^

PSN Showbiz

8 pelikula, humahabol sa Jan. 1 playdate ng MMFF 2005

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagpadala na ng letter of intent ang walong production companies para sa Metro Manila Film Festival 2005. Ilan ang nakikiusap na magkaroon sana ng extension para makahabol sila. Hindi lang namin alam kung pagbibigyan ng executive committee ang kanilang kahilingan.

Kabilang sa walong pelikula na pagpipilian para sa January 1 playdate ay ang mga sumusunod: Apache FilmsTrigger nina Derek Dee, Kyla Cole at Aliya Martel sa direksyon ni Ronnie Ricketts (action); Teamworks Productions-Mourning GirlsDina Bonnevie at Ara Mina sa direksyon ni Gil Portes (comedy); CM Films - FatherlandCesar Montano, Johnny Delgado, Cherrie Pie Picache at Gina Alajar sa direksyon ni Gil Portes (drama); Echopaze Entertainment, Int’l. - Best Actress Maricel Soriano, Vina Morales, Aiai delas Alas, Tuesday Vargas, Gloria Romero, Ara Mina or Rufa Mae Quinto sa direksyon ni Elson Montalbo (drama); ABS-CBN Film Productions, Inc. Sandara Park (working title) Sandara Park, Joseph Bitangcol, Sharlene San Pedro, John Manalo, etc. sa direksyon ni Wenn Deramas (drama); Violett Films Emmanuel (working title) Regine Velasquez, Eddie Garcia, Ariel Rivera at BJ "Tolits" Forbes sa direksyon ni Romy Suzara (fantasy-drama); JMCN Productions - Sanggalang, Badigard ng Presidente -Christopher de Leon, Dingdong Dantes, Cindy Kurleto sa direksyon ni Joey Gosiengfiao (action-romance) at Rocketts Productions Lagot Ka Sa Kuya - Ronnie Ricketts, Mariz Ricketts, Nadine Samonte at Angelica Jones sa direksyon ni Ronn-Rick (action).
Excited Na Sa Pagiging Host
Exaggerated ang sinabi ni Mariel Rodriguez nang tanungin kung ano ang reaksyon sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa mga hosts ng Pinoy Big Brother. "Buong buhay ko ay ibibigay ko sa programa," aniya.

Three times a day siya magho-host ng PBB at magbibigay ng daily updates bukod pa sa pagho-host ng late night show ng programa na mapapanood sa ABS-CBN, Studio 23 at via the website.

Itinuturing niyang malaking break sa kanyang career ang hosting job niya sa programa.
Blind Item: Komedyante, Sobrang Yabang!
Nagsimula sa pagkanta-kanta sa karaoke bar ang sikat na komedyanteng ito bilang sing-along master. Sa pagdaan ng taon ay lumutang ang galing nito sa pagpapatawa kaya napunta sa showbiz. Sumikat siya nang husto kaya namuhay sa luho.

Nakabili ito ng magarang sasakyan at higit sa lahat, ng mansion.

Pinag-aral nito ang mga anak sa sosyal na iskwelahan. Minsan ay nagkita sila ng kapitbahay sa iskwelahan para sa enrolment ng kani-kanilang mga anak. Nagbatian naman ang dalawang magkapitbahay.

"Dito mo rin pala ininroll ang anak mo?" sey ng komedyante.

"Matagal na, lahat sila dito nag-aaral sapul pa noong nasa kinder ang mga anak ko," sey ng kapitbahay.

Paismid na tumalikod ang komedyante na hindi alam ay higit na mayaman sa kanya ang kapitbahay na ginang. Akala ng komedyante ay siya na ang pinakamayaman sa tinitirhan nilang subdivision.

vuukle comment

ALIYA MARTEL

ANGELICA JONES

APACHE FILMS

ARA MINA

ARIEL RIVERA

DIREKSYON

GIL PORTES

RONNIE RICKETTS

SANDARA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with