Angel, gustong magbakasyon para mag-aral ng martial arts
August 25, 2005 | 12:00am
Kahit boses lamang niya ang gagamitin, sobrang grateful si Angel Locsin na mapabilang sa isang international anime tulad ng Initial D-Fourth Stage, eksklusibong mapapanood simula sa buwan ng Oktubre sa Animax, isang 24 hr. anime channel sa ilalim ng Sony Pictures Entertainment (SPE) Networks Asia.
Ang bagets na Fil-Italian na si Matteo Guidicelli (15 yrs. old lang siya), isang motor enthusiast at 2004 Karter of the Year at isang pamilyar na mukha sa mundo ng advertising (Head & Shoulder, Penshoppe at Smart) ang napiling magbigay boses kay Takaumi Fujiwara. Si Angel naman ang magiging boses ni Kyoko Iwase, isa ring driving ace na makakalaban ni Takaumi.
Impatient na si Angel na dumating ang buwan ng Disyembre dahil naka-schedule siyang magbakasyon sa buwang ito para makapagpahinga. Mag-aaral din siya ng martial arts for future projects.
Kahit dalawang ulit ipinasok ng ospital, walang pagsisising nadarama si Angel dahil pumayat siya.
Gumandang muli ang katawan niya, nawala ang mga bilbil na ikinatutuwa ng mga tagasubaybay niya bilang Darna.
Ikatlong pagbabalik na ng grupong Cascades na nung kasibulan ko ay nabalitang nawala at namatay. Di pala totoo ang istorya dahil tatlong ulit na silang nakakabalik dito at ang dalawang nauna nilang palabas ay sold out ang mga tikets. Patunay lamang na mahilig sa mga revivals ang mga Pinoy, na tulad ko.
Kahit di nila sabihin, walang magdududa na hindi sila ang myembro ng orihinal na grupo. Kamukha nila at kaboses yung mga nakalarawan sa mga posters nila, nun at magpahanggang ngayon. At nang kumanta sila ng acapella ng "Shy Girl" sa kanilang presscon sa Manila Hotel ay lalo nilang pinatunayan na sila nga ang "the real mccoy" na grupo.
Mapapanood ang apat sa palabas na The Cascades Encore sa Setyembre 9, 8NG sa Araneta Coliseum at sa isang dinner show sa Manila Hotel sa Setyembre 10, 8:30 NG.
Mayron din silang schedule sa Waterfront Hotel sa Cebu.
Dahilan sa magandang pagtanggap sa kanila ng Pinoy sa ilang ulit na pagpapalabas nila rito, gumawa sila ng ilang awitin na kakantahin nila sa concert. Ito ang "Warm Manila Nights" na ginawa ni Gab Lapano at "My Manila" ni Chuck Crews. Ang dalawa ay parehong myembro ng Cascades.
Makakasama nila sa concert ang Area l, isang grupo ng mga Filipino musicians na pinamumunuan nina John Lesaca at Direktor Bert de Leon at ang mahusay na The Company. Muntik nang hindi magbigay ng awit ang Cascades matapos nilang marinig ang isang mahusay na acapella number ng The Company.
Bilang selebrasyon ng ika-28th season ng Bulwagang Gantimpala, inihahandog nito sa tulong ng National Park Development Committee (NPDC) ang palabas na Kanser (Noli Me Tangere) na naka-tuon ang istorya sa homecoming ni Crisostomo Ibarra mula sa kanyang European studies at handang paigtinging muli ang relasyon nila ni Maria Clara. Madidiskubre niya na mas may malaking apoy na tumutupok sa mamamayan.
Tampok sina Neil Ryan Sese (Crisostomo Ibarra), Kimberly Diaz ( Maria Clara), Miguel Castro (Elias), Ces Aldaba ( Padre Damaso), Dante Balaois (Pilosopong Tasyo), Pamela Hundana ( Sisa), at marami pang iba, sa direksyon ni Flavier Pablo at Adriana Agcaoili.
Mapapanood sa Agosto 26-28, 10am/2pm, AFP Theater; Sept. 2-4 10am/2pm, St. Cecilia Hall, St. Scholasticas College, Mla.; Sept. 7, 10am/2pm, Angelo King Performing Arts Center, De La Salle College- Santiago Zobel, Muntinlupa City; at Sept. 10, RFC Cinema, Las Piñas City.
Ang bagets na Fil-Italian na si Matteo Guidicelli (15 yrs. old lang siya), isang motor enthusiast at 2004 Karter of the Year at isang pamilyar na mukha sa mundo ng advertising (Head & Shoulder, Penshoppe at Smart) ang napiling magbigay boses kay Takaumi Fujiwara. Si Angel naman ang magiging boses ni Kyoko Iwase, isa ring driving ace na makakalaban ni Takaumi.
Impatient na si Angel na dumating ang buwan ng Disyembre dahil naka-schedule siyang magbakasyon sa buwang ito para makapagpahinga. Mag-aaral din siya ng martial arts for future projects.
Kahit dalawang ulit ipinasok ng ospital, walang pagsisising nadarama si Angel dahil pumayat siya.
Gumandang muli ang katawan niya, nawala ang mga bilbil na ikinatutuwa ng mga tagasubaybay niya bilang Darna.
Kahit di nila sabihin, walang magdududa na hindi sila ang myembro ng orihinal na grupo. Kamukha nila at kaboses yung mga nakalarawan sa mga posters nila, nun at magpahanggang ngayon. At nang kumanta sila ng acapella ng "Shy Girl" sa kanilang presscon sa Manila Hotel ay lalo nilang pinatunayan na sila nga ang "the real mccoy" na grupo.
Mapapanood ang apat sa palabas na The Cascades Encore sa Setyembre 9, 8NG sa Araneta Coliseum at sa isang dinner show sa Manila Hotel sa Setyembre 10, 8:30 NG.
Mayron din silang schedule sa Waterfront Hotel sa Cebu.
Dahilan sa magandang pagtanggap sa kanila ng Pinoy sa ilang ulit na pagpapalabas nila rito, gumawa sila ng ilang awitin na kakantahin nila sa concert. Ito ang "Warm Manila Nights" na ginawa ni Gab Lapano at "My Manila" ni Chuck Crews. Ang dalawa ay parehong myembro ng Cascades.
Makakasama nila sa concert ang Area l, isang grupo ng mga Filipino musicians na pinamumunuan nina John Lesaca at Direktor Bert de Leon at ang mahusay na The Company. Muntik nang hindi magbigay ng awit ang Cascades matapos nilang marinig ang isang mahusay na acapella number ng The Company.
Tampok sina Neil Ryan Sese (Crisostomo Ibarra), Kimberly Diaz ( Maria Clara), Miguel Castro (Elias), Ces Aldaba ( Padre Damaso), Dante Balaois (Pilosopong Tasyo), Pamela Hundana ( Sisa), at marami pang iba, sa direksyon ni Flavier Pablo at Adriana Agcaoili.
Mapapanood sa Agosto 26-28, 10am/2pm, AFP Theater; Sept. 2-4 10am/2pm, St. Cecilia Hall, St. Scholasticas College, Mla.; Sept. 7, 10am/2pm, Angelo King Performing Arts Center, De La Salle College- Santiago Zobel, Muntinlupa City; at Sept. 10, RFC Cinema, Las Piñas City.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended