Gary V, mag-aaral muli!
August 19, 2005 | 12:00am
Alam ba ninyo na ang megastar na si Sharon Cuneta ang naka-discover sa singer-actor na si Raymond Lauchengco para sa showbiz?
Naging teacher kasi ni Sharon ang daddy ni Raymond na si G. Ramon Lauchengco sa International School noon at ito ang naging daan kung paano nagkakilala sina Sharon at Raymond.
Si Sharon ang nag-recommend kay Raymond sa Viva Films na siyang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula at ang Vicor Music Corporation naman ang nag-sign-up sa kanya sa recording.
First movie ni Raymond sa Viva Films ang Saan Darating ang Umaga kung saan siya rin ang kumanta ng theme song. Sumunod dito ang Cross My Heart at third movie naman niya ang Bagets kung saan niya naging co-stars sina Aga Muhlach, JC Bonnin, William Martinez at Herbert Bautista.
Bago napunta ng showbiz ay kabilang siya sa Repertory Philippines. Madalas siyang sumama noon sa nakatatanda niyang kapatid na si Menchu Lauchengco na nasa theater din.
Ang "Raymond Lauchengco" album ay formal na ni-launched kamakailan sa Podium kung saan niya inawit ang mga songs na nakapaloob dito.
May dalawang dekada rin ang ipinaghintay ni Gary V. bago muling maulit ang makatrabaho niya ang isang full orchestra sa isang full length concert at itoy mangyayari sa kanyang nalalapit na birthday concert na gaganapin sa Araneta Coliseum na pinamagatang Symphony of the Heart kung saan makakasama niya ang 63-piece San Miguel Philharmonic Orchestra na kukumpasan ni Maestro Ryan Cayabyab.
Makakasama rin dito ni Gary V. sina Erik Santos, Sheryn Regis at dalawa sa kanyang mga anak na sina Paolo at Gabriel Valenciano kasama ang Powerplay Band na pangungunahan ng kanyang usical director na si Mon Faustino.
Ayon kay Gary V., 90% ng mga songs na kakantahin niya ay gagawan ng panibagong areglo at excited siya na muling makatrabaho si Ryan Cayabyab. Although exclusive contract star ng Universal Records si Gary V. kung saan may tatlo pa siyang album na gagawin, pinayagan siyang mag-record ng isang special album sa ilalim ng Star Records na siyang producer ng kanyang upcoming concert sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN.
Samantala, sinabi ng mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano na gusto niyang bumalik sa pag-aaral. "I wanted to go back to school to learn new things sa technical side including directing," aniya. Sa edad na 40, wala na halos mahihiling pa si Gary V. dahil nasa kanya na lahat.
[email protected]
Naging teacher kasi ni Sharon ang daddy ni Raymond na si G. Ramon Lauchengco sa International School noon at ito ang naging daan kung paano nagkakilala sina Sharon at Raymond.
Si Sharon ang nag-recommend kay Raymond sa Viva Films na siyang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula at ang Vicor Music Corporation naman ang nag-sign-up sa kanya sa recording.
First movie ni Raymond sa Viva Films ang Saan Darating ang Umaga kung saan siya rin ang kumanta ng theme song. Sumunod dito ang Cross My Heart at third movie naman niya ang Bagets kung saan niya naging co-stars sina Aga Muhlach, JC Bonnin, William Martinez at Herbert Bautista.
Bago napunta ng showbiz ay kabilang siya sa Repertory Philippines. Madalas siyang sumama noon sa nakatatanda niyang kapatid na si Menchu Lauchengco na nasa theater din.
Ang "Raymond Lauchengco" album ay formal na ni-launched kamakailan sa Podium kung saan niya inawit ang mga songs na nakapaloob dito.
Makakasama rin dito ni Gary V. sina Erik Santos, Sheryn Regis at dalawa sa kanyang mga anak na sina Paolo at Gabriel Valenciano kasama ang Powerplay Band na pangungunahan ng kanyang usical director na si Mon Faustino.
Ayon kay Gary V., 90% ng mga songs na kakantahin niya ay gagawan ng panibagong areglo at excited siya na muling makatrabaho si Ryan Cayabyab. Although exclusive contract star ng Universal Records si Gary V. kung saan may tatlo pa siyang album na gagawin, pinayagan siyang mag-record ng isang special album sa ilalim ng Star Records na siyang producer ng kanyang upcoming concert sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN.
Samantala, sinabi ng mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano na gusto niyang bumalik sa pag-aaral. "I wanted to go back to school to learn new things sa technical side including directing," aniya. Sa edad na 40, wala na halos mahihiling pa si Gary V. dahil nasa kanya na lahat.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended