^

PSN Showbiz

Ciara, di naniniwalang bading si Paolo

-
Tahasang inamin ni Ciara Sotto nang makapanayan ko ito sa aming programa sa radyo na hindi sila magkamag-anak ng nali-link at kasamahan niya sa Eat Bulaga na si Paolo Ballesteros. Ito ang kasagutan ni Ciara sa mga balitang nagsasabing hindi sila puwedeng magkatuluyan ni Paolo dahil magkaanak pa ang Sotto at mga Ballesteros na taga-Cabanatuan.

"Hindi ho kami magkamag-anak o magpinsan or something ni Paolo. Alam n’yo iyong may parte lang sa family namin ang magkamag-anak pero kaming dalawa ay talagang wala," ang pagtatanggol ng dalaga ni Tito Sen.

Samantala, ayaw pang magbigay ng konkretong sagot si Ciara sa tanong ko dito kung nagkaka-developan na ba silang dalawa ni Paolo.

"Hindi ko pa po alam. Ayoko po munang sagutin ‘yan. Pero ito lang po ang sasabihin ko, I enjoy being with him and siya rin po ay ganoon din. Ayaw ho naming mag-pretend for the sake of the audience dahil kung ano ang aming ipinakikita on-screen ay ganoon din po ang aming nararamdaman off-screen. Ngunit romantically? Wala pa po," ayon pa rin kay Ciara.

Ayaw ding maniwala ni Ciara sa isyu pagdating sa gender ni Paolo. Ayon dito, hindi siya naniniwala at nami-misinterpret lamang daw si Paolo dahil masyado itong gentleman. Idinagdag pa ng dalaga na sa tinagal-tagal na pagsasama nila sa Eat Bulaga ay hindi pa niya ito nakitaan ng palatandaan na isa itong bading.

Samantala, nilinaw naman ni Ciara na hindi nanligaw sa kanya si San Juan Mayor JV Ejercito. Totoo umanong lumalabas-labas sila noon, ngunit grupo raw sila at wala raw itong ginagawang hakbang na masasabi niyang nanligaw nga ito sa kanya. — Tonton Villamor

vuukle comment

AYAW

CIARA

CIARA SOTTO

EAT BULAGA

PAOLO BALLESTEROS

SAMANTALA

SAN JUAN

TITO SEN

TONTON VILLAMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with