^

PSN Showbiz

Dingdong, klik sa lolo ni Karylle!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Pumanaw si Anastacio Mamaril, ang nakilalang trumpet king ng Pilipinas sa mahigit na limang dekada, at nailibing siya kahapon (Sabado), pero konting tao lamang ang nakaalam nito!

Kahit nga ang kanyang mga kasamahan sa music industry, bihira ang nakarinig ng malungkot na balita.

Ang tinagurian ding Harry James of the Philippines ay 87 taon nang mamatay.

Tulad ni Harry James, si Anastacio Mamaril ay isa sa pinakamahusay na tumugtog ng trumpet at ibang wind instrument, at isang mahusay na band leader. Ang Anastacio Mamaril Orchestra ay naging bantog dito at sa ibang bansa.

Noong kanyang kasikatan, dinarayo ang mga nitespots na nagtatampok kay Mamaril at kanyang grupo.

Nakagawa ng maraming dance albums na inilabas ng halos lahat na mga record companies sa Pilipinas, tulad ng "Happy Go Lucky Cha Cha" at "Dance Music" na kabilang ang halos lahat ng ballroom dance sounds.

Tinawag din King of Latin Beat si Anastacio Mamaril dahil sa husay niyang tumugtog ng mga musikang cha cha, samba, pachanga, rhumba at tango.

Nakatugtog siya at ang kanyang orchestra sa iba’t ibang bansa sa Asya at Amerika. Sa Japan nakasama niya sa isang show ang Rhumba King na si Xavier Cugat.

Naalala ko tuloy ang isang live concert ng Anastacio Mamaril and His Orchestra sa San Franciscan Hotel doon sa Bay Area, isang gabi ng Disyembre, 1980.

Kahit mahal ang tiket na $20 dollars (na noon panahong ‘yon ay expensive na talaga) with dinner, punung-puno ang venue ng mga Pinoy at mga Kano. Nag-enjoy ang lahat sa pakikinig at pagsayaw, hanggang madaling araw.

Noong kapanahunan niya, talagang siya ang pinaka-in demand na instrumentalist along nightclub row sa Dewey (na naging Roxas Boulevard). Ang pinakamarangyang pagtitipon, dapat din ang Anastascio Mamaril Orchestra ang tutugtog. Lahat kasi ng mga malalaking okasyon noon, hindi kumpleto kapag wala sina Anastacio Mamaril at kanyang orchestra.

Sa susunod na taon ay magbibigay na naman ang Awit Awards ng Philippine Association of the Record Industry ng mga parangal. Sana mabigyan nila ng isang ispesyal na gawad si Mamaril, upang higit na maging dakila ang kanyang mga naiambag sa musikang Pinoy.
* * *
Tuwang-tuwang ibinalita ni Karylle na nag-klik ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes sa kanyang lolong si Carlos Padilla nang magkita ang dalawa sa States kamakailan.

"Sabi ng lolo ko, isang tunay na gentleman si Dingdong," nakangiting kwento ng dalaga. "Mukha raw talagang mapapagkatiwalaan ang napili ko."

Lalong natuwa si Lolo Carlos Padilla (ama ni Zsazsa) nang makita kung gaano kaliksing gumawa ng balikbayan box si Dingdong.

Well, lahat na ng mga kamag-anak ni Karylle ay nagbibigay ng approval kay Dingdong. May kasalan na kayang maganap sa isang taon?

ANASTACIO MAMARIL

ANASTACIO MAMARIL AND HIS ORCHESTRA

ANASTACIO MAMARIL ORCHESTRA

ANASTASCIO MAMARIL ORCHESTRA

AWIT AWARDS

HARRY JAMES

KANYANG

MAMARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with