Sa Sabado, pag-iisipan na kung sino ang palalayasin sa bahay ng Pinoy Big Brother
August 25, 2005 | 12:00am
Nakaka-excite ang Pinoy Big Brother ang bagong reality search ng ABS-CBN. Pinag-uusapan ito ngayon. Mula nang ipakilala ang 12 housemates noong Sunday, bukambibig na ang show. Kanya-kanya nang bet ang bawat makausap ko.
Mixed ang combination ng 12 housemates. Mas madaling mapansin ang mga may hitsura. Nariyan sina Rico, JB, Bob, Uma, Sey at Cassandra. Pinag-uusapan ngayon si Rico dahil sa revelation niya tungkol sa isang top secret ng family niya. Usap-usapan naman na nakita ang private part ni Uma (half Filipino-Israeli). Pagkatapos nitong maligo, at habang nakatuwalya ito, nahulog ang tuwalya kaya ayun.
Kasalukuyang nasa Pinoy Big Brother house ngayon ang 12 housemates. Nakakaaliw silang panoorin sa mga ginagawa nila. Mahirap din talaga ang pinagdadaanan nila. Lalo pat wala silang access sa telepono, TV, diyaryo at internet.
This week, wala pang mabu-boot out. Sa Sabado, nomination na kung sino ang mai-evict. Next week, simula na ng botohan via text message.
Gusto kong batiin si Toni Gonzaga sa mahusay niyang paghu-host ng show. Talaga namang very smart at brilliant si Toni.
"Very effortless ang hosting skills niya. She is amazing," sabi ng mga nakakausap ko. Congratulations na rin sa mga bumubuo ng show sina Lauren Dyogi, Linggit Tan, Marivic Oducayen, Trina Sanchez, Albert Almaden, Leon Roldan at iba pa.
Habang nagkakape kami ng kaibigang Elena dela Vega sa Cafea Restaurant (near ABS-CBN), dumating si Joseph Bitangcol. Free day ni Joseph yon kaya puwede siyang mamasyal. Nag-kill muna ng time si Joseph bago pumunta sa Libis kung saan imi-meet niya ang ilang kaibigan.At habang nasa Cafea kami, nagpatulong si Joseph na mag-create ng email address. May free wireless internet (wi-fi) kasi sa Cafea kaya masarap tumambay lalot may laptop ka. Tuwang-tuwa si Joseph dahil finally ay mayroon na siyang email address. Binisita rin ni Joseph ang kanyang yahoogroup.
At guess kung sino ang unang in-email ni Joseph? Sino pa kundi si Sandara Park. Yes, agad na nag-email si Joseph kay Sandy. At ang nakakaloka, naka-reply agad si Sandy. Doon ko nalaman na malapit nang bumalik ng bansa si Sandara. She is set to return mid-September. May naka-line up na agad na pelikulang sisimulan si Sandy sa Star Cinema.
Sa ilang oras naming magkasama nina Joseph at Elena, nakita ko pa rin ang kabaitan ni Joseph. Hindi pa rin talaga nagbabago ang binata. Mabait at magalang talaga ang batang ito. No wonder, mahal talaga ng maraming tao si Joseph.
Kasama si Joseph sa inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Vietnam Rose topbilled by Maricel Soriano. Ipalalabas na ito sa September.
Updated ang website ng Pinoy Big Brother. Kung gusto ninyong ma-update sa mga nagaganap sa bahay ni Kuya, just log in sa HYPERLINK "http://www.pinoy bigbrother.com" www.pinoybigbrother.com. Makikita ninyo ang mga unedited scenes na nagaganap sa buong bahay.
Nasa Star Magic na si Railey Valeroso. Kamakalawa ay ipinakilala sa akin ni Star Magic PR head Rikka Dylim ang binatang aktor. Si Rikka ang tumatayong handler ni Railey sa Star Magic. Inuna ni Rikka na i-pictorial si Railey.
"Inaayos pa ang kontrata niya," sabi ni Rikka.
Inilibot na rin ni Rikka si Railey sa ABS-CBN. Dinala na rin niya ito kay Star Cinema boss Malou Santos. Gusto ni Tita Malou na bigyan ng ka-loveteam si Railey. May idea na si Tita Malou kung kanino niya ipi-pair si Railey pero hindi niya ito sinabi.
Mixed ang combination ng 12 housemates. Mas madaling mapansin ang mga may hitsura. Nariyan sina Rico, JB, Bob, Uma, Sey at Cassandra. Pinag-uusapan ngayon si Rico dahil sa revelation niya tungkol sa isang top secret ng family niya. Usap-usapan naman na nakita ang private part ni Uma (half Filipino-Israeli). Pagkatapos nitong maligo, at habang nakatuwalya ito, nahulog ang tuwalya kaya ayun.
Kasalukuyang nasa Pinoy Big Brother house ngayon ang 12 housemates. Nakakaaliw silang panoorin sa mga ginagawa nila. Mahirap din talaga ang pinagdadaanan nila. Lalo pat wala silang access sa telepono, TV, diyaryo at internet.
This week, wala pang mabu-boot out. Sa Sabado, nomination na kung sino ang mai-evict. Next week, simula na ng botohan via text message.
Gusto kong batiin si Toni Gonzaga sa mahusay niyang paghu-host ng show. Talaga namang very smart at brilliant si Toni.
"Very effortless ang hosting skills niya. She is amazing," sabi ng mga nakakausap ko. Congratulations na rin sa mga bumubuo ng show sina Lauren Dyogi, Linggit Tan, Marivic Oducayen, Trina Sanchez, Albert Almaden, Leon Roldan at iba pa.
At guess kung sino ang unang in-email ni Joseph? Sino pa kundi si Sandara Park. Yes, agad na nag-email si Joseph kay Sandy. At ang nakakaloka, naka-reply agad si Sandy. Doon ko nalaman na malapit nang bumalik ng bansa si Sandara. She is set to return mid-September. May naka-line up na agad na pelikulang sisimulan si Sandy sa Star Cinema.
Sa ilang oras naming magkasama nina Joseph at Elena, nakita ko pa rin ang kabaitan ni Joseph. Hindi pa rin talaga nagbabago ang binata. Mabait at magalang talaga ang batang ito. No wonder, mahal talaga ng maraming tao si Joseph.
Kasama si Joseph sa inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Vietnam Rose topbilled by Maricel Soriano. Ipalalabas na ito sa September.
Updated ang website ng Pinoy Big Brother. Kung gusto ninyong ma-update sa mga nagaganap sa bahay ni Kuya, just log in sa HYPERLINK "http://www.pinoy bigbrother.com" www.pinoybigbrother.com. Makikita ninyo ang mga unedited scenes na nagaganap sa buong bahay.
"Inaayos pa ang kontrata niya," sabi ni Rikka.
Inilibot na rin ni Rikka si Railey sa ABS-CBN. Dinala na rin niya ito kay Star Cinema boss Malou Santos. Gusto ni Tita Malou na bigyan ng ka-loveteam si Railey. May idea na si Tita Malou kung kanino niya ipi-pair si Railey pero hindi niya ito sinabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended