Mana sa ina!
July 18, 2005 | 12:00am
Ano kaya si Michael V. at lahat na lamang ng programang kanyang kinabibilangan ay talagang suportado ng mga manonood? Sa aming obserbasyon ay ang pagiging talented ni Michael V. na hindi kayang gawin at tapatan ng kanyang mga kapanabayan.
Sampung taon nang namamayagpag sa ere ang kanyang longest running gag program sa GMA-7, ang Bubble Gang.
Kabilang na rin si Michael V. o si Bitoy sa pinakamatagal at consistent top-rating noontime program na Eat Bulaga at nariyan pa ang kanyang Bitoys Funniest Videos na isang taon na sa buwang ito.
Halos araw-araw ay napapanood si Bitoy sa telebisyon mula Lunes hanggang Sabado maliban sa araw ng linggo.
Bukod sa pagiging TV host-comedian ni Bitoy, kilala na rin siya ngayon sa pagiging Master of Disguise dahil sa kanyang ginagawa sa Bitoys Funniest Videos kung saan ibat ibang character ang kanyang ginagampanan. Nakakatuwa rin ang ginagawang pagda-dub ni Bitoy ng Americas Funniest Home Video clips na lalo pang nakakadagdag ng katatawanan sa programa. Kung nakakatuwa si Bitoy, ganoon din ang kanyang kasama sa programa na si K Brosas na siya namang segment host ng "Just 4 Kikays" at "Alpha Kappal Muks".
Sa buwan ng Hulyo, dalawang special episode ng Bitoys Funniest Videos ang matutunghayan ngayong July 16 at 23 na kinunan pa sa Japan partikular sa World Trade, Fair Expo at sa Tokyo Disneyland.
Like mother, like son. Ito ngayon ang aming diskripsiyon sa mag-inang Geleen Eugenio at Miggy Eugenio na parehong hindi matatawaran ang husay sa pagsayaw. Si Geleen ay isang dance icon habang ang kanyang kaisa-isang anak na si Miggy ay nagsisimula na ring magkaroon ng sarili niyang tatak pagdating sa pagsayaw at paghu-host.
Sa pinakabagong dance program ng ABC-5, ang Club TV, na produced ni Geleen, isa si Miggy sa mga dance hosts at excited siya sa bagong break na ibinigay sa kanya dahil hindi lamang niya naipapamalas ang kanyang husay sa pagsayaw kundi pati na rin sa paghu-host.
Anim na taong gulang pa lamang si Miggy ay sumasayaw na siya na obviously ay namana niya sa kanyang choreographer-dancer mom na si Geleen Eugenio.
Hindi ikinakaila ni Miggy na ang kanyang ina ang kanyang naging inspirasyon kung bakit din siya nagkahilig sa pagsayaw. Madalas kasi siyang karay-karay ng kanyang mommy sa trabaho nito bata pa lang siya. May mga panahon ay ginagawa siyang extra ng kanyang mommy sa Loveliness, Manilyn Live at GMA Supershow at iba pa.
Nang mag-thirteen siya, naging miyembro siya ng isa sa pinakasikat noong dance group, ang UMD (Universal Motion Dancers) at magmula noon ay naging passion na ni Miggy ang pagsayaw dahil na rin sa reaction at reception ng mga fans sa kanila.
Pero aminado si Miggy na magkaiba sila ng style ng kanyang mommy. Although natutunan niya ang ibat ibang style ng pagsayaw from pop to jazz, aminado ang binata na mas feel niya ang street dance at hiphop. Tagahanga si Miggy ni Michael Jackson.
[email protected]
Sampung taon nang namamayagpag sa ere ang kanyang longest running gag program sa GMA-7, ang Bubble Gang.
Kabilang na rin si Michael V. o si Bitoy sa pinakamatagal at consistent top-rating noontime program na Eat Bulaga at nariyan pa ang kanyang Bitoys Funniest Videos na isang taon na sa buwang ito.
Halos araw-araw ay napapanood si Bitoy sa telebisyon mula Lunes hanggang Sabado maliban sa araw ng linggo.
Bukod sa pagiging TV host-comedian ni Bitoy, kilala na rin siya ngayon sa pagiging Master of Disguise dahil sa kanyang ginagawa sa Bitoys Funniest Videos kung saan ibat ibang character ang kanyang ginagampanan. Nakakatuwa rin ang ginagawang pagda-dub ni Bitoy ng Americas Funniest Home Video clips na lalo pang nakakadagdag ng katatawanan sa programa. Kung nakakatuwa si Bitoy, ganoon din ang kanyang kasama sa programa na si K Brosas na siya namang segment host ng "Just 4 Kikays" at "Alpha Kappal Muks".
Sa buwan ng Hulyo, dalawang special episode ng Bitoys Funniest Videos ang matutunghayan ngayong July 16 at 23 na kinunan pa sa Japan partikular sa World Trade, Fair Expo at sa Tokyo Disneyland.
Sa pinakabagong dance program ng ABC-5, ang Club TV, na produced ni Geleen, isa si Miggy sa mga dance hosts at excited siya sa bagong break na ibinigay sa kanya dahil hindi lamang niya naipapamalas ang kanyang husay sa pagsayaw kundi pati na rin sa paghu-host.
Anim na taong gulang pa lamang si Miggy ay sumasayaw na siya na obviously ay namana niya sa kanyang choreographer-dancer mom na si Geleen Eugenio.
Hindi ikinakaila ni Miggy na ang kanyang ina ang kanyang naging inspirasyon kung bakit din siya nagkahilig sa pagsayaw. Madalas kasi siyang karay-karay ng kanyang mommy sa trabaho nito bata pa lang siya. May mga panahon ay ginagawa siyang extra ng kanyang mommy sa Loveliness, Manilyn Live at GMA Supershow at iba pa.
Nang mag-thirteen siya, naging miyembro siya ng isa sa pinakasikat noong dance group, ang UMD (Universal Motion Dancers) at magmula noon ay naging passion na ni Miggy ang pagsayaw dahil na rin sa reaction at reception ng mga fans sa kanila.
Pero aminado si Miggy na magkaiba sila ng style ng kanyang mommy. Although natutunan niya ang ibat ibang style ng pagsayaw from pop to jazz, aminado ang binata na mas feel niya ang street dance at hiphop. Tagahanga si Miggy ni Michael Jackson.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended