Second child nina Cesar at Sunshine, bibinyagan pa lang
August 15, 2005 | 12:00am
Napakabilis talaga ng panahon. Parang kelan lamang nang isilang ng dating aktres turned businesswoman na si Brenda del Rio ang kanyang panganay na anak na si Jowee Ann Marquez sa dati nitong nobyong si Joey Marquez. Dalawa ang naging bunga ng pagmamahalan noon nina Brenda at Joey, sina Jowee Ann at Isabel.
Apat na taong gulang si Jowee Ann nang magkahiwalay sina Brenda at Joey. Although hiwalay, nasundan pa rin si Jowee Ann kay Zia (Izabela Crizia) na ngayon ay 13 years old na at first year high school sa Reedley International School.
Apat na taong gulang si Jowee Ann nang huli siyang magdaos ng kanyang kaarawan na naroon ang kanyang ama kaya very memorable sa kanya ang kanyang debut party dahil naroon ang kanyang dad.
Marami mang problema ang pinagdaanan sa naging relasyon noon nina Brenda at Joey ay water under the bridge nang maituturing dahil magkaibigan ngayon sina Brenda at Joey at very close naman ang magkapatid na Jowee Ann at Iza sa kanilang ama at iba pa nilang mga kapatid sa father side.
Nung nakaraang Biyernes (Aug. 12) ng gabi, isang marangyang debut party ang ginanap sa ballroom ng bagong tayong Crowne Plaza sa Ortigas Center para sa ika-18 taong kaarawan ni Jowee Ann. Talagang pinaghandaang mabuti ni Brenda ang debut party ng kanyang panganay kay Joey. Hindi man nakarating si Kris Aquino bilang isa sa 18 Treasures, siya naman ang nagbigay ng gown na suot ni Jowee Ann na gawa ni JC Buendia. Hindi rin nakarating ang dating First Lady na si Imelda Romualdez-Marcos pero nagpadala ito ng personalized jewelry box na may nakaukit na pangalan ni Jowee Ann.
Masaya si Jowee Ann dahil bukod sa kanyang mom (Brenda) na siyang punong abala, at dad na si Joey nandoon din ang kanyang stepdad na si Richard Syhongpan. Maging ang half siblings ni Jowee Ann sa ina na sina Yeoj at Wyn-Wyn (mga anak ni Joey kay Alma Moreno) ay naroon din. Dumalo rin ang auntie ni Jowee Ann na si Melanie Marquez at ang mister nitong si Adam Lawyer. Naroon din ang kanyang Ninong Richard Gomez kasama ang misis nitong si Lucy Torres.
Ang iba pang celebrities na aming namataan doon ay sina Helen Gamboa-Sotto, Gloria Diaz, Douglas Quijano, Pagsanjan Mayor E. R. Ejercito at wife nitong si Maita Sanchez, Gretchen Barretto at iba pa.
Mahigit P400,000 ang ginastos sa debut party ni Jowee Ann at sulit naman dahil bukod sa magandang venue, masarap ang pagkain, dalawang giant screens ang naka-poste sa harapan ng stage.
Sa eighteen roses, hinanap namin ang napapabalitang boyfriend umano ni Jowee Ann na si Eric Ejercito, ang panganay na anak ni Mayor E. R. Ejercito sa dati nitong wife na si Emma Rose Policarpio pero hindi ito dumalo sa nasabing party. Si Brenda ang nagsabi sa amin na break na umano ang dalawa kaya hindi dumating ang binata pero nagpadala ito ng regalo kay Jowee Ann na isang painting.
Samantala, pinasalamatan ni Joey si Brenda sa magandang pagpapalaki nito kay Jowee Ann na first year college na ngayon sa Ateneo kung saan siya kumukuha ng Political Science. Si Jowee Ann ay nag-aral ng kanyang nursery, kinder at prep sa Philippine Montessori sa White Plains, Quezon City. Sa Poveda naman siya nag-grade 1 at grade 2 at pagkatapos mula grade 3 hanggang high school ay nasa Brent International School siya.
Tulad ng kanyang celebrity parents, pinasok na rin ni Jowee Ann ang showbiz at isa siya ngayon sa mga build-up talents ng Star Magic.
Sa open Mega Strip ng Megamall ginanap ang album launching ng bagong album ng award-winning band at ang "Pambansang Banda ng Pilipinas," ang Parokya ni Edgar nung nakaraang Sabado (Aug. 13) ng gabi na pinamagatang "Halina sa Parokya" sa ilalim ng Universal Records. Ang nasabing album ay tenth anniversary din ng banda.
Ang highlights ng "Halina sa Parokya" album ay ang "First Day Funk," ang "Mang Jose" na siyang carrier single, "Walang Nangyari," "Papa Cologne," "Bagsakan," "Name Fun" at iba pa. Ang "Halina sa Parokya" album ay magsisilbi na ring tribute ng grupo sa yumaong big boss ng Universal Records na si Bella Tan na siyang nagbigay ng break sa grupo.
Ipinagbubuntis ngayon ni Sunshine Cruz ang kanilang ikatlong supling ng husband niyang si Cesar Montano na nakatakdang isilang sa huling linggo ng November o di kaya sa unang linggo ng December. Pero bago lumabas ang ikatlong baby nina Buboy (Cesar) at Sunshine ay bibinyagan (dedication) muna ang kanilang second baby na si Samantha Angelene na itataon sa unang kaarawan nito sa Aug. 21 na gaganapin sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel.
Bukas ng gabi (Martes) ay isa na namang nakakatuwang episode ang matutunghayan sa top-rating sitcom na Bahay Mo Ba To na pinangungunahan nina Tessie Tomas at Ronaldo Valdez kasama sina Keempee de Leon, Francine Prieto, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Sherilyn Reyes at maraming iba pa mula sa direksiyon ni Al Quinn.
[email protected]
Apat na taong gulang si Jowee Ann nang magkahiwalay sina Brenda at Joey. Although hiwalay, nasundan pa rin si Jowee Ann kay Zia (Izabela Crizia) na ngayon ay 13 years old na at first year high school sa Reedley International School.
Apat na taong gulang si Jowee Ann nang huli siyang magdaos ng kanyang kaarawan na naroon ang kanyang ama kaya very memorable sa kanya ang kanyang debut party dahil naroon ang kanyang dad.
Marami mang problema ang pinagdaanan sa naging relasyon noon nina Brenda at Joey ay water under the bridge nang maituturing dahil magkaibigan ngayon sina Brenda at Joey at very close naman ang magkapatid na Jowee Ann at Iza sa kanilang ama at iba pa nilang mga kapatid sa father side.
Nung nakaraang Biyernes (Aug. 12) ng gabi, isang marangyang debut party ang ginanap sa ballroom ng bagong tayong Crowne Plaza sa Ortigas Center para sa ika-18 taong kaarawan ni Jowee Ann. Talagang pinaghandaang mabuti ni Brenda ang debut party ng kanyang panganay kay Joey. Hindi man nakarating si Kris Aquino bilang isa sa 18 Treasures, siya naman ang nagbigay ng gown na suot ni Jowee Ann na gawa ni JC Buendia. Hindi rin nakarating ang dating First Lady na si Imelda Romualdez-Marcos pero nagpadala ito ng personalized jewelry box na may nakaukit na pangalan ni Jowee Ann.
Masaya si Jowee Ann dahil bukod sa kanyang mom (Brenda) na siyang punong abala, at dad na si Joey nandoon din ang kanyang stepdad na si Richard Syhongpan. Maging ang half siblings ni Jowee Ann sa ina na sina Yeoj at Wyn-Wyn (mga anak ni Joey kay Alma Moreno) ay naroon din. Dumalo rin ang auntie ni Jowee Ann na si Melanie Marquez at ang mister nitong si Adam Lawyer. Naroon din ang kanyang Ninong Richard Gomez kasama ang misis nitong si Lucy Torres.
Ang iba pang celebrities na aming namataan doon ay sina Helen Gamboa-Sotto, Gloria Diaz, Douglas Quijano, Pagsanjan Mayor E. R. Ejercito at wife nitong si Maita Sanchez, Gretchen Barretto at iba pa.
Mahigit P400,000 ang ginastos sa debut party ni Jowee Ann at sulit naman dahil bukod sa magandang venue, masarap ang pagkain, dalawang giant screens ang naka-poste sa harapan ng stage.
Sa eighteen roses, hinanap namin ang napapabalitang boyfriend umano ni Jowee Ann na si Eric Ejercito, ang panganay na anak ni Mayor E. R. Ejercito sa dati nitong wife na si Emma Rose Policarpio pero hindi ito dumalo sa nasabing party. Si Brenda ang nagsabi sa amin na break na umano ang dalawa kaya hindi dumating ang binata pero nagpadala ito ng regalo kay Jowee Ann na isang painting.
Samantala, pinasalamatan ni Joey si Brenda sa magandang pagpapalaki nito kay Jowee Ann na first year college na ngayon sa Ateneo kung saan siya kumukuha ng Political Science. Si Jowee Ann ay nag-aral ng kanyang nursery, kinder at prep sa Philippine Montessori sa White Plains, Quezon City. Sa Poveda naman siya nag-grade 1 at grade 2 at pagkatapos mula grade 3 hanggang high school ay nasa Brent International School siya.
Tulad ng kanyang celebrity parents, pinasok na rin ni Jowee Ann ang showbiz at isa siya ngayon sa mga build-up talents ng Star Magic.
Ang highlights ng "Halina sa Parokya" album ay ang "First Day Funk," ang "Mang Jose" na siyang carrier single, "Walang Nangyari," "Papa Cologne," "Bagsakan," "Name Fun" at iba pa. Ang "Halina sa Parokya" album ay magsisilbi na ring tribute ng grupo sa yumaong big boss ng Universal Records na si Bella Tan na siyang nagbigay ng break sa grupo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended