Pwedeng artista pero, mas ginustong mag-negosyo
July 22, 2005 | 12:00am
Pag swerte ka, walang anumang bagay ang makakapigil sa pagdating nito sa buhay mo. Tulad ni Enrico Roque, 32 years old lamang pero, matagumpay nang negosyante, at milyonaryo na!
Isang success story si Rico. Nung maliit ito ay naglilimas ito sa sapa para makakuha ng isda at umaakyat ng puno para manguha ng sampalok. Ngayon, siya na ang lalaking nasa likod ng napakaraming chain ng mga appliance stores na may pangalang Bodega ng Bayan at ang mabilis na lumalagong food chain na Tito Agas Food Corner. May 28 branches na ang una ay matatagpuan sa North at South Luzon samantalang 14 naman ang outlets ng ikalawa. "Paunti-unti ay magiging nationwide din kami. Soon magbubukas ako ng branches sa San Jose City at sa Pasig," anang guwapong entrepreneur nang makausap ko kamakailan lamang.
Bagaman at kaya niyang magsilbing endorser ng kanyang mga negosyo na katulad nang pagiging endorser niya ng National Star, isa ring appliance manufacturer brand, ang crush niyang si Angelica Jones ang endorser ng Bodega ng Bayaan at ang TV Idols naman ng ABS CBN ang endorser ng kanyang chicken and burger food corner.
Hindi totoo ang tsismis linking this civil engineer by profession to his crush dahil sa December, nakatakdang ikasal si Rico sa kanyang childhood sweetheart, si Mary Jane na isang pediatrician.
Maituturing na pinaka-malaking dahilan ng pagtatagumpay ng negosyo ni Rico ay ang pangyayaring ang mga trabahador niya ay mga less fortunate, mga taong di nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Ito bale ang tulong niya sa mga kapus-palad na marami ang nagmumula pa sa mga probinsya.
"Meron din akong mga nakapagtapos, mga 50 din siguro sila," ani Rico na isang magandang halimbawa sa mga kabataan natin ngayon dahil sa kabila ng pag-iwan sa kanila ng kanyang ama nung tatlong taon siya ay hindi siya nagkimkim dito ng galit. Ngayon ay pinamamahala niya ito sa isa niyang branch at dalawa sa mga kapatid niya sa ama ay nasa empleyo rin niya.
Ngayong Sabado, 7:00NG, GMA7, malayo man ay ilalapit nila Michael V at ng buong tropa ng Bitoys Funniest Videos ang Disneyland dahil dito naman sila maghahasik ng kasiyahan at katatawanan bilang pangalawang bahagi ng unang anibersaryo ng nangungunang primetime comedy show tuwing Sabado sa bansa.
Panoorin kung paanong pasisiglahin nila Michael V at K Brosas ang inyong gabi hatid ay mga practical jokes na ginawa upang yariin ang mga turista sa Disneyland! International na rin ang grupo ng "Alpha Kappal Muks" dahil meron na itong Japan chapter! Ang isang AKMU aspirant ay kailangang humingi ng pirma ni Jackie Chan pero ang hihingin niyang pirma ay yung sa mga nagdaraang Hapon! May pumirma naman kaya?
Bukod pa dito, hahalakhak talaga ang mga manonood sa mga nakakatawang tinagalog na video clips ng Americas Funniest Home Videos tungkol sa mga bata, matataba at kababaihan.
Kaya huwag pahuhuli at makiyari na kasama si Michael V at ang buong tropa sa part 2 ng first year anniversary party ng Bitoys Funniest Videos ngayong Sabado, 7ng sa GMA-7.
Isang success story si Rico. Nung maliit ito ay naglilimas ito sa sapa para makakuha ng isda at umaakyat ng puno para manguha ng sampalok. Ngayon, siya na ang lalaking nasa likod ng napakaraming chain ng mga appliance stores na may pangalang Bodega ng Bayan at ang mabilis na lumalagong food chain na Tito Agas Food Corner. May 28 branches na ang una ay matatagpuan sa North at South Luzon samantalang 14 naman ang outlets ng ikalawa. "Paunti-unti ay magiging nationwide din kami. Soon magbubukas ako ng branches sa San Jose City at sa Pasig," anang guwapong entrepreneur nang makausap ko kamakailan lamang.
Bagaman at kaya niyang magsilbing endorser ng kanyang mga negosyo na katulad nang pagiging endorser niya ng National Star, isa ring appliance manufacturer brand, ang crush niyang si Angelica Jones ang endorser ng Bodega ng Bayaan at ang TV Idols naman ng ABS CBN ang endorser ng kanyang chicken and burger food corner.
Hindi totoo ang tsismis linking this civil engineer by profession to his crush dahil sa December, nakatakdang ikasal si Rico sa kanyang childhood sweetheart, si Mary Jane na isang pediatrician.
Maituturing na pinaka-malaking dahilan ng pagtatagumpay ng negosyo ni Rico ay ang pangyayaring ang mga trabahador niya ay mga less fortunate, mga taong di nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Ito bale ang tulong niya sa mga kapus-palad na marami ang nagmumula pa sa mga probinsya.
"Meron din akong mga nakapagtapos, mga 50 din siguro sila," ani Rico na isang magandang halimbawa sa mga kabataan natin ngayon dahil sa kabila ng pag-iwan sa kanila ng kanyang ama nung tatlong taon siya ay hindi siya nagkimkim dito ng galit. Ngayon ay pinamamahala niya ito sa isa niyang branch at dalawa sa mga kapatid niya sa ama ay nasa empleyo rin niya.
Panoorin kung paanong pasisiglahin nila Michael V at K Brosas ang inyong gabi hatid ay mga practical jokes na ginawa upang yariin ang mga turista sa Disneyland! International na rin ang grupo ng "Alpha Kappal Muks" dahil meron na itong Japan chapter! Ang isang AKMU aspirant ay kailangang humingi ng pirma ni Jackie Chan pero ang hihingin niyang pirma ay yung sa mga nagdaraang Hapon! May pumirma naman kaya?
Bukod pa dito, hahalakhak talaga ang mga manonood sa mga nakakatawang tinagalog na video clips ng Americas Funniest Home Videos tungkol sa mga bata, matataba at kababaihan.
Kaya huwag pahuhuli at makiyari na kasama si Michael V at ang buong tropa sa part 2 ng first year anniversary party ng Bitoys Funniest Videos ngayong Sabado, 7ng sa GMA-7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended