^

PSN Showbiz

Snooky, Lloyd magka-holding hands sa bar!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi sinasadyang nagkita sina Snooky Serna at Lloyd Samartino sa looby ng Greenbelt 3 kamakailan. Galing ang aktres sa panonood ng concert ni Ogie  Alcasid.

Nagpasama ang aktres kay Lloyd sa isang bar para sa isang cocktails. Atubili ang aktor dahil nangangamba itong matsismis silang dalawa. Pero di apektado si Snooky, pumasok ang dalawa sa bar ng magka-holding hands pa.
Angel Crush Ni Erik!
Very vocal sa pagsasabi noon si Erik Santos na si Angelika dela Cruz ang kanyang matinding crush, pero ngayon nabaling ang kanyang pansin kay Angel Locsin.

Kaya hanggang crush lang ito dahil alam niyang may nobyo na ito sa katauhan ni Oyo Boy Sotto.

Loveless pa rin ngayon si Erik at ipinaubaya na lang niya ang isa pang singer sa kaibigan na balak din niyang ligawan noon.

Girlfriend na ni Christian Bautista si Rachelle Ann Go.
Echo, May Ibang Pinopormahan!
Deny to death ang drama ni Jericho Rosales nang tanungin namin kung totoo bang nanliligaw siya sa singer  na si  Aliyah Parcs.

Inamin nito na hanga siya sa magandang boses nito at pagiging magaling na singer pero hanggang dun lang ito.
Magpaparamdam Sa Campus Ghost Stories!
Ngayong semester, may naka-enrol na mga galit na kaluluwa. Kakayanin mo bang mag-aral sa isang haunted school? Mula sa pinanggalingan ng seryeng The Ring, narito ang isang bagong horror phenomenon ng Japan na nagsisiwalat kung paanong ang simpleng pagkakagusto ng mga kabataan sa opposite sex ay nagiging mala-demonyong obsesyon. Pinamagatang Campus Ghost Stories, isa itong 2-episode na pelikulang hango sa mga totoong paglalahad ng maraming estudyante sa bawa’t henerasyon. Kung paanong  ito’y nagsimula ay sobrang nakakatakot para tanggapin ng kasalukuyang mga manonood. Handa ka bang sumigaw ng walang humpay hindi lang isang beses kundi dalawa?

Sa direksyon ng bagong hotshot director sa Asya na si Toshiharu Ikeda (Evil Dead Trap), ang Campus Ghost Stories ay pinangungunahan nina Yuichi at Koji Matsuo. Ipinamamahagi sa ‘Pinas ng Solar Entertainment Corporation, ang kompanyang nasa likod ng trendsetting horror movies tulad ng Dark Water, The Eye, The Ring at iba pa.

vuukle comment

ALIYAH PARCS

ANGEL CRUSH NI ERIK

ANGEL LOCSIN

CAMPUS GHOST STORIES

CHRISTIAN BAUTISTA

DARK WATER

ERIK SANTOS

EVIL DEAD TRAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with