TVs Party Princess, shy mag-display ng katawan!
August 9, 2005 | 12:00am
Bago lamang ang pangalan niya pero walang manonood ng TV ang tatangging tumingin sa maganda niyang mukhat katawan. Ito ang dahilan kung bakit kahit sasandali pa lamang si Laura Jean sa kanyang trabaho bilang host ng Club TV, the ultimate party show na napapanood tuwing Sabado, 8:00 NG sa ABC5 ay mabilis na siyang napapamahal hindi lamang sa mga bagets na viewers ng show kundi maging sa mga olds na mahilig mag-dance.
Isang Cruz si Laura Jean pero wala siyang relasyon ni isa man sa mga Cruz ng showbis.
Parehong Pinoy ang kanyang mga magulang at ang magkakahalong dugo na nananalaytay sa kanyang mga ugat (Spanish, Hawaiian, Filipino) ay bakas sa kanyang pisikal na kaanyuan. Nasa air force ang kanyang ama at isang teacher naman ang kanyang ina. Na-stationed nun ang kanyang ama sa Clark at balak na sana nilang mamirmihan dito kundi lamang pumutok ang Mt. Pinatubo.
Aktibo sa school plays ang 21 taong gulang na tisay na may taas na 57". Naging choir member siya ng St. Elizabeth Parish Church sa Las Vegas.
Sumali siya nung 2004 sa Miss Fiesta Filipina Nevada at nanalo. Naging Miss Congeniality rin siya at Best in Swimsuit and Sports Wear. Bahagi ng kanyang premyo ang pagbisita sa Pilipinas upang i-promote ang tourist travel ng Las Vegas.
Hindi na siya nakauwi, nadiskubre siya ng kanyang manager na si Geleen Eugenio at nakuhang host ng Club TV.
Dahil mataas at maganda, marami ang kumukumbinsi sa kanya na mag-join sa beauty contest. Qualified na siya dahil matagal na rin siya rito. "Shy akong rumampa ng maraming nanonood. Comfortable ako sa beach pero, di ko alam kung kaya kong pumarada ng naka-swimwear sa harap ng maraming tao," say niya.
Kailangan din niyang makuha ang permiso ng kanyang mga magulang if ever mag-decide siyang mag-try sumali sa beauty contests. Bagaman at sa US siya isinilang at lumaki, taglay pa rin ng kanyang pamilya ang kakimian ng Pinoy. Maski na ang simpleng sexy pictorial ay kailangan pang dumaan sa kanyang mga magulang bago niya ito i-consider.
Darating ang kanyang ina anytime now para samahan siya rito at for sure mabubulabog ang mga lalaking pasaway sa beauty niya.
Ang Club TV ay nagtatampok din kina Tim Yap, party guru at eventologist, MTV VJ KC Montero, model/actor Juddha Paolo and dance scions, Miggy Eugenio and Gabby Valenciano. Ang Guam-based dancers na SKIP, ang resident dancers ng show. Nagsanay ang mga ito sa choreographer ni Britney Spears.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended