Jed, Rizza to represent RP sa World Championship of Performing Arts
July 31, 2005 | 12:00am
Sina Rizza Navales at Jed Madela ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa darating na World Championship of Performing Arts na itatanghal sa Burbank, California, USA, Agosto 3 hanggang Agosto 12.
Ang sanlinggong timpalak ng mga pinakamahuhusay na performers at entertainers sa buong mundo ay magtatampok sa kalahok galing sa 40 bansa.
Si Jed Madela ay minsan nang nagwagi ng Silver Prize sa Voice of Asia International Song Festival, kung saan 18 bansa ang sumali.
Si Rizza Navales naman na kalalabas lang ng self-titled album mula sa Universal Records ay kilala bilang isa sa ating mga female singers with a most powerful voice. Bukod sa mataas ang range ni Rizza, buong-buo ang kanyang boses at malamig ang dating sa nakikinig.
Sa singing division ng sinabing olympics of performing arts ay maraming kategorya tulad ng pop, R&B, gospel, contemporary at original music na gawa sa mismong bansa ng kalahok.
Kapwa lalahok sa maraming category sina Rizza at Jed, bukod sa kasali rin sila sa duet competition.
Ang mga kakantahin ni Rizza ay "Ikaw Lang Ang Mamahalin (original music), "Work It Out" (contemporary), "Memory" (Broadway category) at "Without You" (R&B).
Ang mga lahok naman ni Jed ay "Take Me Out Of The Dark" (gospel), "Be My Lady" (original music), "I Dont Wanna Miss A Thing" (contemporary) "The Search Is Over" (pop) at "Home" (Broadway).
Sa duet competition naman ay magkasaliw na kanta ng "Broken Vow" at "Im Your Angel."
Ang pagpapadala ng mga official delegates ng bansa sa Burbank at Hollywood ay sponsored ng PAGCOR, GM Proponents of Artists, Dewberry Coffee, Philippine Star at Universal Records.
Ngayon pa lamang ay sinasanay na sina Rizza at Jed ni Director Freddie Santos, na kasama sa grupong kinabibilangan nina Ida Henares ng GMA Artist Center, Michael Chiong, ang Team Philippines organizer at ang mga road managers na sina Jeanette Co at Vince Tajanlangit.
Magbubukas na ang bagong Elbow Room sa Metrowalk sa Agosto 11. Inaasahan na maraming mga celebrities ang dadalo sa grand opening ng one stop resto bar/recreation center.
Meron 18 billiard tables na pawang imported, apat na VIP rooms with individual billiard tables and videoke, at isang very spacious na resto-bar ang bubuksang Elbow Room.
Malapit na rin magkaroon ng Celebrity Open Billiards Tournament ang Elbow Room. Lahat ng mga artista sa pelikula at TV mga singers, at mga sport stars ay inaanyayahang sumali. Walang entrance fee.
Sa mga interesado, tumawag sa telephone numbers 634-1404 at 635-2881, kay Cynthia o Myles.
Condolence to Piolo Pascual, sa pagkamatay ng kanyang lola (mother ng mama niya) na si Pacita Nonato, na nakaburol sa Sacred Heart chapel sa Kamagong, Makati.
Kababalik lang sa States ng mother ni Piolo pero, bumalik ulit ng bansa nang mamatay ang kanyang 101 years old mother.
Ngayong Linggo ang libing ni Lola Pacita.
Ang sanlinggong timpalak ng mga pinakamahuhusay na performers at entertainers sa buong mundo ay magtatampok sa kalahok galing sa 40 bansa.
Si Jed Madela ay minsan nang nagwagi ng Silver Prize sa Voice of Asia International Song Festival, kung saan 18 bansa ang sumali.
Si Rizza Navales naman na kalalabas lang ng self-titled album mula sa Universal Records ay kilala bilang isa sa ating mga female singers with a most powerful voice. Bukod sa mataas ang range ni Rizza, buong-buo ang kanyang boses at malamig ang dating sa nakikinig.
Sa singing division ng sinabing olympics of performing arts ay maraming kategorya tulad ng pop, R&B, gospel, contemporary at original music na gawa sa mismong bansa ng kalahok.
Kapwa lalahok sa maraming category sina Rizza at Jed, bukod sa kasali rin sila sa duet competition.
Ang mga kakantahin ni Rizza ay "Ikaw Lang Ang Mamahalin (original music), "Work It Out" (contemporary), "Memory" (Broadway category) at "Without You" (R&B).
Ang mga lahok naman ni Jed ay "Take Me Out Of The Dark" (gospel), "Be My Lady" (original music), "I Dont Wanna Miss A Thing" (contemporary) "The Search Is Over" (pop) at "Home" (Broadway).
Sa duet competition naman ay magkasaliw na kanta ng "Broken Vow" at "Im Your Angel."
Ang pagpapadala ng mga official delegates ng bansa sa Burbank at Hollywood ay sponsored ng PAGCOR, GM Proponents of Artists, Dewberry Coffee, Philippine Star at Universal Records.
Ngayon pa lamang ay sinasanay na sina Rizza at Jed ni Director Freddie Santos, na kasama sa grupong kinabibilangan nina Ida Henares ng GMA Artist Center, Michael Chiong, ang Team Philippines organizer at ang mga road managers na sina Jeanette Co at Vince Tajanlangit.
Meron 18 billiard tables na pawang imported, apat na VIP rooms with individual billiard tables and videoke, at isang very spacious na resto-bar ang bubuksang Elbow Room.
Malapit na rin magkaroon ng Celebrity Open Billiards Tournament ang Elbow Room. Lahat ng mga artista sa pelikula at TV mga singers, at mga sport stars ay inaanyayahang sumali. Walang entrance fee.
Sa mga interesado, tumawag sa telephone numbers 634-1404 at 635-2881, kay Cynthia o Myles.
Kababalik lang sa States ng mother ni Piolo pero, bumalik ulit ng bansa nang mamatay ang kanyang 101 years old mother.
Ngayong Linggo ang libing ni Lola Pacita.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am