^

PSN Showbiz

Mga anak ni Melanie, pwedeng mag-artista lahat

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Lahat ng mga anak ay kasama ni Melanie Marquez sa condo maliban kay Manuelito na nag-aaral at nagtatrabaho rin sa Amerika. Kay gaganda ng dalawang anak na babae ni dating beauty queen kay Derek Dee. Ang panganay ay trese anyos at onse naman ang bunso. Ang dalawang anak niya sa Amerikano ay super gwapo rin at pwedeng mag-artista. Ang panganay ay tatlong taong gulang at dalawang taon naman ang bunso.

Ang kanyang anak sa Arabo na 20 years old ay artistahin din.

Binibiro nga si Melanie na iba’t ibang lahi o international ang kanyang mga anak na lahat ay puro may K kung gugustuhin nilang pasukin ang showbiz.

Nag-aaral ngayon ang aktres at kumukuha ng Business Management sa International Academy of Management and Economics. Lawyer ang American hubby ni Melanie kaya gusto nitong makatapos ng kurso para maipagmalaki rin siya ng kanyang mga anak.
Blind Item: Nagkaroon Ng Relasyon Ang Premyadong Aktres At Aktor
Inamin ng isang multi-awarded actress na ina ng sikat na komedyante at ex-wife ng isang aktor/TV host na nagkaroon pala sila ng relasyon ng isa ring magaling na aktor noon. Nagkatambal sila sa isang pelikula kung saan nagkalapit ang loob nila. Nagkaroon sila ng relasyon na lihim lang pero hindi naman ito nagtagal dahil sa pagiging pabling ng aktor kung saan niligawan naman ang leading lady sa sumunod na pelikula.

Natatawa na lang ang aktres kapag naaalala ang sexcapades nila ng guwapong aktor. Pareho pa ring visible sa telebisyon ang dalawa.

AMERIKA

AMERIKANO

BLIND ITEM

BUSINESS MANAGEMENT

DEREK DEE

INTERNATIONAL ACADEMY OF MANAGEMENT AND ECONOMICS

MELANIE

MELANIE MARQUEZ

NAGKAROON NG RELASYON ANG PREMYADONG AKTRES AT AKTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with