^

PSN Showbiz

"Baka nakalimutan n'yo na kumakanta rin ako" – Rica Peralejo

- Veronica R. Samio -
Pumirma na ng kontrata si Rica Peralejo sa Galaxy Records at CAPS, isang foreign investor na ang unang proyekto sa Galaxy ay ang pagpapalabas ng original soundtrack ng Stairways to Heaven. Kasama sa loob ang Tagalog adaptation ng theme song ng nasabing teleserye na pinamagatang "Hanggang Langit" na inawit ni Martin Nievera.

Sa kanilang ikalawang kolaborasyon, isang album ni Rica ang kanilang ilalabas sa susunod na buwan.

Nang tanungin kung bakit siya gagawa ng album, sinabi ng sexy actress na "Baka kasi nakalimutan n’yo na kumakanta rin ako. Isa pang dahilan ay maganda ang project. Binigyan nila ako ng freedom na makapili ng mga kakantahin ko," ani Rica.

Hindi ito first time na mag-record ni Rica. Pero, mas excited siya ngayon dahil mas mature na siya. "Madadala ko sa album ang pagka-woman ko although magsisilbi itong experimental, isang testing ground. More on sexy dance music ang gusto nila at kapag nag-hit ito, susundan nila agad. Kung hindi, susubukan nila ako sa acoustic, ballads, mellow songs at iba pang genre," dagdag pa ni Rica.
* * *
Isa sa magagaling na batang cast ng Goin Bulilit itong si Igyboy Flores, 10 yrs. old na napapanood tuwing Linggo sa ABS CBN. Dahil sa kanyang pagiging bibo kung kaya nasasama siya sa maraming programa ng network tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at Sa Dulo ng Walang Hanggan.

Five yrs. old siya nang mag-audition para sa Ang TV. Sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang mga tapings (dalawang araw lamang siya pumapasok kapag may taping) ay nagagawa pa rin niya na mapanatili ang kanyang mataas na posisyon sa klase.

Nag-birthday siya nung July 31 pero sa halip na mag-party ay ibinili na lamang siya ng van ng daddy niya.
* * *
Gusto n’yo bang maging myembro ng D’ Bodies? Kung mayro’n kayong body beautiful, pleasing ang personality, may height na 5’5" at marunong mag-sing and dance, call up Stephanie Gamboa sa 4111271/4134118 at baka ito na ang hinihintay n’yong break.
* * *
Magdaraos ang ASTRVM Scientis Sorority ng kanilang ika-33rd anniversary sa August 14. Tema ng kanilang selebrasyon ay "Rekindling the Sparkle of ASTRVM Scientis".

Bilang paunang pagdiriwang, isang dinner/fashion show ang idaraos mamayang gabi sa pakikipagtulungan ng Starquest Entertainment Production at Trevina Fashion Network sa Djaka Bar & Restaurant sa Tomas Morato, QC, 7:00 NG. Tampok ang mga disenyo ni Vekart Adrao sa direksyon ni Gilbert B. Dickenson.

Layunin ng organisasyon na makalikom ng pondo para sa misyong medikal na isasagawa nila sa maximum prison ng Muntinlupa. Tumawag sa 09198789636 (Apple Sabareza) at 09159006718 (Nathanelle Calimlim).

vuukle comment

APPLE SABAREZA

DJAKA BAR

GALAXY RECORDS

GILBERT B

GOIN BULILIT

HANGGANG LANGIT

IGYBOY FLORES

RICA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with