Pati sa kwentuhan, walang oras si Angel Locsin
August 15, 2005 | 12:00am
Higit na maganda ngayon si Angel Locsin dahil nabawasan ang timbang nito at kahit kagagaling lang sa ospital ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang taping ng Darna.
Dadalawin ko sana siya sa taping dahil malapit lang ang location nito sa amin pero, hindi na namin nagawa dahil ayon kay Cynthia Valconcha na handler nito ay wala itong time para mainterbyu daw dahil walang break at babad siya sa mga eksena. Baka matapos ito ng madaling araw kaya humingi ito ng paumanhin at niri-set na lang namin ang muling pagdalaw sa set para makakwentuhan ko siya.
Magsisimula na itong magsyuting ng Mulawin The Movie na pang-Metro Manila Filmfest ng GMA Films.
Marami na akong nakausap na kababaihan at type nilang maging nobyo si dating Mayor Joey Marquez dahil daw sa karisma nito, may sense of humor at higit sa lahat, malambing.
Pero ano naman kaya ang type ng komedyante sa isang babae?
Ayon sa isang taong malapit dito, ang tunay na natataypan nito ay yung mga babaeng mas may edad sa kanya. Naging nobya pala nito noon si Racquel Villavicencio at Gina Leviste.
Bakit kamo?
Sinabi ni Joey na minahal niya si Gina noon dahil corporate ang image at talagang kagalang-galang. Si Racquel naman ay mukhang titser o prinsipal.
Kaya hindi kami magtataka kung dumating ang araw na ang mapili nitong makasama sa buhay ay yung mas may edad sa kanya.
Naging nominee sa Academy Award dahil sa pagganap bilang Penny Lane sa Almost Famous, ang kaakit-akit na si Kate Hudson ay nag-debut sa nakakatuwang pelikulang 200 Cigarettes, kabituin sina Ben Affleck, Courtney Love at Cristina Ricci. Mula noon ay gumanap siya sa maraming pa-cute na papel at napabilang ng dalawang beses sa 50 Most Beautiful People in the World ng Peoples Magazine. Ngayon, si Kate ay gumaganap sa isang matinding karakter sa unang pagkakataon sa supernatural thriller na The Skeleton Key.
Sa istorya, si Kate ay isang caregiver, si Caroline, ng isang matandang lalaking pipi at paralitiko. Sa isang liblib na lugar sa US, pinaniniwalaan ang tungkol sa Hoodoo na hanggang sa kasalukuyan ay pinapraktis ng mga panatiko at karaniwang ipinagkakamali na Voodoo. Hindi rito bilib si Caroline at wala siyang pakialam.
Wika ni Kate: "Si Caroline ay isang seryosong babae na labis kong ikinaintriga at nagbigay sa akin ng malaking hamon sa pag-arte. Okey lang na palaging nakangiti tulad ng papel na madalas kong gampanan pero iba ang dating ng isang ito.
Kung titingnan ang maganda at sikat na aktres na ito ay iisipin mo na hindi ito makabasag-pinggan dahil sa pagiging malambing at sweet ng imahe.
Maganda rin ang kanyang relasyon sa press people at banayad pa kung makipag-usap sa kanila kaya aakalain na isa siyang huwarang artista.
Pero kwidaw ka dahil ayon sa aking source na napapasyal minsan sa bahay nito ay naririnig niya kung paano itong magalit sa katulong. Kahit kumakain ito ay tuloy ang kanyang pagsesermon sa hapag-kainan at hindi muna pinapatapos ang pagkain nito.
Bastat nagalit siya, nininerbyos na raw ang mga katulong dahil naglilitanya na ang sikat ng aktres ng mga kasalanan nila.
Hindi nababakante sa soap opera ang aktres dahil magaling siiyang umarte mapa-bida o mapa-kontrabida.
Dadalawin ko sana siya sa taping dahil malapit lang ang location nito sa amin pero, hindi na namin nagawa dahil ayon kay Cynthia Valconcha na handler nito ay wala itong time para mainterbyu daw dahil walang break at babad siya sa mga eksena. Baka matapos ito ng madaling araw kaya humingi ito ng paumanhin at niri-set na lang namin ang muling pagdalaw sa set para makakwentuhan ko siya.
Magsisimula na itong magsyuting ng Mulawin The Movie na pang-Metro Manila Filmfest ng GMA Films.
Pero ano naman kaya ang type ng komedyante sa isang babae?
Ayon sa isang taong malapit dito, ang tunay na natataypan nito ay yung mga babaeng mas may edad sa kanya. Naging nobya pala nito noon si Racquel Villavicencio at Gina Leviste.
Bakit kamo?
Sinabi ni Joey na minahal niya si Gina noon dahil corporate ang image at talagang kagalang-galang. Si Racquel naman ay mukhang titser o prinsipal.
Kaya hindi kami magtataka kung dumating ang araw na ang mapili nitong makasama sa buhay ay yung mas may edad sa kanya.
Sa istorya, si Kate ay isang caregiver, si Caroline, ng isang matandang lalaking pipi at paralitiko. Sa isang liblib na lugar sa US, pinaniniwalaan ang tungkol sa Hoodoo na hanggang sa kasalukuyan ay pinapraktis ng mga panatiko at karaniwang ipinagkakamali na Voodoo. Hindi rito bilib si Caroline at wala siyang pakialam.
Wika ni Kate: "Si Caroline ay isang seryosong babae na labis kong ikinaintriga at nagbigay sa akin ng malaking hamon sa pag-arte. Okey lang na palaging nakangiti tulad ng papel na madalas kong gampanan pero iba ang dating ng isang ito.
Maganda rin ang kanyang relasyon sa press people at banayad pa kung makipag-usap sa kanila kaya aakalain na isa siyang huwarang artista.
Pero kwidaw ka dahil ayon sa aking source na napapasyal minsan sa bahay nito ay naririnig niya kung paano itong magalit sa katulong. Kahit kumakain ito ay tuloy ang kanyang pagsesermon sa hapag-kainan at hindi muna pinapatapos ang pagkain nito.
Bastat nagalit siya, nininerbyos na raw ang mga katulong dahil naglilitanya na ang sikat ng aktres ng mga kasalanan nila.
Hindi nababakante sa soap opera ang aktres dahil magaling siiyang umarte mapa-bida o mapa-kontrabida.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended