^

PSN Showbiz

Olympics for entertainers

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Sa unang pagkakataon ng 11-taong kasaysayan ng World Championships of Performing Arts (WCOPA), nagawa ng isang bansa lamang – ng Pilipinas– ang manalo ng halos lahat ng major awards sa timpalak na nilahukan ng 51 bansa sa buong mundo at ng libu-libong mga performers.

Naging higit na kagulat-gulat ang pinakitang gilas ng ating bansa sa sinasabing olympics of entertainers, dahil dalawa lamang ang ipinasok nating kalahok sina Jed Madela at Rizza Navales!

Sa unang gabi ng kompetisyon, ipinakilala ang mga delegation heads ng bawat 51 bansa, bago ang parade of nations. Naunang nagsalita ang taga-South Africa na sinabing isang eroplanong puno ng contestants na 250 ang kasama niya. Sumunod ang taga-USA na merong 150 kalahok. Malakas na palakpakan ang sumalubong sa dalawang malalaking delegasyon.

Pagdating kay Ida Henares, sinabi niya na dalawa lamang ang lahok ng ating bansa, isang lalaki at isang babae. Nagtawanan ang mga nanonood.

Ang bansang pinagtawanan nila, pinalakpakan nila ng todong-todo at sinigawan pa ng "Bravo" sa mga sumunod na araw ng olympics for entertainers.

Si Jed Madela ang nakakuha ng lahat ng gold medals sa anim na categories na sinalihan niya sa singing (vocals competition). Siya pa ang tinanghal na Champion of the World, male division, singing.

Limang golds at isang silver naman ang panalo ni Rizza sa anim na kategoryang sumali siya. Siya ang tinanghal na Champion of the World sa female singing division.

Sina Rizza at Jed pa rin ang nagwagi bilang Champions of the World sa Duet/Group Division!

To top it all, si Jed Madela ang tinanghal na Grand Champion sa 2005 World Championships of Performing Arts. Siya ang overall winner at tinalo niya ang mga nagwagi sa singing, acting, instrumental at modelling divisions. Sa kasaysayan ng olympics for entertainers, tanging si Jed lamang ang nakakuha ng ganitong karangalan.

Kahanga-hanga pa ang kanilang pagwawagi dahil ngayon lamang lumahok ang Pilipinas sa worldwide contest.

Bilang bahagi ng kanilang pagwawagi, dinala sina Jed at Rizza sa Las Vegas upang magtanghal sa mga dumalong worldwide empressarios, talent agents. Nakita rin nila doon ang concert ni Lani Misalucha na isa na sa mga top attractions sa Vegas.

Pagkatapos pa lamang ng showcase ng dalawa, marami na ang nag-aalok sa kanila ng mga live shows at concerts sa U.S.A. Si Rizza, ayaw ng pakawalan ng isang entertainment managers ng malaking club doon. Gusto agad i-book ang Cebuana belter that week at papipimirhan na ng kontrata.

Hindi naman sila maaring tumanggap ng paid shows dahil parehong walang mga working visa sina Jed at Rizza.

Noong mga gabi ng kompetisyon sa Hollywood, nag-aalala si Ida Henares dahil konting gowns lang ang nadala ni Rizza. Sana ay magpapagawa sila kay Arnel Agasang, pero umalis na pala ito ng bansa at sa Amerika na namamalagi.

Tila isang milagro, biglang kumatok si Arnel sa kuwarto ng hotel nila at sinabing dala na niya ang maraming gowns para pagpilian at isuot ni Rizza sa contest.

Ang paglahok ng Pilipinas sa WCOPA 2005 ay naging posible sa malaking tulong ng PAGCOR, Philippine Airlines, Clothing Apparels, Primeline, Inc., Maxi Cinco, Arnel Agasang, GMA Artists Center at Universal Records.

Sa Setyembre 3 nakatakdang umuwi ng bansa sina Jed Madela at Rizza Navales. Tiyak na bibigyan sila ng hero’s welcome ng ating mga kababayan.

ARNEL AGASANG

CHAMPION OF THE WORLD

IDA HENARES

JED

JED MADELA

PILIPINAS

RIZZA

RIZZA NAVALES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with