Bernadette, wala na sa Magandang Umaga Pilipinas!
August 19, 2005 | 12:00am
Noong Lunes ay pansamantalang namaalam si Bernadette Sembrano sa morning show na Magandang Umaga Pilipinas. Mga ilang linggong mawawala si Bernadette sa said morning show. Aware ang buong staff at hosts ng show na hindi muna nila makakasama sa show si Bernadette.
At sa pansamantalang pagkawala ni Bernadette sa show, nagkaroon ng impression na tuluy-tuloy na ang pag-alis niya sa MUP.
"Actually, ang mga hosts, hindi sila emotional dahil alam nilang temporary lang naman yon. During the last gap, medyo naluha si Bernadette. Siya ang naging emotional. Kaya siguro, nag-isip ang mga nakapanood na mawawala na nga siya sa show," sabi pa ng kausap ko.
Lalo pang naging maingay ang usapan nang namaalam na nga si Bernadette dahil hindi ito nagbigay ng opisyal na pahayag kung saan siya pupunta.
That same day, nagpalabas ng statement ang Manila Genesis Entertainment (ang management agency ni Bernadette) na may bagong show si Bernadette tungkol sa mga OFW. The new show would mean na matagal talagang mawawala si Bernadette sa MUP.
Kaya ang naging tanong, kung aware si Bernadette sa pansamantalang pagkawala niya sa show, bakit siya naluha noong hinarana siya ni Jimmy Bondoc sa last part ng show?
Bongga ang grand presentation night ng Champions League of 12 ng Search For The Star In A Million (Season 2) noong Sunday. Punumpuno ang Aliw Theatre ng fans and supporters ng 12 finalists. Ito ay kinabi-bilangan nina Jay Perillo, Tony dela Paz, Joey Ignacio, Francis Ong, Tata Villaruel, Jimmy Marquez, Ais Marquez, Shake Valerio, Vino Bello, Anna Baluyut, Lance Onate at Kris Lawrence.
Impressive ang performance ng 12 finalists. Kahit ang opening number ay talaga namang pinaghandaan.
After ng presentation last Sunday, simula na ng competition. Nakita na ng publiko ang performance ng bawat finalist. Simula na rin ng text competition. Sa mga gustong suportahan ang kanilang bet thru text, just type the <name of finalist> <space> at i-send sa 231 (for Smart and Talk N Text) at 2331 for (Globe at Touch Mobile).
Noong Miyerkules, nakatanggap ng balita ang pamilya namin na pumanaw na ang aking pinsan na si Augusto Fortaleza, Jr. Pero ang hindi matanggap ng pamilya namin, nailibing na raw ito. Ang pinsan ko ay nagtatrabaho sa Agricultural Training Institute-El Salvador-Misamis Oriental.
Wala pang malinaw na detalye kung paano namatay ang pinsan ko. Ang hindi rin malinaw ay kung bakit hindi napasabihan ang immediate family ng pinsan ko sa nangyari sa kanya.
Agad kong tinawagan si Tintin Bersola para humingi ng tulong. Walang dalawang salita na ni-refer kami ni Tintin kay Julius Babao. Inasikaso ni Julius at ng buong news team ng ABS-CBN ang aking tiyahin nang magtungo ito sa opisina ng ABS-CBN.
Nangako ang ABS-CBN na tututukan ang pangyayari. In fact, agad na itinawag ng ABS-CBN Manila sa kanilang regional office ang krimen. Nangako naman ang ABS-CBN Cagayan na hindi pababayaan ang balita.
Salamat sa mag-asawang Julius at Tin at sa ABS-CBN News & Current Affairs sa mabilis nilang pagresponde sa aming tawag. Sana ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking pinsan at managot sa batas at sa Diyos ang may sala.
At sa pansamantalang pagkawala ni Bernadette sa show, nagkaroon ng impression na tuluy-tuloy na ang pag-alis niya sa MUP.
"Actually, ang mga hosts, hindi sila emotional dahil alam nilang temporary lang naman yon. During the last gap, medyo naluha si Bernadette. Siya ang naging emotional. Kaya siguro, nag-isip ang mga nakapanood na mawawala na nga siya sa show," sabi pa ng kausap ko.
Lalo pang naging maingay ang usapan nang namaalam na nga si Bernadette dahil hindi ito nagbigay ng opisyal na pahayag kung saan siya pupunta.
That same day, nagpalabas ng statement ang Manila Genesis Entertainment (ang management agency ni Bernadette) na may bagong show si Bernadette tungkol sa mga OFW. The new show would mean na matagal talagang mawawala si Bernadette sa MUP.
Kaya ang naging tanong, kung aware si Bernadette sa pansamantalang pagkawala niya sa show, bakit siya naluha noong hinarana siya ni Jimmy Bondoc sa last part ng show?
Impressive ang performance ng 12 finalists. Kahit ang opening number ay talaga namang pinaghandaan.
After ng presentation last Sunday, simula na ng competition. Nakita na ng publiko ang performance ng bawat finalist. Simula na rin ng text competition. Sa mga gustong suportahan ang kanilang bet thru text, just type the <name of finalist> <space> at i-send sa 231 (for Smart and Talk N Text) at 2331 for (Globe at Touch Mobile).
Wala pang malinaw na detalye kung paano namatay ang pinsan ko. Ang hindi rin malinaw ay kung bakit hindi napasabihan ang immediate family ng pinsan ko sa nangyari sa kanya.
Agad kong tinawagan si Tintin Bersola para humingi ng tulong. Walang dalawang salita na ni-refer kami ni Tintin kay Julius Babao. Inasikaso ni Julius at ng buong news team ng ABS-CBN ang aking tiyahin nang magtungo ito sa opisina ng ABS-CBN.
Nangako ang ABS-CBN na tututukan ang pangyayari. In fact, agad na itinawag ng ABS-CBN Manila sa kanilang regional office ang krimen. Nangako naman ang ABS-CBN Cagayan na hindi pababayaan ang balita.
Salamat sa mag-asawang Julius at Tin at sa ABS-CBN News & Current Affairs sa mabilis nilang pagresponde sa aming tawag. Sana ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking pinsan at managot sa batas at sa Diyos ang may sala.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended