^

PSN Showbiz

‘Lahat ng meron ako pinaghirapan ko, di galing kung saan at kung kanino’

-
Ayaw ni Rufa Mae Quinto na mapag-usapan pa ang pagkakadawit ng pangalan niya sa tinatawag na "Jueteng Beauties".

"Hindi naman ako kasali run. Sila lang ang nagdadawit sa name ko. Of course mas kilala ko ang sarili ko. Todo kayod ako sa trabaho, sa GMA-7 pati sa pelikula. This year, dalawa ang movies ko na ipinalabas. ‘Yung Boobita Rose… Masikip sa Dibdib at ‘yung La Visa Loca. May ginagawa akong filmfest entry kay Joel Lamangan, ‘yung Ako, Legal Wife.

"Meron pa rin akong SOP Rules, Bubble Gang at Idol Ko Si Kap!

"Lahat ng meron ako, pinaghirapan kong lahat. Pinagtrabahuhan ko at hindi galing sa kung saan. Saka nag-invest ako. Ipinasok ko sa negosyo gaya ng beauty parlor, travel agency at iba pa.

"My manager tells me na ‘wag kong patulan o sakyan ang mga ganitong uri ng mga intriga. Hindi ako ‘yon at wala akong kinalaman dun."

Bukod sa isyu ng jueteng beauties na isinasangkot ang pangalan ni Rufa Mae, may panibagong intriga na naman sa kanya. Di umano ay tinutukoy siya ng mga pananalita ni Osang laban sa isang pulitiko na naka-relasyon niya.

"My lips are sealed. Hindi ako ‘yon. At wala akong alam tungkol du’n. Masaya ako at nagkabalikan kami ni Rudy (Hatfield)."

Umugong ang balitang magpapaalam na sa ere ang Idol Ko Si Kap dahil sa mga tsismis na isiniwalat ni Osang. "Totoong mawawala na ang Idol Ko Si Kap pero dahil sa akin." BAC

AKO

BOOBITA ROSE

BUBBLE GANG

IDOL KO SI KAP

JOEL LAMANGAN

JUETENG BEAUTIES

LA VISA LOCA

LEGAL WIFE

OSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with