Joshua, sa US papa-pag-aralin ni Kris!
July 24, 2005 | 12:00am
Dadalhin daw ni Kris Aquino ang anak na si Joshua Phillip sa isang kilalang iskwelahan for Special Children sa Amerika na nagkakahalaga ng $8,000 ang bayad kada-buwan?
Nabanggit daw ito ni Tetay sa ilang kaibigan sa Dos na ayon sa nakikita niya ay tila walang pagbabago ang kalagayan ni Joshua sa iskwelahang pinapasukan niya rito sa Pilipinas kayat naisip daw niyang sa Amerika na lang ito pag-aralin baka nangangailangan ng bagong environment.
Naka-tsikahan naman namin ang isang kakilala na ang kamag-anak niya ay kaklase ni Joshua at malaki na raw ang improvement ng bata kayat tuwang-tuwa raw ang magulang nito, ipinagtataka lang ng kakwentuhan namin kung bakit walang pagbabago sa anak ni Tetay gayung iisa lang naman daw ang nagtuturo sa dalawang bata?
Dahil sa buwisit at tagal makakuha ng internet connection ni Aiai delas Alas ay nagpalit na lang ito sa internet prepaid card.
Iritable ang Comedy Concert Queen nung kausap namin siya sa kabilang linya last Thursday morning dahil hindi raw siya maka-konek sa internet.
"Oras ang binibilang bago ako makakuha ng internet, ang mahal-mahal pa mandin ng ibinabayad ko sa kanila buwan-buwan, parati na lang ganito.
"Makailang beses ko nang itinawag ito sa kanila, inaayos naman daw, pero heto, walang bago.
"Kaya nag-prepaid card na lang ako, ang bilis-bilis pa at mas mura. Imagine, laking tipid ko, huh?" seryoso niyang sabi. o0o
Naayos na ang problema ng GMA 7 sa permit ng mga batang talent nila sa Department of Labor & Employment (DOLE). May pa-seminar ang naturang ahensiya ng gobyerno sa GMA 7 last Thursday afternoon na dinaluhan ng mga executive ng bawat shows.
Ipinaliwanag sa mga taga-GMA 7 ng taga-DOLE ang bagong patakaran nila para sa mga batang talent ng istasyon na limitado na ang taping hours ng mga bagets na hanggang apat na oras na lang ang maximum nilang pagta-trabaho at hanggang alas otso pa ng gabi ang cut off time at higit sa lahat, hindi dapat nasasagasaan ang oras kapag nasa iskuwelahan sila.
Pangalawa ay may kaukulang bayad na ang bawat permit sa halagang isang libo sa bawat bata na igi-guest sa bawat programa na shoulder mismo ng show ang bayad sa DOLE.
Halimbawa, may limang batang guest sa alinmang programa, pumapatak na limang libo yun.
Kaya maraming executives daw ng bawat show ang hindi nagustuhan ang pamamalakad na ito ng DOLE dahil bukod daw sa talent fee ng bagets ay may karagdagang isang libo pa silang papasanin sa bawat ulo.
Sa mga programang Bubble Gang Jr at Mahiwagang Baul, nagkaroon ng matagalang diskusyon dahil sila yung puro kids ang bida, mantakin mo, ilang tig-isang libo ang babayaran nila roon sa bawat ulo?
Say tuloy ng isang bossing, "Naku, hindi na ako magi-guest ng bata, problema mo na nga kapag may topak, problema pa sa permit at bayad."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 18, 2025 - 12:00am