Dan Fernando, napagsasabay ang showbiz at pulitika
August 8, 2005 | 12:00am
May dahilan para maging masaya si Daniel Fernando ngayon. Laging maaliwalas ang kanyang mukha at makislap ang mga mata. Wala ring problema kahit gaano karami ang ginagawa niya sa kanyang office sa kapitolyo ng Bulacan. Paano, magandang break ang dumating sa kanya sa showbusiness. Nasa teleserye siya ng GMA 7, sa Daisy Siete kung saan isa siyang ama ng mga bidang babae. Kahit na tipong chickboy ang papel niya, pero isang mabait na ama. Hindi lang bilang guest kundi nakaisang season.
"Maganda ang kabuuan ng serye na lalong gumanda dahil mahuhusay ang lahat ng kasama ko roon. Nakaka-inspire. Si Beth Oropesa, Rochelle Pangilinan, si Kier Legaspi, ang dating beauty Queen Evangeline Pascual at iba pa. Kahanga-hanga lalo si Sunshine, na gumaganap bilang isang authistic girl. Nakakadala at nakakabilib ang kanyang acting.
"Sana, masundan pa ito ng ibang teleserye. Talagang love ko ang acting. Kahit pa nga subsob na ako sa pagiging public servant (1st Bokal siya sa kanyang distrito) ay hindi ko nakakalimutan ang pagganap. Idagdag pa na mas maganda ang kita sa showbiz na nakakatulong sa aking mga constituents pag humihingi sa akin ng tulong."
Sa ngayon, sobrang busy si Dan. Bukod sa TV acting, sa kanyang trabaho sa kapitolyo ay pinangungunahan din niya ang gawain para sa nalalapit na Bulacan week mula September 8 to 15. Sa kanya nakaatang ang pag-aasikaso sa paglalagay ng mga booth sa lahat ng gasoline stations sa buong Bulacan kung saan inaanyayahan niya ang mga tagaroon na maglagay ng mga panindang gawang Bulacan. Katulad ng chicharon, sweets, etc. Napasa-kanya ang tungkuling ito dahil siya ang Land Transportation and Tourism chairman ng konseho.
Hindi raw naman nagkakaiba ang pagiging artista at public servant. Dahil parehong dapat mong ma-please ang mga tao. Na sa ngayon ay siyang gustung-gustong gawin ni Daniel. Mimi Citco

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended