^

PSN Showbiz

Bunsong anak ng actor, bininyagan na

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mabibilang lang sa daliri ang tunay na nakakaalam tungkol sa pamilya ng sikat na dramatic actor. Nang pumasok ito ng showbiz ay alam ng mga tao na binata siya kaya inili-link ito sa kanyang nakakapareha sa pelikula.

Pero kamakailan ay bininyagan ang kanyang bunsong anak kung saan star-studded ang selebrasyon dahil puro taga-showbiz ang mga ninong at ninang. Masaya naman ang kanyang pamilya at magkasundo sila ng karelasyong non-showbiz girl.

Sorry na lang ang pag-iilusyon sa kanya ng mga bading at matrona dahil faithful ito sa kanyang mag-iina.

Ang actor na ito ay nali-link din sa kapwa niya actor.
Ronnie-Mariz, Gusto Nang Mag-Migrate Kakwentuhan ko sa Rembrandt Hotel ang isang taong malapit sa pamilya ni Ronnie Ricketts at nasabi nitong kapag wala talagang nangyari sa showbiz career ng aktor sa taong ito ay baka mag-migrate na sa Amerika ang pamilya ng aktor two years from now.

Ayon pa sa kausap ko, narun nang lahat ang pamilya ni Ronnie sa Amerika at matatag ang negosyo ng mga ito na real estate.

Pero nagsusyuting ngayon si Ronnie ng pelikulang ilalahok sa Metro Manila Film Festival para sa January playdate. Titled Lagot Ka Sa Kuya Ko na tatampukan din nina Mariz, Nadine Samonte, Angelica Jones under Rocketts Films. Makakasama rin sa said movie ang dalawang anak nina Mariz at Ron na sina Marie at Marella.

Namamayagpag ngayon ang beauty ni Angelica Jones dahil sa rami ng iniindorsong produkto. Karagdagan sa kanyang Jansen Beauty Product, James Beauty Product, Hitachi International, White Cat, Tito Aga Resto, Bodega ng Bayan at ang pagiging endorser ng Index Beauty Salon at ng lahat ng magiging franchise nito, ang pinakabagong international brand ng alak.

Simple lang ang ibinigay na dahilan kung bakit siya ang paboritong kuning endorser ng iba’t ibang produkto. Itinuturing siyang lucky charm ng mga ito. Katunayan sabi nga ng founder ng Index Salon na mula nang kunin nilang endorser ang aktres ay nagkasunud-sunod na ang kumukuha ng franchise nito.

Di sinasadyang nakita namin ang motorcade ng aktres sa Gagalangin para sa Index Salon kung saan kasalukuyan kaming tumitingin ng sala set sa isang furniture shop na malapit dun. Talagang nagkabuhul-buhol ang trapic sa rami ng mga taong gustong makita ang aktres ng personal.

Malayo na rin ang nararating ni Angelica di gaya ng ibang aktres na kasabayan nito na nangulimlim na ang career.
Reggie, Crush Si Ara
Nakakwentuhan namin si Reggie Curley sa premiere night ng Mga Pusang Gala.

Tanong namin sa gwapong aktor kung posible ba siyang ma-inlove at magkaroon ng relasyon sa isang mas matanda sa kanya, like Irma Adlawan na partner niya sa Mga Pusang Gala?

Sey nito "Twenty six na ako pero yung girl sana mas matanda lang sa akin ng ilang taon gaya ng mga thirty years old. Huwag naman yung sobrang tanda kaysa sa akin."

Inamin nito na crush niya si Ara Mina noon pa man kaya siguro posible siyang ma-inlove sa aktres na matanda sa kanya ng kaunti.
Movie Ni Vhong, Ratsada
Nanonood kami nung Lunes ng gabi ng pelikulang D’ Anothers para alamin kung totoo ngang rumatsada ito sa takilya. Puno pa rin ang SM North Edsa at pami-pamilya ang pumapasok sa sinehan. May following talaga si Vhong Navarro kung saan kinakagat ng mga manonood ang kanyang pagpapatawa lalo na ng mga bagets. Balitang naka-P10M ito noong Lunes at ayon sa taga-Star Cinema nakaka-P25M na ito sa loob ng limang araw.

vuukle comment

AMERIKA

ANGELICA JONES

ARA MINA

CRUSH SI ARA

GUSTO NANG MAG-MIGRATE

INDEX SALON

MGA PUSANG GALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with