Mga Pinoy pero imported from London
August 4, 2005 | 12:00am
Apat na mga kabataang babae ang bumubuo ng grupong Chickitas na siyang nasa likod ng mabilis na sumisikat na awitin at dance craze na "Do the Chicky, Chicky Dance", unang pinasikat ng the Dance Squad at carrier song ng kanilang album.
Sila sina Christina, Angelica, Rachel at Mocca, edad 9 hanggang 12 at dinala ng Candid Records sa bansa mula sa London na kung saan sila ay isinilang at naninirahan kasama ang kanilang mga magulang.
Hindi nakakapagsalita ng Tagalog ang apat pero Pinoy na Pinoy sila sa kanilang mga ugali, lalo na sa pagkain na ang madalas nilang hilingin sa kanilang mga ina na iluto ay sinigang na baboy at adobo.
Sa London ay sikat na sikat na ang apat sa mga Filipino communities lalo na nang i-release ng Zone 7, ang label imprint dun ng Candid Records, ang kanilang self-titled album na naglalaman ng 16 na kids classic at originals tulad ng "Yellow Submarine", "Id Like to Teach the World to Sing", "My Boy Lollipop," atbp.
Mapapanood ang Chickitas sa Ever Ortigas (Agosto 5), Robinsons Dasmariñas (Agosto 6), Robinsons Metro East (Agosto 7), SM Dasmariñas (Agosto 9), SM Lucena (Agosto 11), Ever Manila (Agosto 12), Robinsons Imus ( Agosto 13), Storyland SM Fairview (Agosto 14), SM Batangas (Agosto 16), Metropolis Alabang (Agosto 19), Robinsons Pampanga (Agosto 20), Odyssey Magic Mall Pampanga (Agosto 21), SM Baguio (Agosto 22), SM Pampanga (Agosto 23), SM Southmall (Agosto 25), SM Marilao (Agosto 26), Ever Commonwealth (Agosto 27), Enchanted Kingdom (Agosto 28), Starmall Edsa ( Agosto 30) at SM Bacoor (Agosto 31).
Bawat benta ng CD ng Chickitas, P10 ay mapupunta sa Bantay Bata Foundation 165 at P5 naman sa bawat benta ng CD-lite.
Naimbita ako at ilang entertainment writers sa ginawang monthly finals ng Radyo Uno at Select ng DZME, ang Select a Star Singing Showdown hosted by Aileen and Bungyaw. Hindi pa napipili ang winner ay talagang patok na agad sa amin ang nanalo na si Faye Semillano, 16 yrs. old at isang nursing student.
Bukod sa magaling itong kumanta at maganda pa rin, pwedeng-pwedeng maging artista. Sa December ay babalik ito para makipag-compete sa grand finals.
Samantala ang host na si Bungyaw ay may isa pa ring programa sa nasabing istasyon na pinamagatang Kabuhayan Klik. Tuwing Linggo ay lumilibot sila ng kasamang Rey Pumaloy sa mga palengke na kung saan ay pumipili sila ng 3 mapapalad na market vendor at pinagkakalooban ng P500 at mga produkto ng Select, ang toyo na may slogan na "Toyo pa lang ay ulam na."
Bagaman at may mataas na kalidad ang nasabing panglahok at panimpla ng mga lutuin, hindi ito agad natatagpuan sa mga supermarkets o tindahan sapagkat available pa lamang ito sa Metro Manila Quezon at Batangas. Hindi madagdagan ng mga nagmamanufacture nito, (isa itong family business na minamaneho ni Manuel Sy Peng, Jr. simula pa nung 1958) ang bilang ng inilalabas nilang produkto dahil baka hindi nila makaya ang gastos at mabawasan lamang ang kalidad nito. May suka rin ang Select. Ang gumagawa nito ay ang naglalabas din ng Dolux Bleach.
Palabas na sa Sabado at Linggo, August 5 & 6, sa Music Museum, ang The Love Concert ni Nonoy Zuñiga.
Isang produksyon ito ng Viva Concerts na magtatampok ng mga awitin mula sa "The Love Album" ni Nonoy na isa nang certified gold.
Dalawang hit singles na ang nagmula rito, ang "Too Shy To Say" at "Moonriver". Ang iba pang awitin dito ay ang "What Matters Most", "Ill Be Seeing You", "Someone Who Cares", "The Way You Look Tonight", "I Wanna Be Free", "If", "I Only Have Eyes For You" at marami pang iba.
Aawitin din ni Nonoy sa concert ang mga una niyang hit recordings. Makakasama niya si Rachelle Ann Go at iba pang mga sorpresang panauhin.
Sila sina Christina, Angelica, Rachel at Mocca, edad 9 hanggang 12 at dinala ng Candid Records sa bansa mula sa London na kung saan sila ay isinilang at naninirahan kasama ang kanilang mga magulang.
Hindi nakakapagsalita ng Tagalog ang apat pero Pinoy na Pinoy sila sa kanilang mga ugali, lalo na sa pagkain na ang madalas nilang hilingin sa kanilang mga ina na iluto ay sinigang na baboy at adobo.
Sa London ay sikat na sikat na ang apat sa mga Filipino communities lalo na nang i-release ng Zone 7, ang label imprint dun ng Candid Records, ang kanilang self-titled album na naglalaman ng 16 na kids classic at originals tulad ng "Yellow Submarine", "Id Like to Teach the World to Sing", "My Boy Lollipop," atbp.
Mapapanood ang Chickitas sa Ever Ortigas (Agosto 5), Robinsons Dasmariñas (Agosto 6), Robinsons Metro East (Agosto 7), SM Dasmariñas (Agosto 9), SM Lucena (Agosto 11), Ever Manila (Agosto 12), Robinsons Imus ( Agosto 13), Storyland SM Fairview (Agosto 14), SM Batangas (Agosto 16), Metropolis Alabang (Agosto 19), Robinsons Pampanga (Agosto 20), Odyssey Magic Mall Pampanga (Agosto 21), SM Baguio (Agosto 22), SM Pampanga (Agosto 23), SM Southmall (Agosto 25), SM Marilao (Agosto 26), Ever Commonwealth (Agosto 27), Enchanted Kingdom (Agosto 28), Starmall Edsa ( Agosto 30) at SM Bacoor (Agosto 31).
Bawat benta ng CD ng Chickitas, P10 ay mapupunta sa Bantay Bata Foundation 165 at P5 naman sa bawat benta ng CD-lite.
Bukod sa magaling itong kumanta at maganda pa rin, pwedeng-pwedeng maging artista. Sa December ay babalik ito para makipag-compete sa grand finals.
Samantala ang host na si Bungyaw ay may isa pa ring programa sa nasabing istasyon na pinamagatang Kabuhayan Klik. Tuwing Linggo ay lumilibot sila ng kasamang Rey Pumaloy sa mga palengke na kung saan ay pumipili sila ng 3 mapapalad na market vendor at pinagkakalooban ng P500 at mga produkto ng Select, ang toyo na may slogan na "Toyo pa lang ay ulam na."
Bagaman at may mataas na kalidad ang nasabing panglahok at panimpla ng mga lutuin, hindi ito agad natatagpuan sa mga supermarkets o tindahan sapagkat available pa lamang ito sa Metro Manila Quezon at Batangas. Hindi madagdagan ng mga nagmamanufacture nito, (isa itong family business na minamaneho ni Manuel Sy Peng, Jr. simula pa nung 1958) ang bilang ng inilalabas nilang produkto dahil baka hindi nila makaya ang gastos at mabawasan lamang ang kalidad nito. May suka rin ang Select. Ang gumagawa nito ay ang naglalabas din ng Dolux Bleach.
Isang produksyon ito ng Viva Concerts na magtatampok ng mga awitin mula sa "The Love Album" ni Nonoy na isa nang certified gold.
Dalawang hit singles na ang nagmula rito, ang "Too Shy To Say" at "Moonriver". Ang iba pang awitin dito ay ang "What Matters Most", "Ill Be Seeing You", "Someone Who Cares", "The Way You Look Tonight", "I Wanna Be Free", "If", "I Only Have Eyes For You" at marami pang iba.
Aawitin din ni Nonoy sa concert ang mga una niyang hit recordings. Makakasama niya si Rachelle Ann Go at iba pang mga sorpresang panauhin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended