^

PSN Showbiz

Kung nagagawa ng Koreano, magagawa rin ng Pinoy!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Pinag-uusapan ang magandang break na dumating kay Cesar Montano. Isipin mo nga naman, bigla siyang nakasama ngayon sa isang foreign film. Pero hindi narin bago yan. Kung tama ang pagkakatanda namin, mahigit na isang taon na ang nakaraan nang gawin niya ang pelikulang yan.

Ganoon naman ang mga foreign films eh, matagal ang kanilang post production, dahil kung ano man ang depekto sa shooting, talagang sa post production ng pelikula nila binubusisi at pinagaganda.

Ngayon sinasabi ni Cesar na magbabalik siya sa US para makipag-usap ng pormal sa kanyang agent,mag-audition siguro sa ibang roles, at subukan kung maaari siyang magkaroon ng career doon. Kung makakalusot nga ba siya sa mga American movies eh malaking bagay na yan. Kung dito sa ating bansa, magpahinog ka na dahil mukhang wala nang pupuntahan ang industriya ng pelikula rito. Wala namang nagawang tulong ang gobyerno, maliban sa pagtatalaga ng isang presidential adviser on cinema and entertainment, na hindi pa rin namin alam kung may mangyayari nga ba kung sakali naman.

Ang sinasabi nga namin, nagagawa rin ‘yan ng mga Koreano. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Japan, Taiwan. Hong Kong, at iba pang mga bansa sa Asya, tulad ng singer-actor na si Rain, at ang matinee idol na si Bae Yong Joon. Kung titingnan mo ang hitsura ng mga iyan, mas guwapong di hamak sina Aga Muhlach at Richard Gomez diyan. Bakit sila nagkakaroon ng chance sa ibang bansa, bakit ang mga artista natin ay hindi?

Kasi ang problema nakuntento tayo sa trabaho rito sa atin noon. Hindi kagaya nila na iniisip talaga nakailangang mapalawak ang kanilang market. Bumagsak din ang entertainment industry ng Korea noon, bago sila gumawa ng mas malalaking pelikula na naging hit at nakapasok hanggang sa US. Eh dito sa atin, wala tayong hinihintay kung di sa suporta ng gobyerno, wala tayong mapapala diyan. Dapat tayo mismo ang kumilos.
* * *
Malakas pa rin talaga ang batak ni Judy Ann Santos. Nang maging guest siya sa isang drama anthology na hindi na halos naaalala, nag-rate ‘yon ng 17 percent. Tinalo ang drama ni Mel Tiangco na guest pa si Bong Revilla na ang rating share ay 14 percent lang.

Pero ang sabi nga ni Lito Calzado na tatay ni Iza, ’yon naman daw 17 percent na ’yon ay kasama ang cable audience. Kung aalisin iyon, 13 pecent lang kaya panalo pa rin si Mel Tiangco. Maawa naman kayo, pabayaan na ninyong maalala naman sila paminsan-minsan man lang.
* * *
Nagulat din kami sa aming narinig tungkol sa isang female star na lilipat daw ng tv network. Disgusted daw kasi ang female star dahil wala namang naibibigay na project sa kanya ang kanilang network, nakatali naman siya sa isang kontrata at hindi halos payagang lumabas sa iba.

Ngayon talagang paninindigan na raw ng female star na hindi siya magre-renew ng kontrata sa kanilang network. Gusto siguro niya may mangyari sa career niya.

AGA MUHLACH

BAE YONG JOON

BONG REVILLA

CESAR MONTANO

HONG KONG

JUDY ANN SANTOS

KUNG

MEL TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with