^

PSN Showbiz

Ayaw ng mga fans na umaarte si Christian

- Veronica R. Samio -
Napakaraming email akong natanggap tungkol kay Christian Bautista. What I expected mga papuri sa napaka-sikat nang singer, instead ang karamihan sa kanila ay disappointed sa napanood nilang pag-arte nito sa Kampanerang Kuba, topbilled by Anne Curtis.

Sabi ni Rachel H: "Hindi ko type umarte si Christian. Sana iba na lang ang kinuha nila para sa role ni Lorenzo. Ang pangit kasi niyang umarte, parang ewan. Kumanta na lang sana siya, mas matutuwa pa ako sa kanya."

Sabi naman ni Baby Bench: "He’s always smiling in his scenes, even when it’s not required. He’s seriously ruining the Lorenzo character. He did come from theater so I was really expecting something from him. Luis Manzano is doing a better job than him."
* * *
Kung meron sigurong haping-hapi sa announcement ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival Philippines ’05 na pinamumunuan ni MMDA Chairman Bayani Fernando ng seven entries para sa nalalapit na MMFFP ’05, ito ay walang iba kundi si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment. Of the seven entries, tatlo ang sa kanya – Ako, Legal Wife, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at Shake, Rattle & Roll. The other four are Enteng Kabisote ng Octo-Arts -MZet; Exodus ng Imus Films, Kutob ng Canary Films at Mulawin ng GMA Films.

May tatlo pang karagdagang pelikula na iaanunsyo sa Disyembre. Bale second set ito ng festival at ipalalabas simula sa Enero 1.

Napatunayan na sa mga nakaraang pista ng pelikula ay mas kumikita ang mga pelikula na ipinalalabas sa ganitong araw, makatapos ang Disyembre 25 na siyang simula ng araw ng pagpapalabas ng pitong entries.
* * *
The search is on para sa isang banda na magiging kinatawan ng bansa sa Global Battle of the Bands (GBOB) na magaganap sa London at makapag-uuwi ng US$100,000 bilang premyo.

Ang Manila Broadcasting Company (MBC) ang pinili ng GBOB na magdaos ng series of competitions para makakuha ng Philippine rep to the first and only global band competition na bukas sa amateur at professional.

Magkakaro’n ng weekly competitions. Sa Agosto 1 (Manila), Aug. 5 (Cebu), Aug. 12 (Davao), at Aug. l9 (Baguio). Lahat ng weekly winners ay tatanggap ng P20,000. Mapapanood ito sa RPN 9, Lunes hanggang Biyernes, 5:30NH - 6:00 NG.

Sampung banda lamang ang makakasama sa national finals. Ang mananalo ay pupunta ng London, libre, at makapag-uuwi pa ng P500,000. Ang 2nd at 3rd placers ay mananalo ng P300,000 at P200,000. Ang 10 banda na makakasali sa finals ay bibigyan lahat ng P100,000.

Pinaka-requirement ay dapat ang banda ay may dalawa hanggang 10 myembro at tutugtog lamang ng original, unrecorded songs.

Makakatawag sa GBOB secretariat sa 832-6109/6156. May website ito sa www.gbob,com.

Unang idinaos ang GBOB finals sa London Astoria nung Nob. 30, 2004. Isang Spanish Indie Band ang nanalo.

Sa taong ito, 25 bansa ang magpapadala ng kinatawan –Denmark, England, Finland, Iceland, Indonesia, Ireland, Jamaica, Jordan, Netherlands, Norway, Russia, Scotland at marami pang iba.
* * *
Isa si Kat de Santos sa nagsisilbing attraction sa lobby ng mga sinehan nang ipalabas ang pelikulang Wag D’yan, Wag D’yan: May Kiliti Ako Dyan na dinirek ni Arman Reyes para sa Waterplus Productions ni Marynette Gamboa.

Sa grupo ng D’ Bodies ay si Kat na siguro ang may pinaka-malaking pangalan. Nakapag-solo na ito sa ilang pelikula kung kaya maugong kapag siya na ang ipinakikilala sa mga gigs ng D’Bodies. Naiwan ito sa WaterPlus nang magpasya ang manager na si Lito de Guzman na humiwalay na sila ng kanyang mga inaalagaang sexy stars lalo na nung di na sila nagkakasundo ng may-ari ng WaterPlus. Naiwan si Kat dahil di siya mina-manage ni Lito. Kilala ang grupo ni Lito sa pangalang Baywalk Bodies.
* * *


Isang commercial model si Edward Paez na gustong magka-break sa TV. Twenty two years old ito at bukod sa mga komersyal ay isa rin itong ramp model. Madalas itong ma-feature sa mga covers ng magazine at naging winner na ng Mr. Maharlika, Mr. Handsome Guy at Mr. Era. Matangkad ito (5’11") at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo.
* * *
Patok si Jerry Yan sa katatapos na Bench show sa Cebu. Halos apat na libong fans ang nanood ng Bench event na ang iba ay galing pa sa Maynila at yung iba, galing pa sa ibang bansa!

Dumating si Jerry ng Cebu nung July 14. Sangkaterbang tao ang sumalubong sa kanya sa airport pero, nabigo sila dahil di nila ito nakita. Sa mga likod nila idinaan si Jerry hanggang makarating ng kanyang silid sa Waterfront Hotel.

Si Amy Perez ang nag-host ng show. Tatlo ang kinanta ni Jerry.

Base sa naging pagtanggap kay Jerry ng mga Cebuanos, hindi pa rin kumukupas ang ningning nito bilang isang artista. Kaya hindi makapaniwala ang marami ang hindi na raw ire-renew ng Bench ang kontrata nito dahil isang Korean star na raw ang susunod na kukunin nitong modelo.

Magkakaro’n ng reunion ang F4 sa Hongkong sa March 2006.
* * *
E-mail: [email protected]

AMY PEREZ

ANNE CURTIS

CEBU

CENTER

LITO

WAG D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with