Bagong mukha ng ABS-CBN News
August 10, 2005 | 12:00am
Inaasahan ng maraming manonood ng TV at lalo na ng pamunuan ng ABS CBN na sa pamumuno ng tatlong magagaling na babae ay maiaangat sa pinaka-mataas na estado ang pangangalap at paghahatid ng balita.
Kapamilya na ngayon ang dating CNN Jakarta News Bureau chief na si Maria Ressa bilang bagong pinuno ng ABS CBN News and Current Affairs. Lumaki sa Amerika si Maria at nagtapos ng cum laude sa Princeton University sa kursong English Literature.
Nagbabalik naman ng Dos mula sa Reuters TV Asia si Charie Villa bilang head ng news gathering. Naging news reporter si Charie sa radyo at TV nang magtapos ng Broadcast Communication sa UP Diliman. Siyam na taon siya sa ABS CBN bilang field reporter managing editor, at producer ng TV Patrol.
Si Luchie Cruz Valdez naman ay nananatiling head ng Current Affairs at News Cluster. Graduate din siya ng UP sa kursong Broadcast Communication at naging radio/TV news reporter at producer. Nang magtayo ng Manila Bureau ang American Broadcasting Company (ABC) News para sa paglulunsad ng 1986 Snap Presidential Elections, si Luchi ang naging daan ng network para sa mga news leads sa kanilang coverage.
Ayon kay Maria, ang mga elemento ng transparency, accountability at consistency ang magiging patnubay nila sa pagsulong ng ABS CBN News and Current Affairs Group.
Medyo mahihirapan sa kanilang trabaho ang tatlo dahil may credibility isyu na ibinabato sa kanilang network. Bukod sa kailangan nilang mapatunayan na hindi ito totoo at hindi biased ang istasyong kanilang pinaglilingkuran, changes are being made at kung hindi nyo pa ito nakikita sa kanilang kasalukuyang news program na gagawin na rin sa Tagalog, bukas makalawa, magiging mas klaro na ito. Isa pang makikitang pagbabago ay lalabas na rin para gumawa ng kanilang report ang mga dating news anchor lamang.
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended