^

PSN Showbiz

Wala bang Koreanong pwedeng makausap ng one-on-one?

- Veronica R. Samio -
Kung gaano kabilis dumating ang star ng Koreanovelang Sweet 18 na si Lee Dong Gun na kasalukyang ipinalalabas ng GMA7 tuwing Huwebes at ng sisimulang Friends sa July 26 na kung saan ay kasama niya ang sikat ding si Won Bin (Andrew ng Endless Love 1, Autumn In My Heart) at All For Love kasama ni Rain (Justin ng Full House) sa Agosto 1) ay gano’n din siya kabilis na umalis. Ni hindi na niya nagawang magpaalam ng maasyos sa mga dumalo sa pa-presscon na ipinatawag ng GMA para sa kanya. Nakapagpakuha naman siya ng picture kasama ang ilang mga fans pero miminsan lamang. Nilimitahan daw sapagkat ang mga ganitong pictorial ay nagagamit sa internet at nakakaapekto ng di maganda sa kanilang image dahil marami sa sinasamahan niya sa larawan ay sinasabing girlfriend niya.

Hirap makipag-communicate kay Lee Dong Gun, na tulad din ng hirap sa pakikipag-usap sa marami nating kapwa Asyano na bumibisita ng Pilipinas. Mabuti sana kung magaling ang kasama niyang interpreter pero, parang limitado rin ang kaalaman nito sa Ingles kung kaya hindi masyadong na-enjoy ang presence ng sikat na Koreano (?) na sa pagmamadaling umalis ay naiwan ang magandang lei na pasalubong sa kanya at ang cake na bigay sa kanya rin dahil birthday niya.

Di naman kagwapuhan si Lee Dong. Rustom Padilla look-alike siya although, in fairness, lamang sa looks department ang Pinoy actor. Twenty six years old ito, at mayro’n nang minamahal, isang kapwa niya artista na nakasama na niya sa ilang tele-drama niya. Nag-aaral ito sa kasalukuyan ng pagkanta at kung may mag-aalok sa kanya ng trabaho rito ay welcome sa kanya bagaman at inamin niya na magkakaro’n siya ng malaking language problem.
* * *
Sa ika-136th anniversary ng itinuturing na bayani ng Valenzuela City, na si Dr. Pio Valenzuela, nagbigay parangal ang lungsod sa 20 outstanding individuals in various fields.

Isa sa mga nahirang ay isang matapang na anchorman ng ABS CBN’s DZMM, ang station manager nito na si G. Angelo Palmones na hindi matatawaran ang naging kontribusyon sa media at sa overall development ng Valenzuela City at kilala sa kanyang straightforwardness in news reporting and his kind heart in public service. Tumanggap din ito ng Best Radio Newscaster sa 13th Golden Dove Awards.

Tinanggap ni Palmones ang pagkilala sa isang seremonya na ginanap nung Hulyo 11, sa Valenzula City Hall Grounds.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALL FOR LOVE

ANGELO PALMONES

AUTUMN IN MY HEART

BEST RADIO NEWSCASTER

DR. PIO VALENZUELA

ENDLESS LOVE

LEE DONG GUN

NIYA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with