B-day ni Dingdong, di sinipot ng mga taga-SOP!
August 9, 2005 | 12:00am
Kinorek ni Nene Riego na 38 inches at hindi 40 inches ang boobs ni Alma Moreno. Dahil sa breast reduction na ginawa sa kanya ni Dr. Manny Calayan, 36 inches na lang ang measurement ng boobs ni Alma. Mabilis daw gumaling ang operasyon na ginawa kay Alma dahil after one week, nakapag-taping na agad siya sa Mga Anghel Na Walang Langit ng ABS-CBN.
Samantala, magiging dalawa na ang regular TV show ni Alma sa Ch. 2 dahil sa Huwebes, magsisimula na ang taping ng sitcom nila ni Rudy Fernandez na Ex Ko To. Kasama nila rito sina Aiko Melendez at Jomari Yllana at ididirihe ni Johnny Manahan.
Noon pa sinasabing ang Ex Ko To ang ipapalit sa Bora at itatapat sa Bahay Mo Ba To ng GMA-7. Kung true ito, expect nating sobra itong nakakatawa para matalo ang sitcom ng Ch. 7
Napanood namin ang birthday presentation ni Dingdong Dantes sa SOP last Sunday at mukhang naalis na ang tampo nito sa mga kasama sa show. Nagtampo si Dingdong dahil sa rami ng co-hosts/co-performers, tanging si KC Montero, bukod kay Karylle, lang ang dumalo sa birthday party niya noong Friday na ginawa sa kanilang bahay.
Malapit sa Immaculate Conception Cathedral sa may New York at Lantana ang bahay nina Dingdong at malapit sa bahay nina Jaya at Janno Gibbs pero, hindi pa rin sila nakarating. For sure, inimbitahan sila ni Dingdong.
Mabuti pa ang mga kasama sa Encantadia at kumpletong dumating sa pangunguna ni director Mark Reyes. Sila ang nagpasaya sa birthday ni Dingdong.
Katulong pala nito sa pag-i-entertain ng mga bisita ang gf niyang si Karylle na ayon sa aming source ay at home na at home sa house nina Dingdong dahil tanggap ito ng parents ng actor at mga kapatid.
Si Alfred Vargas ang gusto ng followers ng Encantadia na maging love interest ni Diana Zubiri. Kinakitaan sila ng chemistry at kilig at kung ibi-build up lang daw ng husto ng GMA-7, puwedeng sumikat na loveteam.
Of course, kasama sa wish ng kanilang fans na maging totohanan ang tambalan ng dalawa at hindi lang pag-telebisyon o pelikula. Kaya lang, malabong mangyari ito kung totoong may boyfriend na si Diana.
Heto pa, sa halip na si Alfred, si Brad Turvey daw ang may crush kay Diana. Sa Encantadia nagkitat nagkasama sa trabaho ang dalawa at sa mga kasama sa tele-fantasy yata nabanggit ni Brad ang tungkol dito. Tinutukso na nga sina Diana at Brad ng mga kasama. Pero, gaya ni Alfred, hindi ma-i-entertain ni Diana kung manliligaw man si Brad sa kanya dahil taken na si Sanggre Danaya.
Sa bagong development na ito, matitigil na sigurong i-link si Brad kay Iza Calzado na may non-showbiz boyfriend na. But Im sure, hindi pa maggi-give up ang Danaya-Aquil (Alfred) shippers na maging totoo ang kanilang on screen team up.
Napagkikita sa taping ng isang sitcom ng GMA-7 ang talent na lumipat sa ABS-CBN. Ang alam ng aming source, nagpapatulong ito sa kaibigang actor na mainstay ng ini-istambayang sitcom na makabalik siya sa Ch. 7.
Ginawa naman lahat ng nilapitang actor na makabalik sa network ang talent. Kinausap nito ang mga taong alam niyang makakatulong sa problema ng talent. Wala nga lang nangyari sa paglalakad ng actor dahil hanggang pagbawalang umistambay sa sitcom ang talent, ayaw na talaga siyang kunin ng Siete.
Yes, pinagbawalan as in, banned na ang talent na dumalaw sa sitcom dahil baka raw may mga ideas itong makitat marinig sa sitcom at maikuwento sa iba. Eh, di, nasulot nga naman ang idea ng Ch. 7.
Samantala, magiging dalawa na ang regular TV show ni Alma sa Ch. 2 dahil sa Huwebes, magsisimula na ang taping ng sitcom nila ni Rudy Fernandez na Ex Ko To. Kasama nila rito sina Aiko Melendez at Jomari Yllana at ididirihe ni Johnny Manahan.
Noon pa sinasabing ang Ex Ko To ang ipapalit sa Bora at itatapat sa Bahay Mo Ba To ng GMA-7. Kung true ito, expect nating sobra itong nakakatawa para matalo ang sitcom ng Ch. 7
Malapit sa Immaculate Conception Cathedral sa may New York at Lantana ang bahay nina Dingdong at malapit sa bahay nina Jaya at Janno Gibbs pero, hindi pa rin sila nakarating. For sure, inimbitahan sila ni Dingdong.
Mabuti pa ang mga kasama sa Encantadia at kumpletong dumating sa pangunguna ni director Mark Reyes. Sila ang nagpasaya sa birthday ni Dingdong.
Katulong pala nito sa pag-i-entertain ng mga bisita ang gf niyang si Karylle na ayon sa aming source ay at home na at home sa house nina Dingdong dahil tanggap ito ng parents ng actor at mga kapatid.
Of course, kasama sa wish ng kanilang fans na maging totohanan ang tambalan ng dalawa at hindi lang pag-telebisyon o pelikula. Kaya lang, malabong mangyari ito kung totoong may boyfriend na si Diana.
Heto pa, sa halip na si Alfred, si Brad Turvey daw ang may crush kay Diana. Sa Encantadia nagkitat nagkasama sa trabaho ang dalawa at sa mga kasama sa tele-fantasy yata nabanggit ni Brad ang tungkol dito. Tinutukso na nga sina Diana at Brad ng mga kasama. Pero, gaya ni Alfred, hindi ma-i-entertain ni Diana kung manliligaw man si Brad sa kanya dahil taken na si Sanggre Danaya.
Sa bagong development na ito, matitigil na sigurong i-link si Brad kay Iza Calzado na may non-showbiz boyfriend na. But Im sure, hindi pa maggi-give up ang Danaya-Aquil (Alfred) shippers na maging totoo ang kanilang on screen team up.
Ginawa naman lahat ng nilapitang actor na makabalik sa network ang talent. Kinausap nito ang mga taong alam niyang makakatulong sa problema ng talent. Wala nga lang nangyari sa paglalakad ng actor dahil hanggang pagbawalang umistambay sa sitcom ang talent, ayaw na talaga siyang kunin ng Siete.
Yes, pinagbawalan as in, banned na ang talent na dumalaw sa sitcom dahil baka raw may mga ideas itong makitat marinig sa sitcom at maikuwento sa iba. Eh, di, nasulot nga naman ang idea ng Ch. 7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended