^

PSN Showbiz

Magpapa-seksi na si Nancy!

- Veronica R. Samio -
"But I won’t go bold," ang unang turan ni Nancy Castiglione matapos sabihin na handa na siyang magpa-seksi o gumanap ng mga challenging roles, kahit na ang pagiging kontrabida para lamang mapausad ng husto ang kanyang career. Kagagaling lamang nito mula sa pagbisita sa kanyang pamilya sa Canada at hindi na niya ipinagtaka na nung mawala siya ay umugong ang balitang buntis siya kaya siya nawala. "It’s not the first time na magkaro’n ako ng controversy. Sanay na ako," pagtatanggol niya.

Dala-dala nito ang isang magasin na kung saan ay nasa cover siya at hindi karaniwang portrait ang ginawa nito kundi todo-todong pagpapaseksi. "I’m proud of it. Anyway I’m 24 years old at magaganda naman lahat ng shots," sabi niya.

"It shows how beautiful she is," anang nakatatandang kapatid niya na sumama sa kanya pagbalik niya rito. She’s as pretty as Nancy.

Inamin ni Nancy na miss na miss na niya ang role niya sa Encantadia na Muyak. "I love playing her. Aside from natsa-challenge ako na magsalita ng Tagalog. I also like being in a harness."

Bagaman at palagi na siyang nababalita kay Bullet Jalosjos na aniya ay karelasyon niya ng mga five or six months na ("I’m not so sure. Wala kasi kaming weekly or monthly anniversary," pag-amin niya) wala pa silang pinag-uusapang kasal. "Both of us are not in a hurry to get married. Ako, talagang pinaghahandaan ko ito dahil I’d like to get married only once," pagdidiin niya.
* * *
Napansin din sa wakas ang pag-arte ni Reggie Curley sa film adaptation ni Ellen Ongkeko sa award winning play ni Jun Lana na Mga Pusang Gala. Ginagampanan ni Reggie ang role ng non-committal lover ni Martha (Irma Adlawan). Ayon sa mga kritiko, breakthrough performance daw ito ng aktor na ikinatutuwa naman nito ng labis.

"Na-intimediate ako nang makuha ko ang role. Bukod sa maganda ang script, magaling pa ang direktor at ang mga makakasama kong artista na sina Ricky Davao at Irma Adlawan," ani Reggie.

Sixth movie ito ni Reggie (Kung Ako Na Lang Sana, Liberated, I Will Survive, Beautiful Life at Say That You Love Me ang unang lima).

Kasama rin siya sa soap na Saang Sulok ng Langit.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANYWAY I

BEAUTIFUL LIFE

BULLET JALOSJOS

BUT I

ELLEN ONGKEKO

I WILL SURVIVE

IRMA ADLAWAN

NIYA

REGGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with