey Miles, Juliana Palermo, Daria Ramirez, Ramon Zamora, Dick Israel at iba pa. Ang premiere showing sa Pilipinas ay nakatakdang ganapin sa Gateway sa ganap na ika-11 ng umaga ng September 4, alas-7 ng gabi sa San Francisco at L.A. ng September 3. Maliban kay Manny Pacquiao na nasa L.A. bilang paghahanda sa kanyang malaking laban sa Agosto 10, ang iba pang mga tampok na bituin ng pelikula ay dadalo sa Gateway premiere pero magkakaroon ng pagkakataon na makita at makausap si Manny mula L.A. sa pamamagitan ng tele-conference.
First time itong mangyayari sa movie industry na magkakaroon ng sabay-sabay na premiere sa tatlong magkakaibang lugar - Pilipinas, San Francisco at Los Angeles, California. Pagkatapos ng tatlong lugar, isusunod naman ang pagpapalabas ng pelikula ni Manny sa London, Rome, Dubai, Bahrain, Toronto at Vancouver, Canada, Melbourne at Sydney, Australia at Hong Kong. All out ang suporta kay Manny ng ating mga kababayan sa L.A. at San Francisco at sa iba pang lugar ng Amerika.
Ang Lisensyadong Kamao ay mula sa direksiyon ni Tony Bernal sa ilalim ng Violett Films.
Ang 18 taong-gulang na si Aldrich Sevilla ay apo sa panganay na anak ng movie producer ng Violett Films na si Madame Violet Sevilla na si Michael Sevilla. Introducing si Aldrich sa pelikulang Lisensyadong Kamao.
"Masarap katrabaho ang bumubuo ng cast ng pelikula. Lahat sila professional at mababait at supportive sa isang baguhang tulad ko," pahayag ni Aldrich. Hindi ikinakaila ng tinedyer na hindi pa umano siya nakakaranas magkaroon ng girlfriend.
"Hindi ko pa lang siguro nakikita ang girl na gusto ko talagang ligawan," aniya. Hindi ikinakaila ni Aldrich na crush niya sina Dawn Zulueta, Charlene Gonzales at Cindy Kurleto.
Hindi naman kaya ma-question ang gender ni Aldrich dahil hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend?" Walang kaso sa akin. Mas kilala ko ang sarili ko kesa sa ibang tao," katwiran niya.
Unti-unti na ring nakikilala sa ibang bansa, laluna sa Hollywood ang mga Filipino talents. Napansin nang husto si Cesar Montano sa kanyang pagkakasali sa pelikulang The Great Raid na kamakailan lang ipinalabas sa Amerika. Ang nasabing pelikula ang nagbukas ng opportunity kay Cesar sa Hollywood.
Umalis si Cesar patungong Amerika para asikasuhin ang kanyang international career sa tulong ng isang Hollywood agent. At hindi pa humuhupa ang usapin tungkol kay Cesar ay isa na namang Filipino director ang nabig-
Sa nasabing okasyon ay ipinakilala si Ruffa bilang pinakabagong presidente ng FTV-Turkey ni Demet Sener, ang 1995 Miss Turkey na kamakailan lamang nagpakasal sa NBA basketball player na si Ibrahim Kutluay.
Ang launch ay dinaluhan ng mga fashion luminaries ng Turkey tulad ni Tuvana ng A46 at ang New York-based Turkish jewelry designer na si Tansa Mermerci, mga supermodels at maraming iba pa. Naroon din ang presidente ng Fashion TV international na si Michel Adam.
Ang top fashion make-up artist ng Turkey na si Ahmet Yildirim ang nag-ayos kay Ruffa sa nasabing okasyon.
Kung dito sa Pilipinas ay kilalang-kilala si Ruffa, ganoon din sa Turkey at sa ibang bansa ng Europe dahil sa Fashion TV. Pagkatapos ng launch ay agad itong naging laman ng mga diyaryo at babasahin sa Turkey. Hindi ikinakaila ni Ruffa na nagi-enjoy umano siya sa kanyang bagong trabaho bilang presidente ng Fashion TV Turkey.
Samantala, nakatakdang dumating ng Maynila si Ruffa kasama ang dalawa niyang mga anak na sina Lorin at Venice sa unang linggo ng September para sa isang buwang bakasyon.
First time itong mangyayari sa movie industry na magkakaroon ng sabay-sabay na premiere sa tatlong magkakaibang lugar - Pilipinas, San Francisco at Los Angeles, California. Pagkatapos ng tatlong lugar, isusunod naman ang pagpapalabas ng pelikula ni Manny sa London, Rome, Dubai, Bahrain, Toronto at Vancouver, Canada, Melbourne at Sydney, Australia at Hong Kong. All out ang suporta kay Manny ng ating mga kababayan sa L.A. at San Francisco at sa iba pang lugar ng Amerika.
Ang Lisensyadong Kamao ay mula sa direksiyon ni Tony Bernal sa ilalim ng Violett Films.
"Masarap katrabaho ang bumubuo ng cast ng pelikula. Lahat sila professional at mababait at supportive sa isang baguhang tulad ko," pahayag ni Aldrich. Hindi ikinakaila ng tinedyer na hindi pa umano siya nakakaranas magkaroon ng girlfriend.
"Hindi ko pa lang siguro nakikita ang girl na gusto ko talagang ligawan," aniya. Hindi ikinakaila ni Aldrich na crush niya sina Dawn Zulueta, Charlene Gonzales at Cindy Kurleto.
Hindi naman kaya ma-question ang gender ni Aldrich dahil hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend?" Walang kaso sa akin. Mas kilala ko ang sarili ko kesa sa ibang tao," katwiran niya.
Umalis si Cesar patungong Amerika para asikasuhin ang kanyang international career sa tulong ng isang Hollywood agent. At hindi pa humuhupa ang usapin tungkol kay Cesar ay isa na namang Filipino director ang nabig-
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended