Jolina, maraming iimbitahan sa kasal
August 29, 2005 | 12:00am
Nakausap namin noon si Daddy Jun Magdangal at sinabi nitong sa New York gustong magpakasal ni Jolina pero nang itanong uli namin ito sa aktres sa set ng Lovestruck ay sinabi niyang mas gusto niyang sa bansa sila ikasal ng nobyo na tiyak na ikatutuwa ng kanyang mommy (Paulette) dahil gusto rin nitong dito magpakasal si Jolens.
Biniro nga ang aktres ng ilang press people na gawing dalawa ang seremonya sa New York at Pilipinas.
Katwiran nito na kapag sa bansa sila magpapakasal ay mas maraming nakakadalo.
Sa kabilang banda, sinabi nitong willing siyang makatambal muli si Marvin Agustin kapag may magandang proyektong babagay sa kanilang dalawa.
Malaki ang nabago sa buhay ni LJ Reyes nang maging Starstruck survivor dahil unti-unti na siyang nakikilala. May hukbo na rin siya ng mga tagahanga na sumusuporta sa tambalan nila ni Mike Tan.
Three hours na lang ang tulog nito ngayon dahil sa taping ng Sugo at Love to Love Season 8 at iba pang commitment. Kasama pa rin ito sa SOP Gigsters.
Naikuwento ni LJ kung paano siya pagkaguluhan nang magtungo sa isang Mall sa Tondo kahit naka-cap na ito na tumatakip sa kanyang mukha. May nagpapirma ng autograph at yoong iba naman ay nakipagsiksikan para lang siya makamayan. Lahat din ng shows niya ay itini-tape nila at isinasalin sa CD para maipadala sa kanyang mommy na nagtatrabaho sa Amerika.
Nakatira pa rin ang kanyang lola sa Tondo na nag-alaga sa kanya kasama ang mga kapatid samantalang nag-iisa siyang nakatira sa Fairview kasama ang katulong at driver.
Kakambal nito si Ryza Cenon sa Love To Love Season 8 na magkaiba ang ugali. Sa tunay na buhay ay magkasundo sila at walang intrigang namamagitan sa kanila.
Nakausap namin si Ruby Rodriguez na kasama rin sa Love To Love Season 8. Tinanong namin kung hindi ba nila (mga taga-Eat Bulaga) napapaamin si Janno Gibbs kung sino itong 15 year old bagets na nali-link sa kanya na naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa.
Kahit anong gawin namin ay ayaw niyang mag-comment tungkol sa isyu. He doesnt talk at pa-smile-smile lang ito. Umiiwas pag-usapan ito," anang komedyante.
Sabay-sabay aalis sina Vic Sotto at Joey de Leon sa August 31 para sa Eat Bulaga shows sa ibat ibang panig ng Amerika bilang bahagi ng inilunsad na Pinoy TV ng GMA 7.
Hindi nila makakasama si Janno dahil may show ito sa Europe kaya ma-miss din nila ang singer-komedyante.
Taliwas sa karaniwang paniniwala, ang Voodoo ay isang relihiyon at hindi tungkol sa witchcraft o black magic. Ang kadalasang napagkakamalan na ganoon ay ang Hoodoo, na ngayoy ipapakita sa unang pagkakataon sa bagong supernatural thriller na pinamagatang The Skeleton Key. Kasalukuyang umaakit ng mga manonood sa mga sinehan sa buong bansa, ang pelikulay nagtatampok sa nakakatakot na ritwal na pinapraktis ng mga panatiko sa mga liblib na lugar ng southern Louisiana sa Amerika.
Biniro nga ang aktres ng ilang press people na gawing dalawa ang seremonya sa New York at Pilipinas.
Katwiran nito na kapag sa bansa sila magpapakasal ay mas maraming nakakadalo.
Sa kabilang banda, sinabi nitong willing siyang makatambal muli si Marvin Agustin kapag may magandang proyektong babagay sa kanilang dalawa.
Three hours na lang ang tulog nito ngayon dahil sa taping ng Sugo at Love to Love Season 8 at iba pang commitment. Kasama pa rin ito sa SOP Gigsters.
Naikuwento ni LJ kung paano siya pagkaguluhan nang magtungo sa isang Mall sa Tondo kahit naka-cap na ito na tumatakip sa kanyang mukha. May nagpapirma ng autograph at yoong iba naman ay nakipagsiksikan para lang siya makamayan. Lahat din ng shows niya ay itini-tape nila at isinasalin sa CD para maipadala sa kanyang mommy na nagtatrabaho sa Amerika.
Nakatira pa rin ang kanyang lola sa Tondo na nag-alaga sa kanya kasama ang mga kapatid samantalang nag-iisa siyang nakatira sa Fairview kasama ang katulong at driver.
Kakambal nito si Ryza Cenon sa Love To Love Season 8 na magkaiba ang ugali. Sa tunay na buhay ay magkasundo sila at walang intrigang namamagitan sa kanila.
Kahit anong gawin namin ay ayaw niyang mag-comment tungkol sa isyu. He doesnt talk at pa-smile-smile lang ito. Umiiwas pag-usapan ito," anang komedyante.
Sabay-sabay aalis sina Vic Sotto at Joey de Leon sa August 31 para sa Eat Bulaga shows sa ibat ibang panig ng Amerika bilang bahagi ng inilunsad na Pinoy TV ng GMA 7.
Hindi nila makakasama si Janno dahil may show ito sa Europe kaya ma-miss din nila ang singer-komedyante.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended