Tagumpay ng Pinoy singer sa Japan, nabiyayaan ang bansa at ibang Pinoy
July 29, 2005 | 12:00am
Sumikat si Bobby Valle (Robert Vale ngayon na totoo niyang pangalan) bilang singer and recording artist ng Valley Records nung 80s. Pinalad siyang makuha para kumanta sa bansang Hapon na kung saan ay hindi na siya nakabalik ng bansa sapagkat dun na siya gumawa ng career. Naging matagumpay naman siya dun at nakapagtayo pa ng sarili niyang mga negosyo, dalawang club, na magkasama nilang pinatatakbo ng kanyang asawang Haponesa na si Chieko Kimura.
Marami ring mga Pinoy ang nagawang madala ni Bobby sa bansang Hapon para mag-entertain sa kanyang dalawang club. Pinili niyang dalhin yung mga may talino na nabibilang sa mahihirap na pamilya. At mga kababayan niyang Bisaya. Ngayon, marami sa kanila ang maunlad na ang buhay dahilan sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng singer.
Nasa bansa ngayon si Bobby at dito naman nagtatayo ng sarili niyang negosyo. Mahigit dalawang taon na siyang pabalik-balik dahil ipinatayo niya ang Kimura Vale Entertainment Center na pormal nang bubuksan sa publiko sa Agosto 8. Mga kilalang tao mula sa pribadong sektor at gobyerno ang kinuha ng mag-asawang Bobby at Chieko para siyang gumupit ng ribbon.
Ang building ay may walong palapag at pinangalanang Kimura Shoji Building. Matatagpuan ito sa 1971 Leon Guinto St., Malate, Manila. Mayron itong theater, fine dining restaurant (Maku Hari) at isang coffee shop (Kape Cafe) sa lobby na kung saan ay itatampok ang The Raging Divas kasama sina Romano Vasquez at Bari Bari Power Dancers ngayong 9:00 NG. Una nang itinampok dito si Marissa Sanchez nung July 15.
Matatagpuan din sa building ang marangyang opisina nina Bobby at Chieko at, ang kanilang Promotions Agency. Mayron ding sariling canteen sa loob ang mga empleyado at patahian na siyang gumagawa ng lahat ng costumes ng talents na patuloy na ipinadadala sa bansang Hapon at nagbibigay ang revenues sa gobyerno at maging yung mga nagpi-perform locally.
Kawawa naman si kasamang Vir Gonzales. May nagpapanggap at gumagamit ng kanyang pangalan at nanghihingi ng pera sa mga celebrities dahil b-day daw nito, gayong sa Setyembre pa ang birthday ng totoong Vir Gonzales. Nakapunta na ito at nakapanghingi ng pera sa opisina ni Navotas Mayor Toby Tiangco at Pocholo Mallilin, isa sa may-ari ng Club Mwah.
Nasa pahinang ito ang larawan ng totoong Vir Gonzales na mas gugustuhin pang mamatay sa gutom kesa manghingi ng pera sa hindi niya pamilya, kaya pinag-iingat ang lahat sa kanyang impostor.
Mapapanood na sa Linggo, sa SOP, ang launch ng GMA Pinoy TV na ginanap sa San Francisco, sa Bill Graham Civic Auditorium, nung Linggo, Hulyo 23.
Seven thousand daw ang seating capacity ng auditorium pero, 8,000 na Fil-Ams ang sinasabing dumagsa rito para makisaya. Kaya kinailangan pang magdagdag ng production team ng halos 1,000 pang mga upuan para ma-accommodate ang lahat.
Pinangunahan ang pagtatanghal nina Regine Velasquez, Jaya, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Richard Gomez, Rufa Mae Quinto, Joey de Leon, German Moreno, Mel Tiangco, Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Karylle, KC Montero, Gabby Eigenmann, Malik, Chynna Ortaleza, Mark Herras, Jennylyn Mercado at ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez.
Bukod sa SOP concert, isinabay na rin ang Fiesta GMA na pinangunahan nina Kuya Germs at Lucy Torres Gomez. Ginanap din it sa loob ng Bill Graham Civic Auditorium at nagtampok sa mga booths na may iba ibang gimik na handog. Talagang nag-enjoy ang lahat ng Kapuso.
Marami ring mga Pinoy ang nagawang madala ni Bobby sa bansang Hapon para mag-entertain sa kanyang dalawang club. Pinili niyang dalhin yung mga may talino na nabibilang sa mahihirap na pamilya. At mga kababayan niyang Bisaya. Ngayon, marami sa kanila ang maunlad na ang buhay dahilan sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng singer.
Nasa bansa ngayon si Bobby at dito naman nagtatayo ng sarili niyang negosyo. Mahigit dalawang taon na siyang pabalik-balik dahil ipinatayo niya ang Kimura Vale Entertainment Center na pormal nang bubuksan sa publiko sa Agosto 8. Mga kilalang tao mula sa pribadong sektor at gobyerno ang kinuha ng mag-asawang Bobby at Chieko para siyang gumupit ng ribbon.
Ang building ay may walong palapag at pinangalanang Kimura Shoji Building. Matatagpuan ito sa 1971 Leon Guinto St., Malate, Manila. Mayron itong theater, fine dining restaurant (Maku Hari) at isang coffee shop (Kape Cafe) sa lobby na kung saan ay itatampok ang The Raging Divas kasama sina Romano Vasquez at Bari Bari Power Dancers ngayong 9:00 NG. Una nang itinampok dito si Marissa Sanchez nung July 15.
Matatagpuan din sa building ang marangyang opisina nina Bobby at Chieko at, ang kanilang Promotions Agency. Mayron ding sariling canteen sa loob ang mga empleyado at patahian na siyang gumagawa ng lahat ng costumes ng talents na patuloy na ipinadadala sa bansang Hapon at nagbibigay ang revenues sa gobyerno at maging yung mga nagpi-perform locally.
Nasa pahinang ito ang larawan ng totoong Vir Gonzales na mas gugustuhin pang mamatay sa gutom kesa manghingi ng pera sa hindi niya pamilya, kaya pinag-iingat ang lahat sa kanyang impostor.
Seven thousand daw ang seating capacity ng auditorium pero, 8,000 na Fil-Ams ang sinasabing dumagsa rito para makisaya. Kaya kinailangan pang magdagdag ng production team ng halos 1,000 pang mga upuan para ma-accommodate ang lahat.
Pinangunahan ang pagtatanghal nina Regine Velasquez, Jaya, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Richard Gomez, Rufa Mae Quinto, Joey de Leon, German Moreno, Mel Tiangco, Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Karylle, KC Montero, Gabby Eigenmann, Malik, Chynna Ortaleza, Mark Herras, Jennylyn Mercado at ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez.
Bukod sa SOP concert, isinabay na rin ang Fiesta GMA na pinangunahan nina Kuya Germs at Lucy Torres Gomez. Ginanap din it sa loob ng Bill Graham Civic Auditorium at nagtampok sa mga booths na may iba ibang gimik na handog. Talagang nag-enjoy ang lahat ng Kapuso.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended