^

PSN Showbiz

Bago mag-32 si Aiko, magpapakasal na uli siya kay Jonard Yanzon

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Hindi lang pala good looks meron ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Jonard Yanzon, kundi isa rin itong mahusay na artist.

Sa katunayan, magka-alternate sila ni JayR sa lead role ng dance musical play na Footloose ng Stages Productions bilang si Ren McCormack. At the same time, gaganap din siyang support role as bad boy sa characrter ni Chuck Cranston, kapag si JayR naman ang nakasalang sa stage as Ren.

Dumaan din sa audition ng Footloose si Jonard, ang "Impossible Dream" nga raw ang ginamit niyang kanta sa audition.

Okey lang ba sa kanya kung kay JayR mapunta ang credit ng Footloose dahil mas kilala ito sa kanya?

"I don’t mind. In fact pati nga ako na starstruck dahil JayR is JayR na nagkataon na favorite R&B artist ko," paliwanag ni Jonard.

Graduate ng Conservatory of Music si Jonard sa UST. Meron din siyang sariling negosyo na dalawang Janea flower shop sa Kapitolyo, Pasig.

Beteranong teatrong aktor na maituturing si Jonard na nagsimulang umarte sa stage noong nasa elementary hanggang high school siya sa Ateneo. Katunayan, lumabas siya as Jack sa Jack & the Beanstalk nung 13 yrs old ito.

Sa edad na eleven ay kasali na siya sa Repertory Philippines kung saan nagbida siya sa Alladin at gumanap siyang Benjamin sa Joseph and his Technicolor Dreamcoat sa Ateneo.

At 16 yrs old ay miyembro na siya ng Trumphets at naging part ng The Lion, the Witch & the Wardrobe. Gumanap uli siyang Benjamin sa Joseph The Dreamer noong binata na siya. Kasali rin siya sa chorus ng Miss Saigon nung 2001.

Dating miyembro si Jonard ng 17:28 (na disbanded na) na kung saan sila unang nagkakilala ni Aiko, pagkatapos siyang panoorin nito sa kanilang gig. Inaasar lang daw niya noon si Aiko na sobrang taba pa noong time na ipakilala siya sa aktres.

"Eh di ba mataba pa siya noon? Inasar ko siya, sabi ko ‘kinain mo si Aiko’. Naasar naman tapos dun na lang nagsimula yung biruan namin," kwento ni Jonard.

Sinagot ni Jonard ang tanong kung hindi ba siya magseselos sa muling pagtatambal nila Aiko at Jomari Yllana sa bago nilang sitcom na Ex Ko ‘To?

"Hindi naman ako nakikialam sa trabaho niya. Kaya nga may manager siya di ba? Napag-usapan na rin namin iyon. Inihahanda ko na yung sarili ko for the worst. Alam ko naman na trabaho lang yun. Huwag lang gagamitin sila for the sake of the show. Ayoko nung ganun. Masakit eh. Sabi ko nga sa kanya, paano kung ang tao na mismo ang magpilit na magsabi na magbalikan sila uli. Sino ang pipiliin niya? Sabi niya ‘ikaw, ikaw ang mahal ko eh,"’ sabay kibit ng balikat si Jonard.

Napag-uusapan na rin daw nila ang kasal. Pero ngayon ay ini-enjoy muna nila ang isa’t isa. Gusto raw niya bago mag-32 si Aiko ay pakakasalan na niya ito. So two years from now ay magkakaroon na ng bagong father si Andrei na "tito" raw ang tawag sa kanya.

Ang Footloose The musical ay ipapalabas sa Meralco Theater sa Sept. 2, 3, 9, 10, 16, 17, 23, 24 simula ika-walo ng gabi.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANG FOOTLOOSE THE

ATENEO

CHUCK CRANSTON

CONSERVATORY OF MUSIC

EX KO

JONARD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with