Mabubuhay ka ba ng 100 araw na walang TV, radyo, dyaryo, telepono, cellphone, relo at computer?
August 11, 2005 | 12:00am
Pinaka-bagong reality show ito ng ABS CBN na pinamagatang Pinoy Big Brother. Ikalawa ang Pilipinas sa maghu-host ng programa sa Asya, sumunod sa Thailand. Nagsimula ito sa Holland nung 1999 at nakaka-ilang season na sa US, UK, Australia, Mexico at marami pang bansa.
Magsisimula itong mapanood sa Agosto 21. Tungkol sa 12 na hindi magkakakilalang tao na sa loob ng 100 araw ay magtatangkang mamuhay ng magkakasama sa isang 2-bedroom, 1-bath house na may garden at swimming pool at wala ni isa mang form of communication katulad ng mga nabanggit na bagay sa titulo ng artikulong ito.
Sa loob ng itinakdang araw ay bibigyan sila ng daily tasks, weekly assignments at challenges na magpapakita ng kanilang mga tunay na damdamin at susubok sa kanilang katatagan na hindi galawin ang kanilang mga allowance sa pagbili ng tulad sa sigarilyo at tsokolate. Dalawamput anim na kamera ang tututok sa lahat nilang galaw.
Linggu-linggo, isa ang ibo-vote out ng kanilang kasamahan. Kapag dalawa na lamang ang natititra ay papasok na ang text votes ng mga manonood. Pipiliin nila sa dalawa kung sino ang maiiwan sa loob ng Pinoy Big Brother House.
Si Toni Gonzaga ang host mula Lunes hanggang Biyernes. Makakasama niya si Willie Revillame tuwing Sabado, sa isang live eviction episode. Si Willie rin ang magsisilbing hingahan ng 12 ng kanilang mga nararamdaman. Anumang sabihin nila dito ay mananatili sa kanilang dalawa lamang.
May ikatlong host, si Mariel Rodriguez na magbibigay ng tatlong daily updates ang magsisilbing host ng mga late night shows. Mapapanood din ang Pinoy Big Brother Lunes hanggang Huwebes at Sabado sa Studio 23, host naman si Asia Agcaoili.
P1M, isang bahay at lupa at isang Nissan Frontier Titatium 3 ang mapapanalunan ng matitirang isa.
Marami nagtatanong kung ang nakikita nating mga posters ng The Great Raid ng Miramax Films at ini-release ng Pioneer Films ni William Que at nagsimulang mapanood sa mga sinehan natin na nagtatampok kay Cesar Montano together with some Hollywood actors ay katulad din ng mga poster sa ibang bansa, lalo na sa US.
Syempre naman, hindi noh!
Dapat maintindihan natin na bagaman at malaki ang role ni Cesar sa naturang movie, pelikulang Kano ito at ang mga bida talaga ay yung mga Kano. So bakit tayo magi-expect na gagawin nilang ispesyal ang ating Pinoy actor, gaano man kagaling ito?
Masayahan na tayo na nakaka-penetrate na tayo sa US, gaano man kaliit ang role na nakukuha ng ating mga local actors. At least its a start. Kaya nga naghahanap si Cesar ng agent sa US para naman magkaron ng follow up ang kanyang nasimulan.
Let us just wish him good luck at maging yung iba nating kababayan na nagta-try maka-penetrate ng Hollywood. Yung talagang lehitimong taga-rito at hindi yung Amerikanong Pinoy na ngayon lang natin nakikilala.
Dumarami ang kaso ng may diabetes sa bansa. Mas marami yung acquired kaysa sa namana. Tulad ko na hindi nga mahilig sa ma-asukal na pagkain pero, santambak naman kung kumain ng kanin.
Marami sa mga may diabetes ang hindi alam na may sakit sila nito. Paano naman, napakamamahal ng mga glucose meters. At lalo na yung strips and needles. Marami sa mga health centers natin ay hindi maka-afford nito. Paano pa ito mabibili ng mga ordinaryong mamamayan?
Pero merong glucose meter na inilabas ang Bayer na bukod sa mura na ay madali pang gamitin. Di pa masakit gamitin dahil adjustable yung needle.
Ito yung Ascensia Entrust Blood Glucose Meter na gumagamit lamang ng coin battery na magagamit hanggang 500 tests. Available ito sa Mercury Drug store.
Para sa ibang katanungan, tumawag sa mga opisina ng Fernando Medical Enterprises, Inc, (FMEI) na siyang namamahagi nito sa Head Office (632)7271521/7271532; Cebu (6332) 2563243; Iloilo (6333) 5095046 at Davao (6382) 2243799/2243796.
E-mail: [email protected]
Magsisimula itong mapanood sa Agosto 21. Tungkol sa 12 na hindi magkakakilalang tao na sa loob ng 100 araw ay magtatangkang mamuhay ng magkakasama sa isang 2-bedroom, 1-bath house na may garden at swimming pool at wala ni isa mang form of communication katulad ng mga nabanggit na bagay sa titulo ng artikulong ito.
Sa loob ng itinakdang araw ay bibigyan sila ng daily tasks, weekly assignments at challenges na magpapakita ng kanilang mga tunay na damdamin at susubok sa kanilang katatagan na hindi galawin ang kanilang mga allowance sa pagbili ng tulad sa sigarilyo at tsokolate. Dalawamput anim na kamera ang tututok sa lahat nilang galaw.
Linggu-linggo, isa ang ibo-vote out ng kanilang kasamahan. Kapag dalawa na lamang ang natititra ay papasok na ang text votes ng mga manonood. Pipiliin nila sa dalawa kung sino ang maiiwan sa loob ng Pinoy Big Brother House.
Si Toni Gonzaga ang host mula Lunes hanggang Biyernes. Makakasama niya si Willie Revillame tuwing Sabado, sa isang live eviction episode. Si Willie rin ang magsisilbing hingahan ng 12 ng kanilang mga nararamdaman. Anumang sabihin nila dito ay mananatili sa kanilang dalawa lamang.
May ikatlong host, si Mariel Rodriguez na magbibigay ng tatlong daily updates ang magsisilbing host ng mga late night shows. Mapapanood din ang Pinoy Big Brother Lunes hanggang Huwebes at Sabado sa Studio 23, host naman si Asia Agcaoili.
P1M, isang bahay at lupa at isang Nissan Frontier Titatium 3 ang mapapanalunan ng matitirang isa.
Syempre naman, hindi noh!
Dapat maintindihan natin na bagaman at malaki ang role ni Cesar sa naturang movie, pelikulang Kano ito at ang mga bida talaga ay yung mga Kano. So bakit tayo magi-expect na gagawin nilang ispesyal ang ating Pinoy actor, gaano man kagaling ito?
Masayahan na tayo na nakaka-penetrate na tayo sa US, gaano man kaliit ang role na nakukuha ng ating mga local actors. At least its a start. Kaya nga naghahanap si Cesar ng agent sa US para naman magkaron ng follow up ang kanyang nasimulan.
Let us just wish him good luck at maging yung iba nating kababayan na nagta-try maka-penetrate ng Hollywood. Yung talagang lehitimong taga-rito at hindi yung Amerikanong Pinoy na ngayon lang natin nakikilala.
Marami sa mga may diabetes ang hindi alam na may sakit sila nito. Paano naman, napakamamahal ng mga glucose meters. At lalo na yung strips and needles. Marami sa mga health centers natin ay hindi maka-afford nito. Paano pa ito mabibili ng mga ordinaryong mamamayan?
Pero merong glucose meter na inilabas ang Bayer na bukod sa mura na ay madali pang gamitin. Di pa masakit gamitin dahil adjustable yung needle.
Ito yung Ascensia Entrust Blood Glucose Meter na gumagamit lamang ng coin battery na magagamit hanggang 500 tests. Available ito sa Mercury Drug store.
Para sa ibang katanungan, tumawag sa mga opisina ng Fernando Medical Enterprises, Inc, (FMEI) na siyang namamahagi nito sa Head Office (632)7271521/7271532; Cebu (6332) 2563243; Iloilo (6333) 5095046 at Davao (6382) 2243799/2243796.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended