Kumakain ng inihaw na pusit sa kalye ang international star
July 17, 2005 | 12:00am
Pauwi na sana ako noong Biyernes ng hapon, nang bigla kong naisip na dumaan sa supermart.
Buti naman at nabagong bigla ang plano dahil hindi ko inaasahan na doon sa Parco supermart sa Quezon Avenue ko muling makikita si Tetchie Agbayani.
Nakakagulat dahil ganoon pa rin ang itsura ng maganda at sexy actress. Slim pa rin siya at very lovely ang mukha kahit walang make-up.
Kasama ni Tetchie ang kanyang 12-year-old daughter na si China. Ayon sa proud mom, first year high school na ang kanyang anak na mukhang mas malaki sa kanyang edad, pero mukhang neneng-nene pa talaga.
"Siya ang youngest sa klase nila," sabi ni Tetchie sa akin. Pareho kaming tuwang-tuwa na di sinadyang magkita doon. Syempre tuloy ang kwentuhan dahil walang masyadong tao sa Parco that afternoon.
"Nagtuturo ako sa aking Alma Mater, ang St. Joseph College ngayon," masayang balita ni Tetchie. "I am also finishing my thesis dahil ito na lang ang kulang para maka-graduate ako sa aking Masters Degree sa Ateneo University."
Higit akong sumaya nang marinig mismo kay Tetchie kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Buti naman at na-focus niya ang kanyang panahon to something really worthwhile.
Simple ang ayos ni Tetchie nang magkita kami. The usual jeans and top, walang make-up kundi lipstick lang. Ni wala nga siyang powder o foundation man lang sa mukha. Kahit di siya pormang artista, malakas pa rin ang appeal ni Tetchie at hindi mapigilang tingnan ng ibang shoppers na dumaraan sa section na pinagchi-chikahan namin.
Naisip ko tuloy na kung meron pwedeng makasama sa cast ng mga teledrama ngayon, very qualified si Tetchie. Bukod kasi sa maganda, mahusay na aktres siya. Sayang nga lamang at walang nakakaisip na direktor na isama siya sa cast ng mga TV shows ngayon.
Nalaman ko kay Tetchie na higit na maganda ang takbo ng buhay niya ngayon at very happy siya sa kanyang pamilya at bagong career, hindi ako nagtaka.
Kasi noong artista pa siya, very professional si Tetchie, mahusay makisama at magaling umarte. Higit sa lahat ay nakatulong sa kanyang pagpapayabong ng kanyang spiritual life.
Naniniwala kasi si Tetchie that human beings are more spiritual than physical, kaya lagi niyang binigyan ng hustong panahon ang malaking bahaging ito ng buhay.
Isang devotee din si Tetchie ng Mother of Perpetual Help. Noon nga madalas ko siyang makasalubong sa Redemptorist road sa Baclaran patungo sa pagnonobena sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
Kahit noon din, simple lang ang get-up niya at walang make-up kapag hindi nakaharap sa camera. Tulad din ng mga ordinaryong devotees ng Mother of Perpetual Help, enjoy si Tetchie sa mga paninda at pagkain sa Baclaran.
Noong minsang makasalubong ko nga siya, kumakain siya ng inihaw na pusit na tinda sa bangketa. Sasabihin bang kakain ang isang international star ng ganoon at pinapakita pa niya sa madlang people? Yon talaga ang pagkakilala ko kay Tetchie. Hindi marunong mag-inarte o magpa-sosyal kapag wala sa harap ng camera o kapag hindi naman nasa isang sosyalan.
Watch out for the live The Love Concert ni Nonoy Zuniga sa Music Museum on August 5 and 6.
Natural karamihan sa kabilang sa repertorie ng dakilang balladeer ang lahat ng kanta sa kanyang The Love Album na certified gold na.
Iba pang kakantahin ni Nonoy sa show ay ang kanyagn most memorable hits tulad ng "Never Ever Say Goodbye," "Doon Lang," "Kumusta Ka" at "Love Without Time".
Special guest ng show si Rachelle Ann Go at iba pang Viva talents.
For tickets, available na ito sa lahat ng Ticketworld outlets, sa National Bookstore at sa Music Museum. Maaring tawagan ang 891-9999 for further inquiries.
Kung gusto nyo ng isang very romantic musical evening na kasama ang inyong mahal sa buhay, dapat manood ng The Love Concert starring Nonoy Zuniga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended