^

PSN Showbiz

Eat Bulaga, tuloy ang pamamayagpag

-
Kahit saan ka magpunta ngayon, mapa-palengke man, grocery, turu-turo, bus terminal, beauty parlor at iba’t ibang mall dito sa Mega Manila, lahat isa lang ang pinapanood, ang Eat Bulaga. At dahil ang noontime show na ito na ang tinangkilik ng ating mga kababayan mula nang mag-umpisa itong magsa-ere hanggang ngayon, consistent ito sa pagiging no. 1 noontime show ng ating bansa.

And last July 16, sa kanilang Saturday presentation, kung saan guest nila ang mga Jukebox Queens noong 80’s na sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire dela Fuente, na nakipag-duets sa mga pirated beauties ng EB na sina Gladys Guevarra, na inimpersonate si Eva, si Michael V na ginaya naman si Imelda at si Keempee de Leon naman na nag-ala-Claire, nagtala ng pinakamataas na rating ang nasabing longest-running noontime show-30% ang nakuhang rating ng mga ito kontra sa kanilang mga katapat na mga programa sa Dos, na parehong mga nangulelat sa ratings!

Marami rin ang naaliw noong araw na ‘yun sa showdown ng sikat na lead vocalist ng banda niya na si Bamboo versus Wangbu Jose Manalo. Marami rin siyempre ang tumutok sa Kayang-Kaya Mo ‘To, Todo Knock Out, Laban o Bawi at Bulagaan 2005.– Peter S. Ledesma

vuukle comment

EAT BULAGA

EVA EUGENIO

GLADYS GUEVARRA

IMELDA PAPIN

JUKEBOX QUEENS

KAYANG-KAYA MO

MARAMI

MEGA MANILA

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with