^

PSN Showbiz

Bf ni Kaye Abad, may housemate na girl!?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Maraming local talent sa Davao ang ABS-CBN at in fairness, pinagkakaguluhan sila ng nakilala namin last weekend, sa celebration ng Kadayawan Festival. Isa sa kanila ni Tina Alteza na member ng variety show nilang Kapamilya Sabado Party, sa mga patok na show sa Davao, every Saturday, 11:00-12:00.

Member si Tina ng Campus Idol, isang local talent search doon bago siya napasama sa KSP group.

Matangkad si Tina at siya pala ang girlfriend ng SCQ finalist na si Charls.

Happy si Tina sa takbo ng career niya sa Davao kaya wala sa plano niyang magpunta pa ng Manila para magka-career.

First years college siya sa Ateneo de Davao (Business Administration).

Anyway, kasama rin sa KSP sina Rovic Cuasito, Irene Dolor, Claudette Centeno, Sam Mudanza with Campus Idols including Tina and EJ Pantojan.
* * *
May housemate daw na girl ang vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda!? Eh paano na si Kaye Abad na nag-sacrifice ng career para kay Chito?

Reliable ang source ko tungkol dito. Ang kuwento, one time daw ay nagpunta ang friend niya sa house ni Chito. Pagdating daw sa house ni Chito, na-shock ang friend ng source ko dahil may lumabas na girl sa room ng soloista ng Parokya sabay introduce sa kanya na housemate.

Any reaction from Chito?

Bukas ang pahinang ito sa side ni Chito.

Kawawa naman si Kaye kung totoo ito. Nawalan na nga siya ng career dahil mas nag-concentrate siya sa lovelife niya, tapos ganito lang ang mangyayari. Sabi nga ng isang observer, madalas sa gigs ng Parokya si Kaye.

Magaling pa naman sana siyang artista pero nawala ang concentration nang ma-in love ayon sa isang observer na nakita ang takbo ng career ng young actress.
* * *
Hands off ang ABS-CBN sa mga kasong kinakaharap ngayon ni Claudine Barretto.

Ayon sa source, ayaw makialam ng ABS-CBN sa mga kaso ni Claudine - sa P8 million suit against Ms. Jo Ann Maglipon ng Yes and Hi Magazine at sa eight counts of libel na isinampa naman ni Ms. Jo Ann against Claudine at ang another counts of libel na isasampa ng anak ni Ms. Jo Ann na si Pat. M. Marcelo.

"Personal decision ni Claudine ‘yun," ayon sa source.

Another source told us na isa raw si Ms. Coney Reyes sa mga nag-advise na ituloy ni Claudine ang kaso kay Ms. Jo Ann. "Hindi lang naman si Connie. Marami pa siyang ibang kasama sa Christian community ang nag-encourage sa kanyang ituloy ang demanda," said my source.

Anyway, may chance kaya for reconciliation?

O baka naman isabay na ni Claudine sa promo ng latest movie niyang Dubai? Eh pumayag naman kaya si Ms. Jo Ann sa reconciliation if ever?
* * *
Favor na favor ang isang friend ni Aiko Melendez sa current boyfriend ng actress na si Jonard. "Mabait kasi siya. Saka gentleman. Hindi katulad no’ng dati niyang boyfriend na actor (name ng action star), ang bastos. Imagine ba naman one time, nakaupo ako sa dressing room ni Aiko, may dumating na bisita, eh walang maupuan. Alam mo bang pinatayo niya ako. Lumabas daw ako at paupuin ko ‘yung bisita. Kaloka di ba? Siya ang lalaki, dapat siya ang tumayo. Napaka-ungentleman.

"Tinandaan ko talaga ‘yun. Kaya nang mag-split sila ni Aiko, natuwa ako. Hahaha," kuwento ng baklitang friend ni Aiko.

Actually, mukhang mabait nga si Jonard. One time nasalubong ko silang nag-novena sa Baclaran church at inintroduce sa akin ni Aiko si Jonard.

Cute siya at obvious na gentleman.

Well, sana nga si Jonard na ang kaligayahan ni Aiko. She deserves to be happy naman after ng nangyari sa marriage nila ni Jomari Yllana.
* * *
Nanghihingi ng apology ang Wizard Company (The Connoisseur Club of Manila) dahil sa sinulat ko tungkol sa pagkaka-debit ng P1,800 something in exchange sa binigay nilang discount card daw ha na wala naman akong consent.

But anyway, hindi lang naman pala ako ang may reklamo. Marami actually na tumawag dito sa office namin nang mabasa nila ang item tungkol sa wizard. Pare-pareho sila ang sentiments.

Narito ang isa sa mga e-mails na natanggap ko:

Dear Salve Asis, 


Every morning nag-o-open ako ng website ng philstar for may daily routine kaya nakakabasa ako tungkol sa showbiz lalo na ang iyong column. Isa rin akong biktima ng Connoisseur Club Manila - ang raket nila ooperan ka ng magandang benefit tapos bukas may card ka na buti sayo P1,850 lang  eh sa akin ang nabawas sa credit card ko ay less than P3,000.00 talagang malaki.

Pag kakanselahin mo sa kanila, papatagalin pa tapos sa huli hindi naman nila papayagan kesyo hindi raw puwede. At nagtataka pa ako alam nila credit card number ko eh katulad ng sa’yo di mo naman binibigay sa kanila yun. Sana matigil na itong ginagawa ng Cannoisseur Club Manila .

Thanks and More power...... 

Jeanne R. Aldea

jeanne aldea ([email protected])
* * *
Pinapa-greet ng nanay ko ng belated happy birthday sina Lina Mascariña and Nono Virzo. Dalawa raw kasi sila sa distributor ng PSN/PM sa Sta. Elena Camarines Norte.

vuukle comment

AIKO

CENTER

CHITO

CLAUDINE

DAVAO

JONARD

MS. JO ANN

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with