^

PSN Showbiz

Boobs ni Angelika lumaki dahil sa pills

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Napansin n’yo bang lumaki ang boobs ni Angelika dela Cruz? Well, hindi siya nagpa-retoke. Guess what...nagti-take lang siya ng pills. Pero wala rin naman siyang asawa or ka-live-in para mag-birth control?

Nagpi-pills siya dahil na rin sa advice ng kanyang gynecologist dahil sa family pala nila, hindi sila regular na nagkakaroon ng monthly period.

"Marami ngang nagsasabi na lumaki ang boobs ko. Akala nila nagpa-retoke ako. Pero hindi. Di ba pag nagti-take ka ng pills, ang tendency pala no’n lumalaki ang boobs mo," sabay turo sa boobs niya. "Saka may daya ‘yan, may padding ang bra ko," medyo natatawang kuwento pa ng actress na hindi natin namamalayan ay ten years na pala sa showbiz.

Bukod sa boobs, matagal na ring mainit na iniintriga ang instant dagdag sa chin niya. Marami kasing nakapansin na biglang naging prominent ang baba niya na madaling napuna ng marami.

Hindi rin daw niya ipinaopera contrary sa mga naglalabasang issue. "Kasi pinaayos ko yung bite ko (sa dentist). Kasi nong high school ako, tinanggal yung braces ko, kasi kailangan ko na ngang mag-showbiz. So hindi na-correct yung bite ko.

"So ngayon, kailangang ayusin. Nilagyan ng braces sa lower part ng teeth ko na sobrang sakit. Tiniis ko talaga kahit masakit. So nang maging okey, parang humaba nang konti ang chin ko," she said in an interview.

Sa lower part ang inayos na ngipin ni Angelika na dapat niyang pasalamatan dahil sa pagkakaroon niya ng chin.

Aside from braces sa ngipin, no’n palang bata si Angelika, peke siyang maglakad kaya kailangan din niyang maglagay ng braces sa legs.

"Bakal girl nga ang tawag sa akin no’n dahil nga sa mga braces ko," she recalled.

Anyway, ayaw mang aminin pero dapat ma-disappoint si Angelika sa takbo ng career niya. Bihira na kasi siyang mapanood sa Ikaw Ang Lahat sa Akin –na kakaunti naman ang exposure niya.

In fact sabi nga niya sa sampung taon niya sa showbiz, hindi pa niya naa-achieve ang gusto niya sa career niya. "Gusto kong maging actress.

"Yung totoong artista," sabi niya. Like Claudine Barretto. Sa edad nga naman ni Angelika, 23 turning 24 dapat mga seryosong role na ang pino-portray niya. Pero so far, mga small roles pa lang ang nagagawa niya sa loob ng sampung taon.

Anyway, walang lovelife si Angelika, si Derek Ramsey na naili-link din ang pangalan sa kanya ay barkada lang daw niya.

Eh si Victor Neri. "Wala na nga po kaming communication kahit text o tawagan, wala."

May isang alam na pelikulang gagawin si Angelika. Pero hindi pa niya alam ang details.

At mas hahaba raw ang exposure niya ngayon sa Ikaw Ang Lahat sa Akin dahil magkaka-love triangle na sila nina Claudine at Diether Ocampo.

Magi-expire na ang contract niya sa ABS-CBN Star Magic next month, pero wala pang plano si Angelika kung magre-renew sila. "Wala, hindi ko pa talaga alam," sabi ng aktres.
* * *
Parang malabo yatang maging father in law ni Marvin Agustin ang controversial na ex-Isabela Gov. Faustino Dy. Wala raw kasing planong magpakasal sina Marvin at anak ni Ex Gov. Dy na si Tetet Dy. Ayon sa source, wala naman talagang commitment ang dalawa. Pero sobrang happy daw ng family ni Tetet dahil matagal na rin palang wish ng family ni Tetet na magkaanak ito. Kaya buong pamilya raw ng Dy, nasa Amerika.

Anyway, umalis na raw papuntang Amerika si Marvin dahil any moment daw ay manganganak na si Tetet.
* * *
Nakaka-episode 18 na pala ang Showbiz Stripped hosted by Ricky Lo at Melanie Marquez. Parang kailan lang nang mag-umpisa ang programa sa GMA 7.

Ngayong gabi, tatalakayin nila ang tungkol sa mga showbiz personality na malakas ang loob na umaaming sila ay bading o kaya naman ay lesbian. Ang iba naman, walang takot na nagsasabing may karelasyon silang kabaro nila.

Panauhin sina IC Mendoza, Mel Martinez, Jeanette Joaquin, Lady Dee and DJ Alvaro sa episode na "I Am, What I Am, Care Ko."

Salve V. Asis’ e-mail
- [email protected]

vuukle comment

AMERIKA

ANGELIKA

CARE KO

IKAW ANG LAHAT

NIYA

PERO

TETET

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with