Kris at bf, nag-guest sa isang programa ng GMA!
August 3, 2005 | 12:00am
Gaano katotoo na disappointed daw ang GMA management sa programang Bubble Gang Jr. dahil parati na lang itong natatalo sa ratings ng Goin Bulilit?
Hindi rin naging maganda ang ratings nung Linggo dahil bukod tanging ang naturang programa lang ang natalo sa ratings kung saan ito pa ang first appearance ni Marvin Agustin sa Kapuso network kasama ang ex loveteam na si Jolina Magdangal.
Bibigyan daw ng chance ang Bubble Gang Jr. hanggang September at kapag hindi pa rin daw ito nag-rate ay magba-babu na ito sa ere at ie-extend ang oras ng Mahiwagang Baul na siyang humahataw sa rating games ngayon pag araw ng Linggo.
Kayat ang mga bagets sa Bubble Gang Jr. ay mapapanood din sa Mahiwagang Baul na nung unang plano ay seven episodes lang, but since maganda ang ipinakikita nitong performance ay na-extend ito.
Habang nagtitipa kami kahapon, Martes, ay tinext kami ng staff ng Now and Forever na nakasagasa raw ang actor na si Cogie Domingo sa Tagaytay City kahapon (Martes) ng madaling araw.
Pabalik na ng Maynila ang actor nung mabundol niya ang traysikel drayber na hindi raw niya napansin dahil medyo madilim pa sa lugar.
In fairness, kaagad namang itinakbo ni Cogie ang biktima sa malapit na ospital sa naturang lugar at kasalukuyan pang ini-examine kung mapuputulan ng paa ang nasagasaan.
Mukhang hindi maganda ang buwan ng July at August kay Cogie dahil last month ay may babaeng nagki-claim na nabuntis niya at nanganak na ngayon at itinanggi naman ng actor.
At pangalawang araw palang ng buwan ng Agosto ay hetot nakabundol naman siya?
Parang may ibig sabihin ang episode title ng Now and Forever na Ganti kay Cogie, ah?
Kung hindi babaguhin ang plano ay mapapanood sina Kris Aquino at ang boyfriend niyang si James Yap sa programang Mobile Kusina ni Christine Jacob sa GMA 7 this coming Friday.
Ginanap ang taping ng Mobile Kusina sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila kahapon, Martes ng umaga kung saan nagkagulo ang mga tinderot tindera kasama na ang mga manghuhula na nago-offer pa ng libreng hula kina Kris at James.
Si James ang titikim ng nilutong Humba at Purefoods chunky corned beef (San Miguel Corporation) nilaga ni Tetay at aalamin ni Christine sa kanya (James) kung pasado na ba ang mga niluto ng future wife.
Marahil ay magtataka ang lahat kung bakit at paano napapayag ang host ng mga programang Pilipinas, Game K N B at The Buzz na lumabas sa kalabang istasyon gayung very vocal itong nagsasabing "My heart belongs to Kapamilya network", ibig sabihin ay sobrang loyal niya sa ABS-CBN.
Pero wala siyang magawa dahil maski na exclusive contract siya ng Dos ay naka-kontrata naman siya sa San Miguel Corporation na siyang sponsor ng Mobile Kusina sa GMA 7.
And what a coincidence dahil ang mga staff ng Mobile Kusina ay siya ring staff ng Startalk na ang unang host ay si Kris din na iniwan ang programa noon para lumipat ng Dos, so reunion ito?
Pinadalhan pala ng ABS-CBN management ng warning letter ang programang Startalk dahil na-interview nila si Hero Angeles na umere last Saturday.
Ipinapaalala ng Dos na naka-kontrata pa rin ng exclusive sa kanila si Hero hanggang year 2007 at anuman ang nangyayaring hindi maganda sa pagitan ng Dos at ni Hero ay sila rin ang may karapatan sa kanya.
At kung hindi kami nagkakamali ay sasagutin ng Startalk ang sulat na si Hero raw ang nagpa-interview sa kanila dahil kinunan ito sa hearing nila ni Ms. Cristy Fermin sa Pasig Regional Trial Court para sa kasong libelo na isinampa ng actor sa kilalang tv host/kolumnista.
Walang pilitang nangyari sa pagitan ng Startalk at ng kampo ni Hero dahil news item ang pagkakaulat ng programa. REGGEE BONOAN
Hindi rin naging maganda ang ratings nung Linggo dahil bukod tanging ang naturang programa lang ang natalo sa ratings kung saan ito pa ang first appearance ni Marvin Agustin sa Kapuso network kasama ang ex loveteam na si Jolina Magdangal.
Bibigyan daw ng chance ang Bubble Gang Jr. hanggang September at kapag hindi pa rin daw ito nag-rate ay magba-babu na ito sa ere at ie-extend ang oras ng Mahiwagang Baul na siyang humahataw sa rating games ngayon pag araw ng Linggo.
Kayat ang mga bagets sa Bubble Gang Jr. ay mapapanood din sa Mahiwagang Baul na nung unang plano ay seven episodes lang, but since maganda ang ipinakikita nitong performance ay na-extend ito.
Pabalik na ng Maynila ang actor nung mabundol niya ang traysikel drayber na hindi raw niya napansin dahil medyo madilim pa sa lugar.
In fairness, kaagad namang itinakbo ni Cogie ang biktima sa malapit na ospital sa naturang lugar at kasalukuyan pang ini-examine kung mapuputulan ng paa ang nasagasaan.
Mukhang hindi maganda ang buwan ng July at August kay Cogie dahil last month ay may babaeng nagki-claim na nabuntis niya at nanganak na ngayon at itinanggi naman ng actor.
At pangalawang araw palang ng buwan ng Agosto ay hetot nakabundol naman siya?
Parang may ibig sabihin ang episode title ng Now and Forever na Ganti kay Cogie, ah?
Ginanap ang taping ng Mobile Kusina sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila kahapon, Martes ng umaga kung saan nagkagulo ang mga tinderot tindera kasama na ang mga manghuhula na nago-offer pa ng libreng hula kina Kris at James.
Si James ang titikim ng nilutong Humba at Purefoods chunky corned beef (San Miguel Corporation) nilaga ni Tetay at aalamin ni Christine sa kanya (James) kung pasado na ba ang mga niluto ng future wife.
Marahil ay magtataka ang lahat kung bakit at paano napapayag ang host ng mga programang Pilipinas, Game K N B at The Buzz na lumabas sa kalabang istasyon gayung very vocal itong nagsasabing "My heart belongs to Kapamilya network", ibig sabihin ay sobrang loyal niya sa ABS-CBN.
Pero wala siyang magawa dahil maski na exclusive contract siya ng Dos ay naka-kontrata naman siya sa San Miguel Corporation na siyang sponsor ng Mobile Kusina sa GMA 7.
And what a coincidence dahil ang mga staff ng Mobile Kusina ay siya ring staff ng Startalk na ang unang host ay si Kris din na iniwan ang programa noon para lumipat ng Dos, so reunion ito?
Ipinapaalala ng Dos na naka-kontrata pa rin ng exclusive sa kanila si Hero hanggang year 2007 at anuman ang nangyayaring hindi maganda sa pagitan ng Dos at ni Hero ay sila rin ang may karapatan sa kanya.
At kung hindi kami nagkakamali ay sasagutin ng Startalk ang sulat na si Hero raw ang nagpa-interview sa kanila dahil kinunan ito sa hearing nila ni Ms. Cristy Fermin sa Pasig Regional Trial Court para sa kasong libelo na isinampa ng actor sa kilalang tv host/kolumnista.
Walang pilitang nangyari sa pagitan ng Startalk at ng kampo ni Hero dahil news item ang pagkakaulat ng programa. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended