^

PSN Showbiz

Cesar hindi extra sa $80M US movie!

- Veronica R. Samio -
Kung marami sa ating mga local actors ang nabibigyan ng pagkakataong makalabas sa mga Hollywood movies pero, maiikli ang mga roles, kundi man walk on parts lamang, ayon sa American producer na si Marty Katz na supervising producer ng The Great Raid, ang pelikula ng Miramax na nagtatampok kay Cesar kasama ang mga malalaking artista sa Hollywood na sina Benjamin Bratt, James Franco at Joseph Fiennes, Connie Nielsen at ang Fil-Australian na si Natalie Jackson-Mendoza, ang role ng Pinoy actor bilang Capt. Juan Pajota na namuno ng mga guerrilla na nagligtas sa mga POW na napiit sa Cabanatuan ay malaki at isa sa mga major roles sa movie na base sa totoong istorya ng ginawang pagliligtas sa mga American POWs mula sa isang Japanese concentration camp sa Cabanatuan, Nueva Ecija nung 1945. Ang iba pang Pinoy na may mahalagang roles sa movie ay sina Rommel Montano, Ebong Joson, Mars Cavestany, RJ Leyran at ang FilAm na si Paolo Montalban.

Ang pelikula na pinamagatang The Great Raid at ginastusan ng US$80M ay magkakaro’n ng Manila premiere sa August 8 sa PICC. Nung July 28, nagkaro’n ito ng world premier sa Washington DC. Dumalo dito si Cesar.
* * *
Isang talent ng ABS CBN Star Magic ang sixteen years old na si Janelle Quintana. Mag-isa siyang namumuhay dito sa Maynila, malayo sa kanyang mga magulang na nasa Bicol. Kasama lamang niya rito ang kanyang yaya.

Isang Star Circle National Teen Quest finalist si Janelle na unang napanood sa SCQ Reload. Regular siyang napapanood sa Fanatic All-Star at sa sisimulang Vietnam Rose na palaging naghahabol kay Jason Abalos.

Hindi na humihingi ng pera sa kanyang mga magulang si Janelle. Self-supporting siya at matipid siya para mapagkasya niya ang kanyang kita. Nasa 3rd year high school siya sa home study program.
* * *
May bagong panoorin na naman ang mga kabataan sa GMA7. Ito ang anime na Fullmetal Alchemist, tungkol sa paghahanap ng dalawang anak (Alphonse at Edward Eric) sa kanilang namatay na ina. Tatangkain nilang ibalik ito sa pamamagitan ng ipinagbabawal na pamamaraan ng human alchemy. Pero bawat paggamit nito ay may katumbas, kaya’t mawawalan ng binti ang isa at ang buong katawan naman ng ikalawa. Interesting di ba?

Ang Fullmetal Alchemist ay mapapanood na tuwing Linggo ng umaga pagkatapos ng Dragon Ball GT. Isa itong hit sa Japan, kasama sa Top 5. Bahagi ito ng anime series ng GMA na magsisilbing bonding para sa lahat ng myembro ng pamilya na sama-samang uupo para sa ilang mga oras ng panonood.

BENJAMIN BRATT

CABANATUAN

CONNIE NIELSEN

DRAGON BALL

EBONG JOSON

EDWARD ERIC

FULLMETAL ALCHEMIST

GREAT RAID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with