^

PSN Showbiz

Old enough to race cars pero, di pwedeng magmaneho sa kalsada!

- Veronica R. Samio -
Kakatuwa itong 15 taong gulang na car racer na nagngangalang Matteo Guidicelli. Sa kanyang gulang ay marami na siyang naiuuwing tropeo, sagisag ng kanyang kagalingan sa karera ng kotse pero, hindi pa siya binibigyan ng lisensya para makapagmaneho sa mga kalsada. May driver na nagdadala sa kanya sa mga pinupuntahan niya. Bukod sa pagiging Karter of the Year niya last year, marami siyang mga naipanalong karera dito sa atin at maging sa labas ng bansa, partikular na sa Malaysia at Italy. Pinaka-ambisyon niya ay maging kauna-unahang Formula 1 World Championship Racer sa taong 2010.

Sa kabila ng kanyang foreign sounding name, Pinoy na Pinoy si Matteo, mas matatas siya sa Bisaya kesa sa Tagalog dahilan sa Cebu siya lumaki. Lumipat lamang sila ng Alabang na kung saan sila ay naninirahan ngayon. Nag-aaral siya sa Brent Laguna at nasa 10th grade na siya.

Hindi lamang binawal sa kanya ang magmaneho sa kalsada, bawal pa rin sa kanya ang makipag-date o magkaro’n ng girlfriend.

First time niyang makasama sa isang anime na very proud siya kahit hindi siya makikita at maririnig lamang ang kanyang boses. Ito ay sa anime series na Initial D-Fourth Stage na nakatakdang mapanood sa Animax, isang 24-hr. anime station, sa Oktubre 9. Bibigyan boses niya si Takumi Fujiwara, isang high school stude sa Japan na nagtatrabaho bilang gas attendant at tofu delivery boy. Sa trabahong ito siya natutong magpatakbo ng sasakyan ng mabilis dahil ang mga lansangang dinadaanan niya ay matarik at paikut-ikot. Bukod dito sinanay siya ng kanyang ama na magdala ng isang basong tubig habang nagmamaneho, dapat wala ni isa mang patak na tumapon mula rito.

Si Angel Locsin naman ang magbibigay boses kay Kyoko Iwase, isa ring karerista na makakalaban ni Takumi.
* * *
May quiz show ngayong gabi sa Imbestigador at si Mike Enriquez ang magsisilbing quiz master. Bahagi ito ng 5th anniversary ng show. Dalawang barangay ang maglalaban sa battle of the brains.

Alam ba ninyo na may mga Pinoy na di alam ang capital ng bansa? Na ang kaalaman at talino ng Pinoy ay produkto ng mali-maling libro at turo ng guro? Na maraming nagtatapos ng elementarya na di pa marunong bumasa? Ano kaya ang dahilan at tayo ang pinaka-kulelat sa mundo pagdating sa math & science?

Ano ba ang kahinaan ng ating sistema sa edukasyon? Malalaman ngayong gabi sa GMA7.
* * *
E-mail: [email protected]

ANGEL LOCSIN

ANO

BRENT LAGUNA

BUKOD

INITIAL D-FOURTH STAGE

KARTER OF THE YEAR

KYOKO IWASE

PINOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with