^

PSN Showbiz

Is Paolo Ballesteros gay?

-
Ngayong araw ang taping ni Marvin Agustin kasama si Jolina Magdangal sa Bubble Gang Jr studio ng GMA 7 at nakatakda itong iere sa Sabado, August 7.

Masama raw ang loob ng actor sa ABS-CBN nu’ng hindi siya isinama sa soap dramang Gulong Ng Palad ni Kristine Hermosa kaya’t nagdesisyon na siyang lumipat ng istasyon.

Dagdag pa, nakipag-usap na raw si Marvin sa kanyang consultant na si Enrico Santos na lilisanin na niya ang Dos dahil sa mga sama ng loob niya.

Hindi maitatangging isa si Marvin sa mga talent ng ABS-CBN na sinasabi mismo ng mga ka-trabaho niyang ‘anak siya ng Diyos’ dahil marami siyang regular shows noon tulad ng Star Dance, ETK at Most Requested Show. At dahil hindi sanay na walang trabaho bukod pa sa alam naman ng lahat na kailangan din niya dahil soon ay lalabas na ang kambal niyang anak sa isang anak ng pulitiko kaya marahil siya na mismo ang gumawa ng paraan para mapasok sa GMA 7 at hindi naman siya nabigo.

Kung hindi babaguhin ang plano ay mangingibang bansa raw muna ang actor para magpahinga at pagbalik ay saka raw pipirma ng kontrata sa Siete sabay announce na Kapuso na siya with the help of his new manager, Gina Valenciano-Martinez of Genesis Entertainment.
* * *
Tawa rin ang isinagot sa amin ni Paolo Ballesteros sa isyung ginagamit nila ni Ciara Sotto ang kunu-kunong loveteam nila para raw magkaroon ng isyu at projects.

"Actually, hindi naman sadya ‘yun, tinutukso lang kami sa Bulagaan, nag-click, pinanindigan na namin. Dati nu’ng wala si Ciara, kay Gladys Guevarra ako pina-partner, e, nu’ng nandito na si Ciara, sa kanya na lang kasi mas bagay daw kami kasi hindi nagkakalayo ang edad namin," kuwento ni Paolo sa amin.

Naisip ba niyang magiging girlfriend si Ciara someday?

"Ideal girl ko siya, kasi nasa kanya ‘yung mga gusto ko, pero hindi ko inisip na maging kami o manligaw ako, kaso right now, priority ko career kasi marami pa akong obligasyon sa family ko, I’m building them a house of their own sa probinsiya, hindi naman kami ganu’n kahirap, gusto ko lang may sarili silang bahay, kasi ‘yung tinitirhan namin sa probinsya, sa lola ko, compound kasi ‘yun. Gusto ko sarili nilang bahay at lupa.

"Ako naman kasi right now, I already acquired na my own townhouse dito sa Quezon City. ‘Yun talaga ang inuna namin ng mama ko, to have my own house, mahirap mangupahan kasi, magastos.

"After siguro ng mga obligations ko, doon ko palang iisipin kung gusto ko ng pumasok sa isang relasyon, kasi hindi pa rin ako graduate ng college, two more years pa ako sa Masscom, so I have to finish pa, para may fallback ako if ever hindi na ako click sa showbiz," paliwanag pa ng binata.

Apat na taon palang ang actor/tv host/singer sa showbiz, pero marami na siyang investments at ayaw na niyang banggitin pa kung anu-ano ‘yun, "Magaling lang humawak ng pera ang mama ko," dugtong niya.

Si Paolo ang bunso at nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid at lumalabas na siya ang kuya at tatay sa pamilya dahil at a very young age, naghiwalay na ang parents niya at nasa ibang bansa na ngayon ang ama.

So, nag-iisang boy pala siya in the family, kaya pala malamya siya at may isyung gay siya.

Diretsahan naming tinanong ang binata, "Are you gay?"

At mabilis niya kaming sinagot ng, "I’m not! Maraming isyung lumabas and I’m aware of that, it doesn’t bother me, kasi kilala ko sarili ko, bahala sila kung ano ang isipin nila sa akin, basta ako, I’m secure sa pagkatao ko." Reggee Bonoan

vuukle comment

AKO

BUBBLE GANG JR

CIARA

CIARA SOTTO

ENRICO SANTOS

KASI

MARVIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with